SOH 3

10 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Nagpapahiwatig ito na may nareceive akong tawag.

"Aya, can I see you?"

Agad naman akong naangiti sa kanyang mensahe. Kakauwi ko nga lang galling sa bahay nila at heto na naman siya.

"Kakauwi ko nga lang galling sa bahay niyo diba?" pagsagot ko.

Tanggap naman ako ng pamilya nila pero nakakahiya naman kung palagi na lang ako s bahay nila. My Mom would be so upset kapag nalaman niyang palagi akong nasa bahay nila. My Mom raised me very well. Tinuruhan niya ako na huwag masyadong maglalagi sa bahay ng isang lalaki kahit pa kasintahan mo ito. And what we are doing violates what she taught me.

"I know. I just miss you. Punta ka ulit ditto next time ha. My Mom would love to see you again." Sagot din niya.

"Okay! Next time. I promise." Pagkatapos kong isend ay nahiga na ulit ako sa aking kama. Wondering kung sasabihin ko ba kay Mama na nanggaling ako sa bahay nila. Pero ayokong magalit siya sa akin. Am I a bad daughter if I lie?

Agad naman akong napaluha dahil sa pagsisinungaling ko kay Mama. Mahal ko naman siya and I respect her kaya nga lang hindi ko masabi-sabi kay Mama na kami na. ang akala niya ay hindi ko pa siya sinasagot.

Agad akong napabalikwas mula sa aking pagkakatulog. At agad kong kinapa ang aking dibdib dahil sa sakit na aking nararamdaman at hindi ko ito maipaliwanag kung bakit ako nasasaktan. Pati na rin ang patuloy na pag-agos ng aking mga luha ay hindi ko maipaliwanag.

Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ako umiiyak? At sino ang lalaki sa aking panaginip? Why would I go to his house? And why did I lie to my Mom?

Biglang sumakit ang aking ulo sa dami ng tanong na hindi ko naman masagot. Mula noong magising ako sa kwartong ito, walang araw na hindi ako nagigising na hindi umiiyak. At mas lalo lang akong naguguluhan sa aking pagkatao.

Lumabas ako sa aking kwarto at dumiretso sa kusina kung saan busy si Mama sa pagluluto ng agahan.

"Ma, may napanaginipan na naman ako kanina. May katext daw akong lalaki at pinapapunta ako sa kanilang bahay. Boyfriend ko ata kasi may 'I miss you' yung text niya tsaka ayaw ko daw ipaalam sayo na may boyfriend ako kasi magagalit ka." Nakaupo ako sa upuan paharap kay Mama pero katulad ng dati hindi niya ako pianpansin.

"Parang imposible namang magsinungaling ako sayo diba Ma? Wala man akong maalala tungkol sa pagkatao ko pero sigurado akong pinalaki mo ako ng maaayos."

Humarap ako kay Mama na nakangiti pero walang ngiti ang kanyang mukha. Parang walang buhay ang kanyang mukha at kung ngingiti man ito ay hindi mo ramdam na totoo ito. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko kaya. Pinagtiyagaan ko na lang ang panuorin siyang magluto.

Napatigil lamang siya sa pagluluto dahil sa tunog ng doorbell namin.

"Sino ho sila?" pagtanong ni Mama sa taong nasa labas ng bahay. Hindi ko na siya sinundan dahil sa hindi rin lang naman ako makakalabas ng bahay.

"Tita, good morning po! I'm Nisyel po. Ako po yung bagong kapitbahay niyo." Pagsagot naman ng babae.

"Ay. Magandang umaga rin sayo! Pasok ka, pasensiya na kung hindi kita nawelcome ditto kahapon. Busy kasi ako sa shop eh." Pagpapaliwanag naman ni Mama.

"Nasaan po yung kasama niyo ditto sa bahay niyo?" Tanong ni Nisyel.

Hindi agad na nakasagot si Mama kaya naman lumabas na ako ng kusina at tinignan kung anong nangyayari sa sala.

Kaagad na napatingin sa akin si Nisyel na nakangiti.

Nisyel is beautiful. Mahaba ang buhok. Makinis at may ngiting nakakahawa.

"Ay. Saglit lang Nisyel, yung niluluto ko. Upo ka muna. Dito ka na kumain ha? Magtatampo ako kung hindi mo ako sasaluhan." Nakangiting sambit ni Mama.

Hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan dahil sa babaeng nasa harap ko. She can see me? But how?

"Hi?" patanong na pagbati niya sa akin. Pero hindi ako agad makasagot dahil sa gulat na aking nararamdaman.

This girl isn't ordinary! Finally! She met a girl who can see her!

Her SilhouetteWhere stories live. Discover now