Chapter 5 - Ang Cute mo kasing Galitin! ^_^

88 2 1
                                    

Uwian na.

Sabay kaming umuwi ni Jocy.

Kahit OT sya sa trabaho at ako'y hindi, hinintay ko pa din sya.

Sabi ko kasi sa kanya, ihatid nya ako sa bahay. Kung pede nga lang dun na sya matulog kaso hindi eh kasi walang kasama ang mama nya sa bahay.

Ayoko naman na sa kanila ako matulog kasi baka iyon na yung hinihintay na pagkakataon ni Cedric para magawa nya yung maiitim nyang binabalak.

____________________________

6:30PM.

Sa wakas, uuwi na din kami.

MAraming trabaho ngayon kaya marami ding nag-OT.

Sabay-sabay kaming lumabas ng mga officemates ko.

Marami kaming pinagkwekwentuhan tungkol sa trabaho kaya di namin namalayang groundfloor na pala.

Dun sa may waiting area, nagtipon ang mga tao.

Karamihan mga babae.

Para bang may pinagmamasdan sila.

"Ay teh, anetch bang meron??" tanung sakin ni Jocy.

"Awani teh, baka naman may artista. Nagkakagulo tong mga babaeng toh eh. May nagpipicture- picture pa."

Habang papalapit kami sa may labasan, naririnig namin mga bulungan ng mga tao.

"Uy, ang cute naman nun! Artista ba yun?" tanung ng isang babae sa kasama nya.

"Hindi ko alam eh, hindi ko naman nakikita sa TV or Movie yun. Baka naman model." sagot naman nung isa.

At siyempre, nang marinig ng baklita kong kaibigan yung magic word na *CUTE*, papahuli ba naman toh.

Dali-dali nya akong hinatak papalapit dun sa lalaking yun na pinagkakaguluhan ng marami.

At nang makasingit...

"Oh... My..... Papalicious!!!! Sinetch ba yan??? Peg ko toh teh!" sabi ng kinikilig na bakla.

Pagtingin ko sa lalaking yon...

Bigla kong hinatak palabas ng building si Jocy.

Anak ng... Sana hindi nya ako nakita.

Bakit ba yun nandito?

"Arouch!!!! Teka naman Ericka, makahatak naman toh! Anu bang problema mo?!" inis na sabi ni Jocy sabay tanggal sa mahigpit kong pagkakahawak sa kamay nya.

My Heart Skips a Beat! (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon