Prolouge

46 2 0
                                    

Prologue.

Carl's POV.

"Mahal naman eh!!!!" Tawa ako ng tawa habang nakatingin ng masama sakin si selene.

"Oh bakit? Hahaha ang cute mo kaya." Sinulatan ko kasi ng marker yung mukha nya habang tulog sya.

"Di mo buburahin to?!"

"Hahahahaha. Bakit? Ang cute cute mo kaya mahal."

Inis syang lumapit sakin at akmang babatuhin ako ng unan.

"Isa." Bilang nya.

"Dalawa." Dugtong ko sa bilang nya.

"Tatlo."

"Apat."

"Di ka titigil SCHEAVE." Natigilan naman ako sa sinabi nya. Senyales na kasi yun dapat dapat na akong tumigil dahil napipikon na sya.

Agad ko naman syang nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"I love you so much, boo." Malambing kong bulong sa kanya.

"Che. Di tayo bati."

I chuckle. Siniil ko sya ng halik. "Bati na tayo please?"

"Sige na nga... pero burahin mo muna to." Sabi nya at natawa naman ako hahaha ang cute cute nya parin kahit may balbas sya.

"Sige tawanan mo pa ko."

"Wait eto na nga po eh buburahin na." Agad naman akong kumuha ng bimpo at binasa.

"Mahal nahihilo ako." Napahinto ako sa pagpupunas ng mukha nya. "Sandali lang ah kukunin ko lang yung gamot ko." Paalam nya huli na ang lahat para pigilan ko sya dahil agad syang bumagsak sa sahig.

Lumapit ako sa kanya at sinapo ang ulo nya.

"Mahal?!" Mahina kong tinatapik ang pisngi nya para di sya pumikit.

"Mahal ang sakit. Ang sakit sakit." Umiiyak na sabi nya.

"Saan?! Saan yung masakit? Sandali dadalhin kita sa hospital mahal."

"Mahal di ko na kaya." Yun lang ang sinabi nya at tuluyan na nyang ipinikit yung mga mata nya.

*

"SELENE!!!!" Agad akong napabalikwas sa higaan. Shit. Naalala ko nanaman yung huling araw na kasama ko sya.

Agad akong napatingin sa pinto ng biglang bumukas.

"Kuya." Ani angela. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Bakit gising kapa?" Tanong ko sa kanya at tinignan ko yung orasan. It's already 3am.

"Hindi ako makatulog kuya." Malungkot nyang sabi.

"Bakit naman? May problema kaba?"

"Wala naman. Naiisip ko lang kasi si ate selene." Agad naman akong nalungkot sa sinabi nya. Alam kong hirap na hirap din syang kalimutan si selene dahil close sila.

Nag usap lang kami sandali at pinatulog ko na sya.

7:36 na ng magising ako agad akong naligo at bumaba na para magbreakfast.

"GOOOOOODMORRRRNIIING MY BROOOTHER AND SISTER!!!!" sigaw ni ate angely ng makababa kami ni angela sa hagdan.

"Oh bakit ang laki nanaman nyang eyebags mo?!" Sigaw ni ate kay angela.

"Ate ano ba ang ingay ng bunganga mo."

"Tigilan nyo nayan kumain na muna tayo." Sabi ko sa kanila at dumiretsyo na sa hapag. Bacon check. Shanghai check At ang favorite namin ni selene na cornedbeef with egg.

Binilisan ko lang kumain at umalis na para pumasok.

"Hey bro what's up?" Salubong ni caleb sakin.

"Still movin' forward." Tipid kong sagot sa kanya.

"What's up mga tanga!!" Agad kaming napalingon kay hendrix na agad tumakbo at inakbayan kami.

"Pano bayan Valentine's Day mga wala tayong partner... so tara date?" Nakangising anito.

Agad ko namang tinanggal ko yung kamay nyang nakaakbay samin.

"Pucha hendrix kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo." Inis kong sabi sa kanya.

"Kadiri ka boi." Ani caleb.

"H-hoy ang kakapal ng mukha nyo ah. Dapat nga matuwa kayo dahil ang gwapong to.." tinuro nya yung mukha nya. "Niyayaya kayo ng date."

"Ewan ko sayo bro." Sabi ko sa kanya at umiiling na umalis ganon din si caleb.

"Hoy hintayin nyo ko."

3 subject lang ang meron kami ngayon. Thursday kasi at Valentine's Day.

Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay dun yung mga gamit ko.

"Hi carl." Napalingon ako sa tumawag sakin. Di ko sya pinansin at sinarado ko na yung locker ko matapos kong ilagay yung mga gamit ko.

Natigilan ako ng bigla nya akong hawakan sa braso. "Why so snob?" Taas kilay nyang tanong. Agad ko namang inalis yung kamay nya.

"Pwede ba christy tigilan mo na ako?"

"Why? No. Wala na si selene so... akin na na ulit ngayon." Sabi nga at nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan. Agad ko naman syang tinulak sa ginawa nya.

"Wtf?" Inis kong sabi sa kanya. "Hindi porke wala na si selene eh sayo na ako. Mahal ko sya at ikaw hinding hindi kita magugustuhan." Yun lang at inalisan ko na sya.

Badtrip.

Naglakad na ako palabas papuntang parking lot.

Papasok na sana ako sa kotse ko pero agad akong natigilan ng may pamilyar na boses mula sa bandang likuran ko.

"No hilton. Hindi nila pwedeng makita si Andrea!!"

No this can't be. Si tita selena yung mama ni selene may kausap sya sa phone.

Lumapit ako ng sa kanya. "Tita?" Mahina kong sabi nilingon nya lang ako at pumasok na sa kotse at mabilis na umalis.

Agad akong tumakbo at malakas na hinampas ang kotse nila.

"TITAAA!!!" Sigaw ko pa.

No. Mali ako ng iniisip patay na si Selene.

I Love You, SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon