"Uyy Cy sorry na~" paulit-ulit ko na tong sinasabi sa kanya pero wala pa rin. Di effective. Hanggang sa nakarating kami sa caf, nakaorder na ng pagkain at nakarating na sa isang bakanteng mesa. Tinabihan ko si Cyler habang magkatabi naman sina Jing at Drei. Nagsimula na silang kumain habang ako pilit na kinukulit si Cyler.

"Sorry na kasiii!!" Unti-unti ng bumubusangot yung mukha ko. Paimportante tong lalaking to ah!

(Otorr: Big word naman, ba't mo pa kinukulit na patawarin ka niya? Ano yun shunga lang?)

MANAHIMIK KA OTOR KUNG AYAW MONG MATIKMAN ANG GALIT KO!!??

(Otorr: Wehh, ano lasa?? Mapait na maasim na malansa??)

Aarrgghh!!

(Otorr: payn lalayas na..)

Hayysss naman!!?

"Uy sor--" he cut me off.

"I forgive you, now shut up and eat your food".

(Otorr: Alangan namang eat your drink or drink your food Cyler? Talaga toh~)

("×--×) <<<<<<(<....<)← deadly glares

(Otorr: Oo na po shut up na heehee)

"Are you sure Cyler??" Paninigurado lang.

"Bakit ayaw mo ba?"

"Hehe gusto ko."

"Good! So, kainin mo na yang pagkain mo kung ayaw mong iwanan ka namin dito at ma-late." Hala! Tapos na pala silang kumain at ten minutes na lang ang natitira bago magsimula ang last period.

"Hehe bibilisan ko na lang." Sabay lamon ng pagkain ko.

