Chapter 3 (nice to meet you AGAIN)

9 0 0
                                    

"kyle, kakain na gising na " tinig ng mom ko,napamulat ako,saka ko lang napagtanto napumasok na pala si mommy sa room ko,

"nak, bangon na kakain na tayo" malumanay sa tinig niya , thats my mom, so spoiled ako kumpara sa daddy ko

"susunod nalang po ako mom"

"oh sige," at umalis na ito

napalingon ako sa desk clock na nasa desk katabi ng head bord 8:15 na pla ng gabi. tumayo na ako at naghilamos sa banyo...

habang naglalakad ako papuntang komedor,

"bakit may babae , bakit tatlo sila eh wala naman kaming bisita ,sinokaya to? bagong maid??"

sa isip-isip ko, hindi ko kilala ang babae lalo pa't nakayuko ito.

dumiretso nalamang ako sa upuan ko,kumakain na kaming lahat ng magsalita si mommy

"siya nga pala kyle, anak ng tita celina mo si Tiffany , dito muna siya pansamantala habang wala pa siyang nakukuhang katulong, okay lang ba yun?" pagkatapos ay lumingon siya sa bababe

"ah oo naman po, para yun lang,,no problem" mabuti naman at may makakatulong na....(joke)

pagkatapos kumain ay pumuntang terrace si Tiffany, malungkot na malungkot itong naupo na napansin naman ni kyle.

"Mom, bakit malungkot si Tiffany?" Tanong niya sa mommy niya.

"Ahh ganun po ba??" Tatango tango niya, nagpaalam siya para may kunin sa kwarto niya.

**

Tiffany's POV

"Anu ba yan! Kung kailan kailangan ko nang pera saka naman mawawala ang wallet!!" Habang nakatingala sa langit. With teary eyes

"Bakit nag-iisa ka dito?" Isang tinig mula sa likuran ko

Napalingon ako,

"Ah ikaw pala" aniya at pinunas ang luha.

"Ano naman ginagawa mo dito?" Osyoso ni Kyle

"Nagpapahangin lang."

"Nagpapahangin?? Ehh bakit umiiyak ka??"

"Hindi kaya,napuweng lang ako"

"Sus palusot pa," anu nitong ginulo ang buhok niya

"Para wag kanang umiyak at magdrama diyan, baka makatulong to para wag kanang malungkot" abot niya sakin ng wallet, oo tama nga wallet ko nga ito,kinuha ko na baka magbagi ang isip niya at kunin pa saakin.

"Papanung...?"

"Naglalakad kami kanina sa mall then suddenly may naapakan ako,wallet pala buti nalang may picture mo kaya nalaman kong sayo pumunta kami kanina sa bahay niyo pero walang tao at nagkataon naman nasa bahay ka namin kaya hayan.."

"Salamat hah!!" ani ko at nagsmile pa sakanya, "so papano ba ako makakapag pasalamat sayo baka may kapalit ito."

"Kapalit?let me think about it bukas nalang may gagawin pa ako."

"Sige nice to meet you again mr. Kyle " ☺

"Sa susunod ingatan mona ang wallet mo di salahat ng oras ako ang makakapulot niyan." paalala niya saka unalis na papuntang room niya.

Pumunta na rin ako sa room ko,tinawagan ko narin si tito at sinabihang wag na akong sunduin dito dahil nakuha kona rin naman ang wallet at para narin sulitin ang bakasyon kasama ang ex-crush ko ng first year high school ako,sana maging malapit pa ako sakanya.

Kinaumagahan maagang nagising si tita, para sa flight ni tito papuntang Singapore para sa business apointment kaya sobrang busy.

"Tita,tulungan na po kita" ani ko habang naghuhugas ng pinggan si tita

"Ako nalang po ang magluluto tita ng pagkain namin ni Kyle,don't worry po magbihis kana po diba ihahatid mopa si tito,go na tita keri ko na ito" tulak ko kay tita Jo paakyat ng hagdan ayaw pa kasing iwan ang kusina.

Hindi naman nagtagal umalis na ang mag-asawa habang ako naiwang nagluluto ng almusal namin ni Kyle,this is my first breakfast with him kaya sasarapan ko ang luto.

7:30 bumaba na si Kyle,

"Good morning, umalis na sina tita at tito kanina pa,kain na tayo" bungad ko sakanya na nakangiti.

"Hindi mo kailangang hintayin ako sa pag-gising, dapat nauna kanang kumain" sungit niya, kaumaumaga..ganto pala siya,pero okay lang cute nga ehh.

"Ehh hindi kasi ako sanay ng walang kasabay, hindi rin kasi ako nabubusog ehh" sagot ko sakanya at sabay na kaming umupo.

Napaka tahimik namin habang nasa harap ng pag-kain hindi ako sanay, sa bahay kasi kapag ganitong breakfast nagkukwentuhan kami pero pagdating sakanya wahh para nakung lilitisin sa korte parang di pa yata niya nagustuhan ang pagkaluto ko ng ulam nakailang subo lang yata siya nang sinangag tapos tumayo at nag luto siya nang sakanya, nahurt ako dun kaya tinapos ko nalang agad ang pag-kain ko,masarap naman kaya yung luto ko nilagyan ko pa nga yun ng carrots tapos yung itlog inayos konaman.Pagkatapos nun umakyat na ako sa kwarto.

Kyle's POV

"Good morning, umalis na sina tita at tito kanina pa,kain na tayo" bungad niya sakin, habang nakangiti, FYI alam kong aalis ngayon ang magulang ko.

"Hindi mo kailangang hintayin ako sa pag-gising, dapat nauna kanang kumain" sungit ko sakanya,gusto ko kasing ipa feek sakanya na ayaw ko ng mga pasweet sweet si mama lang ang gumagawa nun at di ako sanay sa iba napi-flirtan kasi ako at ayaw ko ring mahulog sakanya period.

"Ehh hindi kasi ako sanay ng walang kasabay, hindi rin kasi ako nabubusog ehh" sagot niya,matapos kong maghilamos ay sinabayan pa yalaga niya akong umupo.

Nakakailang subo palang ako ng sinangag at nang nilutong ulam nawalan na ako ng ganang kumain,bakit ang tabang wala man lang atang magic sarap o kayay bitchin yung ulam at yung sinangag parang walang asin, halatang siya ang nagluto kasi hindi naman ganito magluto ang mam ko.

Kailangan pa yata niyang itrain ,

"Ehmmmm" napaisip ako habang hawak ko ang baba ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

falling inlove againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon