Pagkikita
Malamig ang ihip ng hangin ang nararamdaman ni Amid sa loob ng kubo na kanyang tirahan. Mag-isa at malayo sa karamihan. Ang kubong kaniyang kinalalagayan ay nasa bukana ng gubat kaibahan sa sibilisasyon ng mga babaylan na nasa gitnang bahagi ng bundok Alunsiya.
Malapit na sumapit ang gabi kung kaya't siya ay nagtatagon sa kanyang kubo upang hindi makita ng ilang babaylan ang kanyang mahiwagang sarili.
Papalubog na ang araw, unti-unting dumudilim ang kapaligiran. Ngunit ang kubo ay nagliliwanag. Pinapalibutan ng mahiwagang liwanag ang tirahan ni Amid sa kadihalang kasalukuyang siyang nagbabagong kasarian. Ang hangin ay tila masaya sa bugso ng ihip nito.
Tumagal ng ilang minuto ang mahiwagang liwanag at sa pagkawala nito unti-unting naging tahimik ang paligid. Maya-maya ay may isang napakagandang dalaga ng lumabas mula a kubo.
Mahaba ang itim na buhok, kayumangi ang kulay na nakakaakit sa paningin, mapupulang labi na kumikislap pagnatatamaan ng liwanag ng buwan. Isang dalaga na iibigin ng kalalakihan. Ang kagandahang taglay ay bibihira lang makikita sa kanilang paligid.
"Isang gabi na naman ang palilipasin ko sa katauhang ito" ang saan ni Amid sa kanyang sarili.
Si Amid ay naglakad papalapit sa bukana ng gubat. Iniisip ang posibleng mangyare.
"Lumabas kaya ako saglit at magliwaliw sa kabilang tribo" ang sabi ni Amid sa kanyang sarili.
Dali-daling naglakad si Amid papalabas ng gubat dala lamang ang kaniyang sarili.
"Bathala na ang mag-dididsisyon kung ano man mangyare" Ang sambit pa ni Amid sa kanyang sarili.
(Kung saan nakuha ang Bahala na!)
Sa pagkausap ni Sahid sa kanyang Amahin, ibayong lungkot at galit ang kanyang nararamdaman. Dahil sa kasunduan nito sa pinuno ng kabilang grupo na pag-iisang dibdib nila ni Kulawi.
Saglit na napatingin si Sahid sa maliwanag na buwan. "Ito ba dapat ang mangyare?" ang sambit ni Sahid sa kanyang sarili.
Napalingon siya ng may boses na tumawag sa kanyang pangalan, Si Kulawi. Nagkakilala na sila kanina sa piging na inihanda ng kanynag tribo. Hindi naman maitatanggi ni Sahid na may angking ganda si Kulawi na sapat ng dahilan upang mapaibig ang sinumang lalaki ngunit sa hindi malamang kadhilanan ay tila mayroon siyang hinahanap kung kayat hindi niya maibigay ang gusto ng kanyang Amahin na pakasalan ang dalagang si Kulawi.
"Anong sadya mo at hinanap mo ako, Kulawi?" ang tanong ni Sahid sa bagong dating na si Kulawi.
"Gusto lamang kita makilala ng lubusan" ang nakangiti pero nahihiyang pahayag ng dalaga sa binata.
Hindi makaila ng dalaga ang matagal na nyang paghanga sa binata.
"Hindi pa ba sapat ang pagkikita natin kanina upang makilala mo ako ng lubusan?" ang masungit na pahayag ni Sahid sa dalaga.
Tila nakaramdam naman ng lungkot si Kulawi kung kayat siya ay natahimik at yumoko na lamang. Nakita ito ni Sahid upang siya at dalawin ng konsensya pero nanaig sa kanya ang hindi parin matanggap na desisyon ng kanyang magulang.