Munch* munch* munch*

~~~
Calculus Time:

Kasalukuyan ang lecture ni prof about sa life achuchu niya.. hilig niya yan eh. Wala namang umaangal, haha, para hindi na din matuloy yung madugong long quiz. Ayun storytelling na ang ganap, pwera na lang kay Cyler na gustong magquiz. Pero dahil isa ako sa mga kaklase niya, wala siyang magagawa kundi ang sumakay sa mga trip naming lahat kundi kukuyugin namin siya, bwahahaha! Kunot na kunot yung noo niya hahaha, bagot na bagot, kase paulit-ulit naman nang naikwento ni maam yung life niya. 

"Uyy Cyler okay ka lang??" Tanong ko sa kanya. One seat apart lang naman yung pagitan namin kaya alam kong rinig niya yung sinabi ko at yung seat na yun ay pagmamay-ari ni Jing. Hehe. Unti-unti naman siyang lumingon at nakita ko yung mukhang paa niyang mukha ayy este yung nababagot niyang mukha.

"Mukha ba akong okay?" Sabay turo sa mukha.

"Sabi ko nga di ka okay."

And until the beautiful sound of the bells of heaven started to ring.

Aroottss!!

The last subject has ended!

\(>▼<)/ yeeyy!

"Okay, next meeting nalang yung long quiz niyo. You may now enjoy your lunch, class dismissed." Yeahh sa thursday pa! Wooh!

(Otorr: Ps. Monday po ngayon at pang-umaga ang class nila. Muah♥)

Dali-dali namang nagsipag-ayos ng kanya-kanyang gamit ang lahat. Kanina ko pa naayos yung gamit ko, hinihintay na lang namin si Jing na kung ano-ano pang pinaglalalagay sa mukha. Naiirita na si Drei kay Jing sa tagal nito.

(Otorr: Grabe ka Drei wala pa ngang isang minuto eh)

SHATTAP!! -Drei

(Otorr: Nye! nye!)

"Huy Jinggoy, tama na yan, sobrang ganda mo na. Sa sobrang ganda mo mukha ka ng paa ko. Hahahaha"

Saktong natapos sa pag-aayos si Jing, hinarap niya si Drei tsaka namewang.
"Wow hiyang-hiya naman yung mukha ko sa paa mong mabaho."

"Exactly!! Same as you mabaho! Haha!"

"So inaamin mong mabaho yung paa mo?!"

"Well, kung ikaw naman yung paa ko, why not?" Iba rin tong si Drei eh noh? Walang patawad.

"Panira ka talaga ng araw!!??" At sinugod na nga ho mga katropa ng aking bestfriend ang isa pa naming kaibigan. Saan ho kayo tataya? Sa nanggagalaiting manok o sa mapang-asar na manok??

"Oy! Oy! Baka kung anong mahawakan mo dyan!? Para sa future wife ko lang yan uy!"

"Arrgghh!!! Bwisit!! I HATE YOU ANDRE BREN CLART!!" Aww~ talo ang nanggagalaiting manok mga katropa.. ay estee nagwalk-out si Jing.

Tinabihan ko naman si Drei na tinitingnan lang ang paglayo ni Jing. Maasar nga toh.

"Luh! Ginalit mo si Jing! Lagot ka~ di ka na papansinin nun!" Pananakot ko huwehuwe!

"Hindi yan.." Nakatitig pa rin sa pinagwalk-outan ni Jing. Confident!!

Pero ako lang ba to o nakita kong malungkot yung mga mata niya? At parang wala sa sariling naglakad palabas ng aming room. Anyare dun? Parang kanina masaya lang ahh. Hala baka sineryoso niya yung sinabi ko?!

Napaigtad ako ng maramdamang may umakbay saakin. Tiningnan ko naman kung sino to.

Sheet!

Oh!mah!gadd!

Ahhhhhh!!!!!!!!





Joke!

Si Cy lang pala hahaha..
Nakalimutan ko ulit na kasama pala namin siya.

"Tara na.?"

"Ahh sige sige"

"Uhh Cy? Yung braso mo ang bigat!!"

"Oh! Sorry.."

Syempre bago kami umalis ng tuluyan ni Cy, sinara muna namin yung pintuan.

Dumeretso naman kami agad sa parking lot Area 1, nandun na yung dalawa na naghihintay. Nagbobrowse ng phone si Jing samantalang nakikinig naman ng music si Drei. Pero grabe yung distansiya nila sa isa't isa, two cars apart kahit magkatabi lang yung mga sasakyan nila.

Kumaway naman ako para malaman nilang nandito na kami at ready ng umalis. Tinapunan lang nila ako ng tingin. Ay grabee! Nauna namang naglakad pagtungo sa sasakyan si Jing, pinaandar ito at tsaka umalis. Sumunod naman sa kanya si Drei at umalis na din.

Pop*

Sakto namang may nareceive ako na message. Oh! Galing kay Jing.

From: JHINNANG♥
Got to go first. I dont want to see Clartong. Dont worry I'll go to your house later.

(---....---)

Eh nandun din si Drei mamaya eh.

Well, Drei really made Jing mad.
Hala!!Nakalimutan na niya na sasabay ako sa kanya!!! Grabe naman yung away nila ni Drei!! Para yun lang!! Pero paano na to! Umalis na din si Drei.

"Did you bring your car or your brother will fetch you here?" Ay pusaa! Nakakagulat talaga tong si Cy, at tsaka kanina pa to english ng english!?

(Otorr: Kanina mo pa din siya nakakalimutan. Ouch for Cyler~)

"Hinatid ako ni kuya dito so automatic di ko dala yung sasakyan ko, at si kuya yung nag-aayos ng party. So.. for sure busy yun at siya na rin mismo yung nagsabi na makikisabay ako sa isa sa inyo, pero whay happened? Tragic."

Saglit akong napaisip at narealize ko naman yung punto niya. "Ah dala mo naman siguro yung sasakyan mo diba? Tara, sabay na tayo!" Hays buti na lang at nandito pa si Cyler. Nawala yung kaba ko.

Hinawakan ko naman yung pulsuhan niya at saka hinila. "Saan mo ba pinark yung car mo? Dito o sa Area 2?"

"Err, yun na yung problema.. coding yung sasakyan ko today. So, magko- commute tayo."

"Ahh commute? no prob.." Natigilan naman ako sa sinabi ko. Unti-unti ko siyang hinarap..

"WHAT!!??"















-kcala♥

Updated na!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss ManhidWhere stories live. Discover now