Chapter 2 - Ansabe???? Titira siya dito???

82 1 0
                                    

"AHEEEMMMM!!!" mariing pagkakasabi ko.

"Bakit? May problema ba Ms.???" sagot nya sakin habang patuloy sya sa ginagawa nya.

Tingnan mo nga naman.. Ang kapal kapal talaga ng mukha nito oh.

Tanungin daw ba ako kung may problema ako???

"Problema?? Ahm... Excuse me ha!? Unang una, hindi mo ba natatanong sa sarili mo kung san kang lupalop ng mundo nandun?" panimula kong diskusyon sa antipatikong lalaking yon.

"Ah, yun ba?? Eh kasi..."

Hindi pa sya tapos magsalita sinagot ko na agad sya.

"Pangalawa, hindi mo man lang ba ipapakilala ang sarili mo? kung sino kang hukluban ka na bumaba sa langit at nanggulo dito??"

"eh, kasi..."

"Hep!" pigil ko pa sa kanya bago pa sya matapos.

"At pangatlo, so kailangan, feel at home ka na dito!??? Anfeeling mo, kapamilya ka!?" sabay isnab ko sa kanya.

Bago pa lang syang magpapaliwanag, lumabas bigla si nanay.

"Ericka, kausapin ka muna namin ng tatay mo sandali." si nanay.

"bakit nay? Tungkol san po ba yon? Tungkol ba yun dito sa lalaking ito.?"

"Basta, pumasok ka muna dito."

Nak naman ng tinapa oh... Masama ang kutob ko dito ah.

Pumasok ako sa loob ng bahay kung san andun si nanay at tatay.

"Anak. Pansamantalang dito muna titira si Cedric." si tatay

"So.. Cedric pala ang name nya.... HUH!???? (*0*)  Anu kamo ulit tay?" gulat na tanong ko.

"Dito muna titira si Cedric.... Anak ke aga pa, nabibingi ka na.."

"Ay, tay.. di bagay sainyo komedyante. Hindi magandang biro yan ha!"

"We're not joking anak!"

"So kelangan po, ingles??? Nosebleed tay!" sabay pisil ko sa ilong ko.

HEHEHE ^__^ ang kulit eh noh!?

"Ay, kayo nga'y magsipagtigil na dalawa! Para kayong mga bata ah!" saway samin ni nanay.

"Ericka, dito muna titira pansamantala si Cedric." ulit ni nanay sa sinabi ni tatay.

"Paulit-ulit??? Paulit-ulit??? unli?? unli?? unli ka nay???" pangungulit na tanung ko.

"Tingnan mo tong batang to oh!?" sbay batok ni nanay sakin.

"Aray..." x_x

" KAw na bata ka. Napakapilosopo mo, nahahawa ka na kay Joshua."

"Hindi naman po. Pero bakit nga po dito titira yung mayabang na yon?"

"Wala pa kasi syang matitirahan. Galing siya ng probinsya nya. Lumuwas sya dito sa Maynila para maghanap ng trabaho kaso, wala pa sya mahanap gang ngayun." si tatay.

"Nung mga panahon na naghahanap sya ng kakainan kahapon, nakita nya nga kami na hinohold-up kaya tinulungan nya kami." dugtong ni nanay.

"And so... hindi na natin problema ang matutuluyan at trabaho nya noh! Isa pa natulungan na natin sya."

"Ikaw... Wala kang awa. Hindi mo ba naisip na kung di dahil kay Cedric malamang..............."

Ay naku! Eto na naman po tayo.

Kehaba-habang litanya na naman nito kay mother.

haayss....

BLAH BLAH BLAH....

My Heart Skips a Beat! (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon