Alas dos na ng madaling araw pero gising parin ang diwa ko.tulog na lahat ng kasama ko sa bahay patay narin halos lahat ng ilaw..pascroll scroll lang ako sa nf ko ng biglang may nagmessege sakin
So tiningnan ko kung sino tapos medyo nagtaka ako kase yung profile niya is kulay black lang...syempre pagdi ko kilala iniistalk ko muna yan bago ako magreply malay mo gwapo HAHAHAH so ayun nga sinearch ko siya tapos pumunta ako sa wall niya takte wala siya kahit isang post...kaya napagpasyahan kong wag magreply...binasa ko na lang kung ano yung chinat niya
;Hi Hera.
Takte nagtaka ako bakit alam niya totoo kong name ehh yung pangalan na ginagamit ko sa fb ehh iba di bale yung mga kilala ako sa personal lang ang nakakaalam ng true name ko..
So dahil nacurious ako nagreply ako
Me: Hello?pano mo nalaman true name ko?
;bat di ka pa natutulog?
Me: Ahhh di pa kase ako inaantok
; pero tulog na yung mama mo tyaka kapatid mo
Me: pano mo nalaman na tulog na mama ko tyaka kapatid ko?
Ewan ko kung ano yung dapat maramdaman ko ...kung maaamaze ba ako kase nahulaan niya o matatakot ba ko
Mga ilang minuto din akong naghintay na sagutin niya yung tanong ko pero di na siya nagreply ....dahil na rin sa madaling araw na matutulog na sana ako pero bigla naman akong natatae so.pumunta ako sa banyo kasama yung cp ko para habang tumatae magbabasa muna ko sa wattpad ..Multi tasking ganern HAHAHAH
tapos nung tumatae na ko may nagmessege ulit....tiningnan ko tapos siya ulit yung nagmessege
;anong ginagawa mo sa cr?
Pagkabasa ko palang ng chat niya king ina kinilabutan talaga ako ..takte pano niya nalaman ..nagsimula nadin manginig yung kamay ko...pero nagreply parin ako sa kanya sa kabila ng kaba ko
Me: Sino ka ba?
; Tulungan mo ako
Me: Putang ina mo gago kung sino kaman wag ako yung pinagtitripan mo ulol!!!
Halos nasabi ko na lahat ng mura dahil sa takot ko
Dali dali akong tumayo sabay suot ng short ko..pumunta ko sa higaan ko..kabang kaba ako...pagkahiga ko dun sa butas ng ilalim ng pintuan may nakita akong parang may dumaan ...takte natatakot na talaga ako
Tapos tumingin ako sa may bintana ...naiwan ko pala yun na bukas.....nagkumot ako hanggang leeg sabay yakap sa unan ko pinipilit ko na makatulog ako
Pipikit ko na sana yung mata ko ng may narinig akong sumisitsit sa may bintana so tiningnan ko kung may tao ba pero wala naman...tapos maya may biglang kamay na humawak sa may bintana kasabay nun ang isang nakakatakot na tawa....
Takot na takot na talaga ako pinikit ko yung mata ko pero yung medyo bukas parin onti ....
Takte natatakot na ko..kaya ginawa ko pinikit ko na talaga ng tuluyan yung mata sabay nagpray ako tapos nung wala na kong marinig na tumatawa dinilat ko na ang aking mga mata
tiningnan ko ulit yung bintana pero ngayon wala na yung kamay...
Pinapaniwala ko pa yung sarili ko na baka guni guni ko lang yun..kaya naman naglakas loob akong lumapit sa may bintana para isara ...
Nang isasara ko na bigla na lang may humawak sa kamay ko...kamay ng lalaki kase maugat dahil dun napasigaw ako
"HWAAHHHHHHHH!HOLY SHIT!!WHAT THE FUCK!!" Gulat kong sabi
tapos biglang may biglang nagsalita
"What the !!look at your face HERA Hahahha it's priceless "
WHAT THE FUCK!!Si Phoenix lang pala yun ...tang ina napagtripan na naman ako ng gago-_-
"SIRA ULO KA!!AKALA KO MULTO NA BWISETT KA TLAGA KAHIT KAILAN !!!Humanda ka sakin" naiinis kong turan sa kaniya sabay suntok sa dibdib niya with pingot sa tenga na rin syempre
"Aray..aray naman Hera masakit ...bitawan mo na tenga ko babae"
"Bayad yan sa panggagago mo sakin...ANO ANSAYA MO TALAGA PAGPINAPRANK MO KO EHH NOHHH NAKAKAHAKOT BA NG VIEWERS SA YT CHANNEL MO?tskkk"sarcastic kong tanong sa kanya
Dahil dun sumeryoso siya..alam niya kaseng galit na talaga ako sa kanya at isa lang ang paraan para mapatawad ko siya
"Sorry na please..ikikiss kita gusto mo?" Nagmamakaawang sabi niya sakin
Sumimangot naman ako sa sinabi niya....alam niya naman yung gusto ko ehhh..TINITIGAN KO SIYA SA MATA
"OO NA!!ILILIBRE NA KITA TAKTE NAMAN SA SUSUNOD DI NA KITA IPAPRANK...LAGING UBOS PERA KO PAGKATAPOS KITA MAPRANK EHH TSK."
Hahahahahah kasalanan naman niya ehh dahil sa tuwa ko hinawakan ko yung pisnge niya sabay kurot
"ANO BA!!" Nakasimagot niyang sabi
"HAAHAHAHH kasalanan mo naman ahhh"
Inalis ko na yung kamay ko sa pisnge niya..siya naman lumapit siya sakin sabay amoy
"Takte parang ambaho mo ngayon babae?"
Inaamoy amoy niya parin ako dahil sa sinabi niya naalala ko hindi pala ako nakapaghugas ng pwet nung tumae ako
dahil sa takot putang ina!!!!"GAIG DI PA PALA AKO NAGHUHUGAS NG PUWET PHOENIX!!!KING INA!!" Ngumiti ako sa kanya ng pilit sabay karipas ng takbo sa banyo
HAHAHAHAHAH ANTANGA KO TALAGA!!
#KingAxIsParanoid
Ps: Anong naramdaman niyo nung binasa niyo toh mga takte?😂 Antanga ni girl😂
BINABASA MO ANG
Herafein Axcdy's One Shots
Randomkiligin ,malungkot, matawa at mabitter sa one shot story na aking nilikha... Galawang herafein-dinadaan sa angas o dahas😂 Girl: HOY LALAKI!! Boy: *napahinto sa paglalakad sabay turo sa sarili Girl: OO IKAW!!walang hiya ka!! Boy:*lumapit kay girl ng...