--
Sa unang panahon, Ang gubat ng alunsiya ay kinakatakutan ng lahat dahil sa mahiwagang dala nito.
May sabi-sabing may mababangis na hayop ang naninirahan dito. Ang ilan naman ay sinasabing tirahan ito ng mga diyosa at mga nilalang na hindi nakikita.
Pero ang malapit sa katotohanan ay ang gubat ng Alunsiya ay tirahan ng mga Babaylan.
Ang pangkat ng mga Babaylan na kinakatakutan ng lahat dahil sa paniniwalang ang mga ito ay nang-aakit ng mga makikisig na kalalakihan at dinadala sa pusod ng gubat.
May paniniwala pang inaalay nila ang puso ng lalake sa isang ritwal.
Pero hindi nakatakas sa paniniwala nilang ang mga Babaylan ay may aking kagandahan. Mga babaeng may kakaibang kapangyarihan na biyaya ng Bathala.
Nasa tuwing kabilugan ng buwan ay mas lalong timitingkad ang kagandahan ng mga nasabing nilalang.
"Kapag pinasok mo yang gubat ay hindi ka na makakabalik aming maharlika" wika ng isang kawal sa anak ng pinuno ng kanilang tribo.
"Totoo ba ang iyong mga isinalaysay Pilak?" ang tanong ni Sahid sa kaniyang tagabantay.
"Tama ang aking salaysay Sahid" mabilis na sagot ni Pilak.
Ang mga kwento ni Pilak ay paulit ulit na umiikot sa isipan ni Sahid. Siya ay natutuksong pasukin ang gubat at alamin ang katotohan sa likod nito.
Hindi lingid sa kaalaman ni Pilak ay binalak na ni Sahid na pasukin ang gubat pag lubog ng araw. Si Sahid din ay natutuwa dahil kabilugan ng buwan sa sasapit na gabi.
'Nasasabik na akong makita sila' ang sabi ni Sahid sa kaniyang isipan.
Naiiba sa kanilang tribo si Sahid. Isinilang siyang may kakaibang talino at lakas. Lumaking makisig at may magandang pagmumukha.
Sumapit ang gabi at ang lahat ay nahihimbing na sa tulog.
Isang anino ang unti-unting naglalakd papaalis sa tribo. Si Sahid. Ang makulit na anak ng pinuno.
Tinungo ng lalake ang daan papunta sa paanan ng bundok kung saan naroroon ang gubat ng Alunsiya.
Maliwanag ang binibigay ilaw ng bilog na buwan,hindi na kailangna pa ni Sahid ng sulo.
Sa kaniyang paglalakd ay may napansin siyang anino sa bukana ng gubat Alunsiya.
'May tao'ang nasabi ni Sahid.
Biglang kumilos ang anino papasok ng gubat at dadali itong sinundan ni Sahid.
Sa kaniyang pagmamdali ay hindi niya napansing nakapasok na siya sa gubat.
Kakaiba ang kaniyang naging pakiramadam. Tila may nagbago sa simoy ng hangin.
Napansin ni Sahid ang anino at sinundan niya ito ng isang tingin.
Sa kaniyang pagtitig ay nakakita siya ng isang babaeng nakatayo malapit sa isang puno.
Nilapitan niya ito.
"Isa ka bang Babaylan?" ang wika ni Sahid sa babae.
"Ano naman sa'yo kung isa akong Babaylan" ang sagot ng babae.
Tila nag iba ang pakiramdam ni Sahid. Ang matinis pero malumanay na boses ng babae ay dala sa kaniya ng ibang pakiramdam. Biglang bumilis pintig ng kaniyang puso.
"Kung ganon ay totoo nga ang sabi-sabi" nakangiti niyang sabi dito.
Ang babae naman ay unti-unting lumakad papunta sa kinakaroonan ni Sahid.
Ikinawit ng babae ang kaniyang dalawang kamay sa leeg ni Sahid na tila ng aakit.
Si Sahid naman ang nakaramdam ng pananabik imbis na matakot sa nangyayare.
"Kay ganda mong nilalang" ang mahinang saad ni Sahid.
Sumilay ang ngiti ng babae na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ng lalake.
Inilapit ng babae ang kaniyang mukha mula kay Sahid. Isang halik na nagbigay ibang emosyon sa lalake.
Naging malalalim ang kanilang pagiisang labi.
unti-unting hinubad ng Babaylan ang saplot si Sahid ganon din siya sa babae. At ang mainit na mga sumunod na eksena na nagpasaya sa dalawang nilalang.
Ang isang pangyayareng babago sa takbo ng buhay ng lalake, ni Sahid at sa nasabing Babaylan.
--
Charran.