Ayan na po mga boi!!!ginawa ko na yung part two..bahala na kayo kung magugustuhan niyo ba o hindi HAAHAHHAHA TAKTE ENJOY READING NA LANG😂------------------------------
The Super moves(part 2)Nasa may gate na ko ng school...himala andami ng estudyanteng nakikita ko...btw wala naman akong pakelam
Habang naglalakad ako papuntang locker puro nalang si gagong zein yung pinag-uusapan nila tyaka yung hinahanap na babae neto bla bla bla andaming alam nakakarindi na sa tenga bwisett
Hindi ko namalayan malapit na pala ako sa locker ko.
kukunin ko lang yung iniwan kong mga libro kahapon..Pagkabukas ko ng locker kinuha ko agad yung mga dapat kunin sabay lakad paalis
Nung napadaan ako sa may cr naalala ko yung nangyari kahapon ...Takte di ko mapigilang humagalpak ng tawa..
"HAHAHAAH AMPANGIT TALAGA NG MUKHA NI GAGONG ZAINE NUNG TINUHOD KO YUNG ANO NIYA " Bulalas ko sa aking sarili ...bahala na kong may makarinig sakin pero sure naman akong wala kase ako lang mag isa dito ngayon .
Dahil baliw ako ginawa ko ulit yung ginawa kong moves kay zaine..tinaas ko yung tuhod ko..kunwari may tinuhod talaga ako sa ere sabay ginawa yung pag twist ko sa kamay ni zaine..sumuntok suntok pa ko sa ere sabay ikot patalikod..susuntok ulit sana ako kaso this time may sumalag na
"Ngayon sisiguraduhin ko ng hindi mo na magagawa ulit sakin yan" sabi ng lalaking may baritonong boses sa may harap ko
Itinaas ko yung ulo ko at hindi nga ko nagkamali si gagong zaine nga yung sumalo sa suntok ko
Ngumisi ako sa kanya ng mapang-asar
"Ohhh talaga ba?" Malokong tanong ko sa kanya
Ngumisi naman siya sa tanong ko...hinigpitan niya lalo ang pagkahawak sa kamao ko sabay tulak sakin sa may pader
Takte seryoso nga siya-_-..Masakit din onti yung pagkakatulak niya sakin sa may pader ...TAKTENG buhay talaga ohh
hinarang niya ang dalawang kamay niya sa may pader
Ohhh ano toh parang wattpad lang ..yung ikokorner nung lalaki yung babae tapos hahalikan?
"Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo sakin babae...hindi ko palalagpasin ang muntikan mong pagsira sa kinabukasan ko" seryosong sabi niya sakin
Tiningnan niya ang mga labi ko sabay ngisi ng nakaloloko
DAHAN dahan niya ng nilalapit ang mukha niya sakin habang nakatitig ng nakangiti sakin
Ngumiti akong ng napakatamis.Nabigla siguro siya sa pagngiti ko kaya napahinto saglit
Pinalamlam ko ang mga mata ko sabay Kinagat ko ang pang ibabang labi ko na kala mo ay nang aakit habang nakatitig sa mga mata niya
Nakita kong nagugustuhan niya ang nakikita niya..napangisi siya lalo sa ginawa ko..
Ini- step forward ko yung kanan kong paa ng hindi niya nahahalata
Palapit na ng palapit ang mukha niya sakin
Onti na langBumilang ako sa may isip ko hanggang tatlo
1.....
2
3
Iniuntog ko ang ulo ko sa kanya..TAKTE ansakit ahhh pero tiniis ko yun kailangan kong makatakas sa gagomg zaine na to
Dahil sa ginawa ko napahinto siya sabay inda ng sakit sa nuo niya ginamit ko namang pagkakataon yun sabay tulak sa kanya ng bahagya ..mabilis kong sinuntok ang bandang dibdib niya sabay ikot paharap sa kanya ...baliktad na ang posisyon namin ngayon siya na ngayon ang nakasandal sa may pader.
Gulat siyang nakatingin sakin habang hawak niya ang sinuntok ko kanina...HALA TAKTE NAPALAKAS KO ATA..bahala na nga siya may kasalanan niyan.
Inilagay ko ang dalawang daliri ko sa pagitan ng collar bone niya dahilan ng pagkaubo niya
Huminga ako ng malalim sabay buong pwersa na nagpakawala ng suntok derekta sa gwapo niyang mukha pero nung malapit na ang kamao ko..ilang distansya na lang ay masasapak ko na siya ay sadya akong huminto sabay ngisi
"Dont you dare understimate me MR.ZAINE hindi porket sikat ka sa school ay hahayaan na kitang halikan ako" seryoso kong sabi sa kanya
Kumunot ang nuo niya sabay ng pagkasalubong ng kilay niya
"Papatayin mo ba ako?"-seryosong tanong niya sakin
"Hindi"-mabilis kong sagot sa kanya
"Hindi pa yun?...baliw ka bang babae ka?ehh halos mamatay na ko dun ehh.
Ohh ano isa na naman ba yun sa super moves mo ?" Paubo ubo niyang tanong sakinNapatawa naman ako dahil dun..takte naalala niya pa yung sinabi ko kahapon bago ao umalis HAHAHAHAH
tinanggal ko na ang kamay ko sa may leeg niya..umatras ako ng isang hakbang sabay pagpag sa palda kong medyo gusot na..TAKTE NAGUSOT tuloy palda ko kainis ang hirap kaya maglaba-_-
Tumingin ako sa mga mata niya ng seryoso napalunok naman siya dahil dun
Tumalikod na ako sa kanya sabay lakad papalayo...bago ako tuluyang maglaho sa paningin niya sumigaw muna ako
"Thats what you called The super duper moves MR ZAINE..GINAMITAN KO KASE NG PANG AAKIT #1"sigaw ko sa kanya
"Wait!!" balik niyang sigaw sakin
Huminto ako sabay lingon sa kinaroroonan niya sabay nagpakawala ng nakakakalokong ngisi
"Btw Kung gusto mong halikan ako..magpaalam ka naman, papayagan nman kita"nakangisi kong sabi sa kanya
Napangiti naman siya sa sinabi ko
Huh kala talaga ng lalaking to na magpapahalik ako sa kanya ....Nek nek niya lol
"PERO CHAROTT LANG YUN GAGO!!.
.DI AKO MAGPAPAHALIK SAYO ULOL HAHAHAHAHAHAH" tatawa tawa kong sabi sa kanya sabay taas ng middle finger sabay takboWewsss grabe effective din pala yung tinuro sakin ni ate na "how to seduce boys" HAAHAHAA takte masakit parin kaya yung nuo ko ....kainis bwisett kase yung zaine na yun grrr.
-Herafein axcdy
BINABASA MO ANG
Herafein Axcdy's One Shots
Randomkiligin ,malungkot, matawa at mabitter sa one shot story na aking nilikha... Galawang herafein-dinadaan sa angas o dahas😂 Girl: HOY LALAKI!! Boy: *napahinto sa paglalakad sabay turo sa sarili Girl: OO IKAW!!walang hiya ka!! Boy:*lumapit kay girl ng...