Chapter Four: Thank You Mom

1.5K 11 0
                                    

[A.N] -- Ahaha. ito na po yung update ko. :)) sorry po kung natagalan... focus po muna ako sa mga families nila. Ahaha. dito ko po kasi naisipang magsimula eh. Ahaha. 

hope po magustuhan niyo... i'll give my best po talaga para dito..

Thank you po sa lahat ng nagbabasa nito. mwa mwa!!!

Chapter Four:

Nakaalis na sina mommy. hindi na namin matanaw ni Yssa ang kotse. Binitiwan ko si Yssa sa pagkaakbay ko. Tiningnan ko siya pero di siya makatingin ng diretso sa akin. Nakaduko lang siya at humahagulhol sa pag-iyak. Di ko alam ang gagawin ko kung paano ko siya mapapatahan. Masakit ang pag-alis ni mommy, lalo na ngayon na walang kasiguraduhan kung babalik pa siya. Alam ko ang nararamdaman ni Yssa dahil hindi lang siya ang nawalan, ako din! Mama’s boy ako. Oo, tama ang narinig niyo, di ko yun ipinagkakaila.. masakit.. napakasakit… ang isang maganda at puno ng pagmamahalan na pamilyang to ay nauwi lang sa ganito..  hindi ko maintindihan, hindi ko alam, wala akong kaide-ideya. Ano yung pinag-uusapan nila? Ano yung annulment? Ma, bakit?? :’(

:’(

Hindi ko makayang makita ang kapatid ko na ganito, umiiyak nang parang walang katapusan. Pano ba naman kasi, all these years, she’s longing for the love and attention ni Mom. Tapos ngayon? Mawawala nalang bigla si mom. Di ko siya masisi kung walang katapusan na ang pag-iyak niya ngayon..  

Tinanaw uli ni Yssa ang daan kung saan patungo ang kotse na sinakyan ni mommy at nakikita ko sa kanyang mga mata na umaasa na makita niya muli ang kotse sa mga oras na ito at bumalik si mommy…. peroo… perooo nabigo lang siya dahil wala siyang nakita. Di niya ito matanggap kaya patakbo siyang pumasok sa bahay nang umiiyak…

“Yssa…” hinabol ko ito… pero bago ko pa ito nahabol, huli na ako dahil na lock na niya ang pinto ng kwarto niya..

Mula sa labas ng kwarto ni Yssa, rinig na rinig ko ito na umiiyak. Kung makaiyak ito parang wala na talagang bukas… napaiyak na rin ako dahil sa sobrang sakit ng pag-iwan sa amin ni mommy ng walang rason, dagdag pa ang pag-iyak ng kapatid ko. Hindi ko talaga kaya may masaktan sa pamilya ko. Parang bakla lang ako noh? Pero seryoso, ganito talaga ako. Saktan niyo na ako, wag na wag niyo lang saktan ang mga mahal ko sa buhay….

Para na akong lumambot dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon… pumasok ako sa kwarto nina mommy at daddy… pagpasok ko dito, parang domoble ang sakit na nararamdaman ko… agad kong tiningnan ang cabinet… yung dobleng sakit na nararamdaman ko ngayon, mas domoble pa… wala akong nakitang ni isang gamit ni mommy….

“hindi na talaga siya babalik.” Mahina kong sabi sa sarili at bigla na lang bumuhos ang aking luha….

Its Too ComplicatedWhere stories live. Discover now