DORA'S POV
Author, please paki lagay DEE na lang pwede ? Take Two ~
DEE'S POV ..
Ayan ! Diba perfect !
Nasa langit na ba ako ?
Si San Pedro ba ito ?
Ba't ang gwapo ?
Kung si San Pedro nga itong nasa unahan ko at nasa langit na ako,
Hindi na ako aalis dito ! Kyaa ! At aasawahin ko na lang si San Pedro dito sa langit ^////^
Teka tekaaaa ! Ngumiti si San Pedro ! UMAYGAD ! Ngiti pa lang LANGIT na ! Oh-Kay-Gwapong Nilalang !
"AHHHHHHHHHH"
Brain Malfunctioning...
I hit the ground hard, landing on my elbows and knees. I tasted blood . Omg, I don't wanna leave the heaven yet ! The fluttering in my chest had become pounding. Again, I tasted blood . I raised my head to see Everyone's laughing . Laughing ? Teka nasan ba ako ? Ano yung nangyare ?
"HAHAHAHAHAHAHA, Nice one Franz !" Sabi ng kaibigan ni Franz na nakipag-apir pa sakanila . Tinignan ko naman kung bakit ako nadapa, pagtingin ko , si Franz . Ano pa bang ginawa ? edi tinalisod lang naman ako, Teka ? Si San Pedro ! Ay ! Este si Kris ! Napatayo agad ako ng nakita ko si Kris na naghihintay sa may labas, nakita nya kaya yun ? Nakatalikod eh, pero parang galit ata ? Base sa kamay nya, na gustong manuntok ... Hala ?!! Natatagalan na siguro sya sakin ! Naku ! Agad naman akong tumayo at pinagpag ang damit ko, wait ? Kanina ko pa nalalasahan ang dugo ah ? Ayan papalapit na ako, emeged keleg fwet !~ Mahahawakan ko na yung likod nya, yung likod nyang maskulado at malalaman mong gwapo talaga ang may ari ng likod na yun ~ *u* .
Teka ! Ba't nanlalabo ata mata ko ? Dala na siguro to ng katandaan ..
Wait ! Ano baaaaa ! Di pa ako matanda eh ! Panaginip nanaman siguro to ? Hayy :( . Byebye Kris Myloveeees ! ~
"Dee!" emeged, first time nyang tawagin pangalan ko kahit na sa panagnip lang to masaya na ako ~ ;u;
"Bye, Myloves"
[BLACK OUUUUUUUUT]
*Dilat Mata*
Ang liwanag ... Teka, ba't ba ako nakahiga sa gitna ng arawan ? Masusunog ang magandang balat ko na imported neto eh :( . Tumayo na ako at pinagpagan ang school uniform ko . Teka, nasaan ako ? Ba't wala ang school buildings ? Sa pagkakaalam ko, nasa school ako eh . Nilibot ko ang aking paningin at walang tao, ni isa, wala . Napapaligiran lang ako ng iba't ibang matintingkad na kulay na halamang bulaklak na napapaligiran ng mga paru-paro . Pero paano ako napunta dito ? Hinawakan ko ang mukha ko at ang katawan ko at pagkatapos dinama ko ang hininga ko, nahahawakan ko pa naman ang sarili ko at nararamdaman ko pa naman ang init ng hininga ko, buhay pa ako . Paano naman ako napunta sa lugar na ito ? Nawasak na ba ang mundo at ako na lang ang natira ? Waahh, pano na kami magpapakasal ni Kris nyan ? *grrrrr* Nagugutom na ako at Oo, tyan ko nga ang naggawa ng kakaibang tunog na iyon, wag kayong ano ! Naglakad-lakad muna ako para humanap ng makakain, gutom na gutom na talaga ako .. *GRRR* , Oy ! Hindi na tunog ng nakalam na tyan ko yun noh ! Teka ... *GRRRRRRR!!* . Teka, balik ! Babalik na muna ako pero mukhang nawawala na ako, Ang kaninang magandang paligid na nakikita ko na mala-paraiso ay napaltan na ng isang nakakatakot na kagubatan O.O . Gano kalayo na ba ang nalakad ko at nawala naman kagad ako ? Huhubels .
