Chapter 2

36 4 3
                                    

Benj Pov

Dalawang araw na rin ang nakalipas simula ng pakikipag break ko kay Meisha. Sa totoo lang masakit pa rin, di ko naman ginusto to. Mahal na mahal ko si Meisha at kung ako ang masusunod di ko gagawin yun. Marami na kaming napagdaanan para sukuan ko na lang siya ng basta. 5 yers na kami, at sa loob ng limang taon na magkasama kami, ipinangako ko na sa sarili ko na siya ang babaeng kasama kong haharap sa altar. Pero lahat yun nagbago, nawala. Di ko na nga alam gagawin ko.

Natatawa nga ko pag magde date kami, sinasabi niyang napaka kuripot ko dahil puro sa fast food chain ko lang siya lagi dinadala. Kaya ko naman siyang pakainin sa restaurant , pero mas pinipili kong wag doon, dahil di naman enjoy pagkain dun, puro pasosyal lang. Alam ko rin namang enjoy siya ag nagpupunta kami sa Jollibee.

Yung araw na nakipag break ako, yung lalaking nakita ni Meisha sa likod ng kotse ko. Bestfriend ko lang yun at di ko yun karelasyon. Natatawa na nga lang ako sa reaksyon ni Meisha nung malaman niyang pinagpalit ko siya sa isang bakla.

Akala niya talaga totoo yun. Pero nandun yung nalungkot ako na akala niya magpopropose ako sa kanya. Kung pwede ko lang sana gawin yun, ginawa ko na pero di talaga pwede.

Naalala ko na naman tuloy kung bakit ko nagawa lahat ng ito.

FLASHBACK

Nandito ako ngayon sa bahay namin . Tumawag kasi si mommy kagabi na uuwi daw sila ng pilipinas bukas. Nasa Canada kasi sila para asikasuhin ang business namin. May importante daw silang sasabihin sakin kaya daw uuwi sila ni daddy.

Nagtataka nga ako at bakit kailangan pa nilang umuwi ng Pilipinas para lang sa sasabihin nila. Pero naisip ko baka seryosong bagay to. Kaya umoo na lang din ako.

"Benj" nagulat ako nang may tumawag sakin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Daddy na kasunod si mommy. Natutuwa talaga akong makita silang muli makalipas ang 5 taon.

Ok lang naman sakin dahil may dahilan sila at lagi naman silang nakikipag communicate sa akin.

"Welcome Back Mom... Dad" nakangiting pagbati ko sa kanila.

"kumusta ka naman dito?" tanong sakin ni mommy.

"ok naman po" sabi ko na lang. "kayo po? 5 taon din po kayong nawala" balik tanong ko sa kanya.

"Well, sa totoo lang, hindi ok" lumungkot ang mukhang sabi ni mommy.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.

"Ano pong problema?" nagtatakang tanong ko.

"Maupo muna tayo" nagulat ako ng magsalita si dddy, sa maotoridad niyanga boses. Lalong kumunot ang noo ko, dahil minsan ko lang makitang ganyang kaseryoso ang daddy ko.

'Siguro may problema nga, kaya napauwi agad sila dito' isip isip ko

Sinundan ko na lamang sila. At pagkaupong pagkaupo ko, nagulat ako sa sumunod na sinabi ni daddy.

"Hiwalayan mo na si Meisha" seryosong sabi niya

Tinignan ko siya sa mata niya kung nagbibiro lamang ito. Alam ko na wala silang problema kay Meisha. Pero nakita ko lamang sa kanya na seryoso siya sa sinabi niya.

"Anong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Basta sumunod ka na lang sa sinabi ko Benj!" nagulat ako sa inasal ni dad. Hindi ako sanay na nasisigawan niya.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Bakit gusto niyong hiwalayan ko si Meisha?!" nagpipigil ko pa ring tanong

Unexpected Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon