Stella's POV"girl, grabe kana talaga ngayon palaban kana parang dati lang inlove na inlove ka jan kay rence" natatawang sabi ni elisa.well, people change lalo na kapag nasaktan and nagpapasalamat ako kay rence kasi naging mas malakas ako.
"wag mo nga ipaalala yan elisa nakakadiring isipin na nagpakabaliw ako sa lalakeng manloloko" naiiritang sabi ko
"pero girl, iba rin tong si janna e lalaban talaga siya. palaban din parang gusto ko tuloy makakita ng cat fight" hirit ni elisa. ayoko naman talaga ng away e, yang babae lang talagang yan ang naguumpisa isang beses pa at hindi nako makakapagtimpi na sayang pa tuloy yung kape ko dahil sakanya kairita, ewan ko kung bakit na gustuhan ni rence yung ganong ugali ng babae napaka-low class naman pala ng gusto nya
"isa pang tahol nya hindi ko na talaga pipigilan sarili ko gigil nya ko eh." iritang iritang sambit ko, natawa naman si elisa sa mga sinabi ko "ibang iba ka na talaga, parang dati lang sobrang baliw na baliw ka kay rence, sobrang tanga mo pa dun lagi pa kitang pinagsasabihan na sana piliin mo naman sarili mo dahil lagi mo nalang pinili yung gagong rence na yun, pero malay mo tadhana pala ang dahilan kung bakit nagkikita ulit ngayon." natatawang sambit ni elisa saakin
"elisa naman, naniniwala ka sa tadhanang yan?" saad ko "pwedeng oo, pwedeng hindi. i dont know" mabilisang sagot ni elisa
"atsaka elisa wag mo na nga ipaalalang nabaliw at nagpakatanga ako dun sa lalakeng yun, ikaw narin mismong nagsabi sakin dati na gago sya at hindi siya good para sakin kaya dapat kalimutan mo na yung nangyare dati kasi ako matagal ko ng limut yun." sabi ko "okay okay chill stella pinaalala ko lang naman dami mo ng sinabi jan, tara na nga alis na tayo." sabi ni elisa
ewan ko may part parin sakin natatakot na bumalik or maalala yung mga nangyare dati ayoko ng marinig o makakita ng isang litratong nangaling sa oras na yun... nasasaktan ako? hindi ko rin alam yung nararamdaman ko para kasi akong na tanggalan ng puso at ng nararamdaman kaya hindi ko alam, ang alam ko lang natatakot akong balikan yung mga ala-alang yun, natatakot ako baka ma-sayang lahat ng pinaghirapan ko... nagbago ako para sa sarili ko hindi para masaktan ulit sa totoo lang sa dami kong pinagdaan natatakot parin naman akong masaktan, nakakapagod din kasing umiyak at yung feeling na wala ka nang kasama sa mundo yung para bang nagiisa ka nalang wala ka ng makapitan pa kasi yung taong dapat na kapitan mo ay linisan kana
_
an: hi alam kong sobrang ikli netong update neto at ang tagal ko rin bago nakaupdate haha pasensya na. sisihin nyo deped char HHAHAHA pero guys try ko bumawi
BINABASA MO ANG
Lost Love
Short StoryBook 2 of Stupid Love ; kaya tayo nagiging tanga dahil sa sobrang pagmamahal sa isang tao, pero syempre choice maging tanga and technically hindi ko na choice yun ngayon. -Stella date started: 03/22/19 date ended: --------- epistolary|romance love s...