SOH 6

6 1 0
                                    


Kaagad akong nagising at hinihingal na bumangon. Kaagad kong kinapa ang aking dibdib. My heart is beating so fast. Para akong tumakbo ng matagal.

" Bakit ba hindi ko makita ang mukha niya? At bakit ba kita iniiyakan? Shit lang." agad akong tumayo at tumigin sa labas.

Hapon na pala, ang haba haba ng tulog ko at yun lang ang napanaginipan ko?

"Asan na kaya ang cellphone ko noon?" Pagtatanong ko sa sarili ko. Pero kahit naman nasa akin, hindi ko naman mahahawakan. Ni hindi ko nga mayakap si Mama.

"Pst!" Kaagad naman siyang napatingin sa baba kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

Nasa baba si Nisyel na nakangiting kumakaway sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya nito at parang hindi uso sa kanya ang salitang "lungkot".

"Bakit?" walang ganang tanong niya kay Nisyel. Kung sana ay may maalala man lang siya kahit kunti tungkol sa lalaking nasa panaginip niya, baka makatulong ito sa kanya upang malaman kung paano siya namatay at kung sino ang pumatay sa kanya.

"Papasok ako diyan. Magpapaalam ako kay Tita. Mukhang may pupuntahan siya eh. Tsaka para hindi ka na malungkot diyan. Hindi bagay sa'yo ang magdrama." Nakangiting sabi niya.

Today is Monday at papasok si Mama sa shop kaya walang maiiwan sa bahay kundi ako. Kung kaya ko lang ang lumabas at gumala, baka matagal ko ng alam ang katotohanan.

Nagulat naman ako sa biglaang pagpasok ni Nisyel sa kwarto ko.

"Hi!" pagbati niya. Kaagad naman niyang isinara ang pinto at lumapit sa akin.

Nakakatakot ang paraan ng paglapit niya sa akin. Parang may binabalak siya pero hindi naman niya siguro ako papatayin. Ay patay na pala ako.

"Nisyel, anong pinaplano mo?" maang tanong ko sa kanya at panay parin ang pgalapit niya at panay rin naman ang paglaad ko palayo sa kanya hanggang sa wala na akong uurungan.

"I just wanna try touching you kung kaya kitang hawakan." Napapikit ako habang hinihintay ang paglapit ng kanyang kamay sa balikat ko.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang marahang pagtapik niya sa aking balikat. Nakangiting parang aso si Nisyel sa aking harapan.

"This is weird. Never ko pang natry ang makahawak ng isang kaluluwa. Ikaw pa lang." lumayo na siya sa akin at umupo sa aking kama.

"Sabi sa akin ni Tita, pwede daw akong matulog sa kwarto mo. Anytime daw kaya hindi ka na malulungkot. May makakausap ka na." nakangiting pagpapahay niya.

Nasiyahan din naman ako sa kanyang sinabi at naupo na rin sa tabi niya.

"So, bakit nandito ka sa kwarto mo nakakulong?" Tanong ni Nisyel.

Napatingin ako sa kanya. I can trust her naman diba? She looks nice naman and mapagkakatiwalaan. Hindi naman niya siguro ito ipagkakalat. Pero kahit naman sabihin niya sa iba, hindi naman na ata ako mahalaga dahil kaluluwa na lamang ako.

"I actually don't know kung bakita ako nakakulong sa bahay naming. I just woke up two years ago dito sa kwarto ko na hindi ko alam kung sino ako at kung bakit nasa loob ako ng kwartong ito. Unti unti ko lang nalaman na ako si Tanaya, na may Mama ako na hindi ako Makita." Pagkukuwento ko kay Nisyel.

"That's sad. Ang saklap siguro ng walang makausap ano? Tapos dalawang taon ka ring walang kasama dito sa kwarto mo." Ramdam ko ang kalungkutan sa bawat katagang binitawan ni Nisyel.

"Ang hindi ko talaga naintindihan ay kung bakit hindi ako makalabas dito para naman makahanap ako ng sagot diba? Pero yun nga, this past few weeks, nagkakaroon ako ng mga panaginip tungkol sa isang lalaking nagngangalang Hayne. Hindi ko maalala kung anong surname niya at ni mukha, hindi ko maalala." Hindi ko na alam kung naniniwala sa akin si Nisyel dahil hindi ko mabasa ang emosyon nito.

"Sa panaginip ko, may relasyon kami at tinatago naming yun kay Mama dahil ayaw pa ni Mama na magkaboyfriend ako. I only had 4 dreams, una yung napanaginipan ko na Boyfriend ko si Hayne. Pangalawa ay yung scenario na nasa isang kwarto kami, nakahiga ako sa kama at naglalaro siya ng xbox. Pangatlo yung isang babaeng nagngangalang Karyxe na parang galit na galit siya sa akin. Yung huli ay yung kanina lang, nag – aaway daw kami ni Hayne dahil hindi ko siya maipakilala kay Mama tapos umuwi ako at natulog, naglaba then bumalik ako sa kwarto para sana tawagan siya. I called him pero nasa bar ata siya at boses ng babae ang sumagot. After that nagising na lang ako na umiiyak at hinihingal." Tumigin ako sa mata ni Nisyel at hindi parin nagbabago ang emosyon doon. Hindi ko parin mabasa.

"That boyfriend of yours is an Ass. A high class asshole. Ang babaw babaw ng pinag – aawayan niyo, nagbar agad at may kasama pang babae ha." Doon lamang nagkaroon ng emosyon ang mukha niya at iyon ay galit.

"Pero hindi parin yun sapat para malaman ko kung paano ako namatay at kung bakit ako namatay. Alam kong hindi ko makakayang magpakamatay dahil hindi ako ganoon kababaw." Gulong gulo ang utak ko ngayon pero medyo gumaan na ang aking pakiramdam dahil may makakausap na ako ngayon.

"Alam mo Nisyel, kahit yung cellphone ko lang sana ang mahanap ko. Dahil kung talagang mahal ko ang lalaking yun, may number siya doon o kahit picture man lang." Nahiga na ako at pinakatitigan ang kisame.

Tumayo si Nisyel at naglakad palapit sa aking study table. Sinubukan niyang buksan ang isa sa mga lalagyan ng libro ko pero nakalock ito, sinunod niya ang iba pa pero pare – pareho lamang itong nakalock.

Sinunod niya ang mga boxes na nasa ilalim ng divider ko pero puro lamang mga libro ukol sa Accountancy ang naroroon.

"Naalala mo ba kung nasaan yung mga susi mo?" Tanong ni Nisyel.

Unti – unting nawawala ang pag – asa ko na malaman ang katotohanan dahil kahit naman may Nisyel na tutulong sa akin, hindi ko naman siya matulungan dahil wala naman akong maalala.

Naglakad siya palapit sa lagayan ng mga awards ko.

"University of the East." Pagbasa niya sa isa sa mga certificate ko.

"Doon ako nag – aaral, Tanaya." At mula sa ngiti nya, parang bumabalik ang pag – asa na malalaman ko rin ang katotohanan.

"Doon ako mag – uumpisa para tulungan ka." Sa tono ng kanyang pananalita, alam kong hindi niya ako bibiguin. Sa sobrang kasiyahan ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit.

"Thank you, Nisyel."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her SilhouetteWhere stories live. Discover now