-DORA's POV-
Uhh . Panaginip ! Pero parang totoong totoo, sana man lang nakasama ko ng matagalan si Kris dun sa paraiso, Hayy ! Nako namannnnn ! Bitin ! Hahaha ! HALAAAAA ! Di nanaman ako ginising ni Mama !! Late nanaman ako !
"MAMAAAAAAAAAAAAA !"
*Kusot ng Mata* Pagkamulat ko ay may puting kisame, wew ? Sa pagkakaalam ko, pink ang kisame ng kwarto ko ah ? Nakooo wag mong sabihin isa nanaman tong panaginip ? Teka ... Awts ! ang sakit ata ng binti ko ?
*BLAAAAAAAAG*
"Ahhhh ! Multo! MULTOOOOOOOOO! WAAAA"
Agad naman akong nagtakip ng kumot nang may kumot na lumulutang sa may upuan malapit sa may pintuan. Ano bang nangyayari? What is happening in this country T^T . Masama na atang bangungot to, kelangan ko na maggising at baka hindi na ako makabalik waaa.
"Aray! ****"
Teka. May multo na palang nasasaktan at nagmumura? Kinurot ko ang sarili ko kung gising na ba talaga ako. Arayy. Gising na gising na nga ako. Napansin ko na nasa School Clinic ako at naka-Uniform pa rin ako. Nang iniluwa ng pintuan si Ateng School Nurse na kachismisan ko minsan.
"Anong nangyari? Oh Dora gising ka na pala. May masakit pa ba sa iyo?"
"Wala po! Okay na okay nga po ako oh!" Sabi ko habang naka-peace sign.
"Oh? Anong ginagawa mo dyan? Ha? Ah, sige." Kinakausap ni Ateng Nurse yung nakatalukbong ng kumot.
"Teka uhh, ano po bang nangyari?" Tanong ko kay Ateng Nurse dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mag sink in sa utak ko kung anong nangyari at naaalala ko yung bitin na Kiss namin ni Kris T.T Huwaaaaaaaa. Sayangggg!
Bago pa man sya makapagsalita eh. Bigla na lang sumulpot si Franz galing sa sahig at si Ateng Nurse na nginitian at tinanguan pa si Franz na parang Goodluck. Ibig sabihin sya pala yung akala kong Multo sa kumot. Pero, bakit sya nandito?
"Ah, S-sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman alam na hahangtong sa ganito...Aish"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa USB [SHORT STORY]
RomanceLahat ng tao, may kanya kanyang pag-ibig o may minamahal at sa likod ng lahat ng yan may mga pinag daanan muna sila bago sila nagkakilala at nagkatuluyan.. Para din yang mga kaibigan, hindi mo agad agad sila magiging kaibigan kung walang dahilan dib...