Napalingon na lang ako ng may kumalabit sakin, B-baat may sumulpot na malaking cute na teddy bear *u* , kaso medyo napansin ko na kamukha sya ni Franz -___- . Hindi na pala sya cute, PANGIT ! O.O *gulp* Unti-unting nagiging halimaw ang teddy bear waaaah ! *GRRR* At gumagawa ng nakakatakot na tunog, anong gagawin ? Anong gagawinnn ?!! Cute ka na pala teddybear, hindi ka pangit promiseee ! Kaso akmang sasakmalin na nya ako nang may dumamba sa kanya, hindi ko na nakuhang tumingin kung ano man yun dahil baka isa pa yun sa kalahi nyang halimaw, at tumakbo na agad ako . Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na lang akong natisod . Aray ko naman, Awtsuuuu ! Ba't ba lagi akong natitisod ? EMEGEDD, Naririnig nyo ba ang naririnig ko ? Hindi diba ? Waahh, May nadidinig akong mga yabag, papalapit . Palakas na ng palakas ang mga yabag, ibig sabihin malapit at palapit na sya sa pwesto ko . Kailangan ko agad makaalis dito . Kaso, nabalian ata ako ng paa . Ano bang kamalasan ang meron ako ngayooon T.T . Ayan na ang paa nyaaaa . Sosyal ! Nakasapatos .. Huh ? Inaabot nya ang kamay ko? Ayawkooo, huhubels . Baka inaaya nya ako sa kaharian ng pangit na teddybear na to para pakasalan sya ? O baka gusto nya akong dalin sa tinitirhan nya para kainin ! Pero wait ? Kamay ng tao ang nakikita ko eh . Dahan-dahan kong itiningala ang ulo ko para makita kung ano ba ang nilalang na ito . Pagtingala ko, Isang nakangiting Prince charming na mala-anghel na mukha ang aking nakita ! Agad kong hinawakan ang kanyang kamay kasi baka nangangalay na sya, kahiya naman hihihi pero ang totoo syempre para maka-chansing na den ! Grab The Chance noh ! Landee ng Lola nyo ! Say-nyo ? XD Hindi ko namalayang naitayo na nya ako at nagtititigan na kami dito na parang mala-koryan drama lang ang peg naming dalawa at sya na nabighani sa aking kagandahang tunay at aking na-realize na kilala ko pala ang lalaking ito . Si Kris ! Wala nang iba kundi ang aking kaisa-isang prinsipe ay nandito ngayon sa aking harapan . Ako'y nagulat na lamang ng idampi nya ang kanyang mapupulang labi sa aking...
...
...
...
NOO .
BADTRIP ! Napasimangot naman ako dahil ang aking akala ay matitikman ko na din ang kanyang mala-mansanas na labi sa Wakas . Pero di pa pala tapos, Unti unti nyang nilapit ang kanyang labi sa aking mukha habang ako naman ay pumikit na, of course para feeeel<3 . Kaso napadilat ako ng sa ilong lang nya ako hinalikan, nang-aasar ba to o nang-aasar ? Kay tagal ko nang hinihintay ang moment na ito kaso ayaw nya ba ako halikan sa aking magagandang labi ? Tinapat ko naman kaagad ang aking dalawang kamay sabay huminga para maamoy ko kung mabaho ba ang aking hininga kaya ayaw nya ako halikan, pero hindi naman .. Nagulat ako, ulit, ng tanggalin nya ang aking kamay na nasa harapan ng aking mukha at bigla akong hinalikan, ngayon hindi na sa Noo at ilong kundi sa kilikili ! XD Joke . Syempre saan pa ba hihihi . Edi .. Shh . Sa Labi . Landee !
Kaso bigla syang nagblublurred, teka ?! Uyyy ! Bitin yung kiss ! Este ! Wag mo kong iwan mylabs huhuhu !
N/A : Hanggang sa susunod na Chapter ;) . Ano kayang nangyari ? hahaha, ABANGAN ! DUN-DUN-DUN-DUN .
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa USB [SHORT STORY]
RomanceLahat ng tao, may kanya kanyang pag-ibig o may minamahal at sa likod ng lahat ng yan may mga pinag daanan muna sila bago sila nagkakilala at nagkatuluyan.. Para din yang mga kaibigan, hindi mo agad agad sila magiging kaibigan kung walang dahilan dib...