6

148 8 0
                                    

Rence's POV

"babe, dapat kasi talaga hindi kana pumayag na magdesign ng office nya, ahh unti nalang talaga yung babaeng yun sakin!!" nangigil na sabi janna.

"diba pinagusapan na natin janna, sinabi ko sayo na malaking opportunity to para sa company naming."

"alam ko yun rence, pero kasama ba sa trabaho or meeting nyo na hawakan yung kamay mo ha." Natahimik ako bigla sa sinabi nya nung maalala ko na hinawakan pala ni stella yung kamay ko nun.

"sinasabi ko na nga ba eh, kinuha ka lang nya para landiin at agawin sakin." Mataray nyang sabi

"stop janna, trabaho lang to."

"oo para sayo trabaho lang, pero para sakanya trabaho lang ba talaga ?" natahimik na naman ako sa sinabi nyang yun.

"babe please, wag nalang sya." Nagmamakaawang sabi ni janna

"pero babe kailangan talaga, kailagan ng company namin si stella."

"okay fine may magagawa ba ko ?" saad nya.

Matapos ang mahabang usapan namin ni janna, bigla nalang nagring yung phone ko.

Client Stella is calling...

Rence – Italic

Stella – Bold

"Hello?"

"hmm, rence since hindi ko naipaliwag sayo kahapon yung gusto kong design, lets meet today sa café "

"o-okay."

"café 3:00 PM"

CallEnded

"sino yung kausap mo babe?" sabi ni janna at yinakap ako

"si stella."

"aish anong sinabi nya sayo ha?"

"magkikita kami sa café para mapagusapan yung sa design."

"bakit ngayon? May bukas pa naman eh" mataray nyang sabi

"janna please mamaya nalang tayo magtalo okay kailangan ko ng pumunta sa café."

"sasama ako sayo."

_

Stella's POV

3:30 PM na at wala parin sya, yung lalake talagang yun walang pinagbago, lagi nalang ako yung naghihintay sakanya. After ng mga ilang minutes finally dumating narin siya at ano pa bang ieexpect ko kasama na naman nya yang litang girlfriend nya. I can feel na wala na naman tong papatunguang usapan namin, dahil jan sa girlfriend nya.

"wala ka talagang pinagbago rence." Sabi ko at tinignan sya nakita ko naman si janna na nanlilisik na naman ang mata sakin.

"atleast pumunta pa kami" mataray nyang sabi

"wow janna, pinagaantay na pala ang boss ngayon? Please lang janna ayokong makipagtalo sayo ngayon."

Habang pinaguusapan naming yung mga plano sa office ko ay bigla na namang sumingit si janna. Bat ba ang epal netong babaeng to?

"bat ba ang dami mong plano, pinapahirapan mo si babe" maarte nyang sabi 

"Eh bat ang dami mong sabat? Archi ka? Dapat nga di kita pinayagan sumama sa meeting eh. Kase, meeting NAMIN 'to. Sabit ka lang. Sorry to say this, Mr. Weneger, but in my opinion, we should dismiss this meeting and I'll just inform you for the next meeting. Please wag ka na magsabit ng wala namang pakinabang." sabi ko 

"stella wait-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni rence at kaagad na kong umalis,

pinipikon talaga ako nyang janna na yan...

Calling Secretary Mina...

"Yes Ms S?"

"secretary mina please pakicontact yung #1 architect in the world..."

_


Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon