Chapter 3

26 1 0
                                    

CHAPTER THREE

"Ano gusto mong regalo sa debut mo?" Napakunot yung noo ko sa tanong niya.

"Anong pinagsasabi mo? Ang layu-layo pa 'non! Grabe ka! Hahahahah!"

"Oh? Tapos? Ano naman kung malayo pa? Future nga natin pinaplano ko na. Debut mo pa kaya na sobrang lapit na?"

My lips instantly formed into a smile as I heard what he have said. Importante talaga ako sa kanya.

"Mahal mo talaga ako eh 'no?"

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahaaal! Hahahah! At kung may hihigit pa sa word na mahal kita, yun yon."

"Ang corny mo na."

"Ganun talaga pag nagmamahal. Basta ako ang escort mo sa debut mo."

"We still need to wait 2 years, Rex. Ano ba! Hahahah!"

"Oh basta wala akong pake. Ako dapat. I love you, promise!"

Nabalik ako sa sarili ko nang biglang tumunog na ang bell.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. I looked around to see the place where I saw Rex yesterday.

Wala siya doon. Baka tapos na yung klase nung hinihintay niya. Ayokong sabihin na baka girlfriend niya nga yon. Ayoko.

Ayokong masira lang ng basta basta ng babaeng yon ang 3 taong relasyon namin. I never wanted us to become like this. Not a second.

Naglakad na ako papunta sa labas ng school namin nang bigla kong marinig ang sigaw ng isang lalaki sa likod ko.

"SCARLETT!"

Lumingon ako nang makita ko ang lalaking di ko naman kakilala na tumatakbo papalapit saki--- BAKIT NIYA AKO NILAGPASAN!?

"Shit." Napataas ang kilay ko nang bigla siyang magmura.

"Excuse me? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa lalaking hindi ko naman kilala.

Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sakin nang nanlilisik ang mata. Ginagawa ko dito?

"Ikaw? Anong kailangan mo?"

"Ha? As far as I know, ako yung tinatawag mo." Nakita kong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

Problema nito? Atsaka sino ba 'to? Paano niya nalaman ang pangalan ko? And why did he called me Scarlett?

Because the last time I check, Rex is still the only person who calls me Scarlett.

"What? You're not Scarlett. Ano bang pinagsasabi mo?"

"You shouted my name!" Napansin kong nawala na ang kunot sa noo niya. It seems like he remembered something.

"Kapangalan mo lang siya. Sus. Kala mo naman ikaw." Parang nagpantig yung tenga ko sa narinig ko.

ALAM MO YUNG NAKAKAHIYA!?

"S-Sorry... A-Akala ko kasi ako." Tumungo na lang ako at nilagpasan siya para maglakad palayo.

Shiiit. Nakakahiya ako! Siya naman yung mali diba!? Kasi sumisigaw siya ng pangalan. Paano kung may kapangalan pala yung tinatawag niya!?

Aissh. Nakakahiya.

***

"Hi Raine!" Bati sakin ng isang lalaki na di ko naman kilala. Hindi ko alam kung bakit pa nila ako isinasalang sa ganito, blind date.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon