Chapter 3

11 0 0
                                    

Chapter 3.

Carl's POV.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papunta kasi ako sa parking lot para umuwi na pero biglang nagring ang phone ko.

"(Pre!)" aniya. Si caleb pala.

"Oh? Napatawag ka?"

"(San ka?)"

"School. Pauwi narin. Why?"

"(Daan ka dito sa condo ko may surprise kami)" bigla namang nangunot ang noo ko.

"Anong kalokohan nanaman yan boi?"

"(Nasayo yan kung di ka pupunta.)" yun lang at pinatay nya na ang kabilang linya. Diko alam kong bakit bigla akong kinabahan. Surprise pero kinakabahan ako? Ano ba namang kabaklaan yan carl!!!

Tahimik kong tinahak ang daan papuntang parking lot. Hindi naman ako nahirapan sa byahe kasi di naman traffic.

*TING!*

Lumabas na ako ng elevator at sinalubong agad ako ni caleb.

"Excited kanaba?" Taas baba ang kilay nyang tanong sakin.

"Pucha. Anong kabaklaan nanaman to?" Iritang tanong ko. Agad nya naman akong binatukan.

"Pag ikaw natuwa dito, sapak di kalimot ka sakin." Pagbabanta nya. Inilingan ko lang sya at pumasok na sa condo nya. Sanay na kami sa ganito since magkakapatid na ang turingan naming tatlo ni caleb At hendrix.

Pagpasok ko...

NASURPRISE NGA AKO!!!



NAPAKA KALAT!!!

"Nice one caleb!!" Pumapalakpak na tugon ko dito. "NASURPRISE nga ako!" Sarkastikong ani ko sa kanya.

"Pucha ang bobo mo naman dre!" Kamot batok nyang tugon. "Hindi yan yung surprise.. ayun oh.." anito tinuro ang nasa kanan.

WHAT??!!! THE???!!!! HECK???!!!

"H-hi??" Awkward na sabi ng babaeng nakatayo ngayon sa harap ko. ANG BABAENG MAHAL AT MINAMAHAL KO HANGGANG NGAYON.

Hindi ko napigilan ang sarili ko agad na naguunahang tumulo ang mga luha ko. Halo halong tanong ang nasa isip ko ngayon. Kung bakit? Kung paano? Kung bakit ulit? Fvck.

Dahan dahan syang lumapit sakin at akmang yayakapin ako.

"WAG. WAG KANG LALAPIT!" Pigil ko sa kanya na dahilan ng pagka gulat nya. "ANO TO SELENE??!!! LOKOHAN???!!! AFTER 2 YEARS BABALIK KA NG PARANG WALANG NANGYARE??!!" Sigaw ko sa kanya.

"Kuya.." pigil sakin ni angela. Agad ko namang tinabig ang kamay nya.

"MAY ALAM KA RIN DITO??!!" Galit na sigaw ko sa kanya pero takot syang umiling.

"No kuya."

"EH BAKIT MAGKAKASAMA KAYO NGAYON??!!" Galit na tanong ko pero tahimik lang syang nakayuko. Wag nya sabihin saking wala syang alam dahil kung wala syang alam hindi sila magkakasama ngayon.

"Kuya carl tama na." Akmang lalapitan ako ni patrick pero dinuro ko sya.

"IKAW WAG NA WAG KA NG LALAPIT SA KAPATID KO! FROM NOW ON!" Sigaw ko sa kanya at binalingan ng tingin si angela.

"HALIKA NA UUWI NA TAYO!!"

"Kuya naman.."

Hindi pa sana sya sasama pero hinila ko na sya.

Hindi ko na alam. Ang gulo gulo na ang hirap puno ng mga tanong yung isip ko kung paano? Kung bakit? At bakit ngayon lang? Damn imissyou so much selene pero nasaktan mo ako.

Hapon na ng makarating kami ng bahay.

"Kuya.." Paakyat na sana ako pero nilingon ko muna si angela. "Ku..kuya i' m sorry." Naiiyak ng sabi nya.

"Sorry for what?! Sa pagtago nyo sakin na buhay si selene?!"

"Kuya may dahilan!!" Nagigting naman ang bagang ko at galit na sinuntok yung pader.

"Anong dahilan?! Ganon ka importante yang dahilan nayan at bakit pati ako na boyfriend hindi ko alam??!!" Hindi nya na ako sinagot nakayuko nalang sya. Ayoko munang makipagtalo ngayon pagod ako. Pagod yung utak ko. Pagod yung puso ko. Aakyat na sana uli ako pero..

"Maiintindihan mo rin kuya kung bakit ko ginagawa to." Napahinto lang ako sa sinabi nya at umakyat na ulit.


2:00am

Alas dos na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog sa huling sinabi ni angela. Fvck.

Bumangon ako at nagbihis. Pupunta muna ako sa pinakamalapit na bar. Gusto kong uminom. Dati akala ko pag uminom makakalimot sa sakit pero hindi pala.. KASI mas lalo mong maalala yung sakit.

"Tequila." Sabi ko dun sa bartender at agad naman nya akong binigyan.

Isang shot gumuhit na agad sa lalamunan ko yung lasa.

Medyo nahihilo na ako.

Agad akong tumayo at umalis na dun. Sumakay na ako sa motor ko bahala na kung san ako dadalhin ng mga gulong ko.

Dito parin.. dito parin talaga ang bagsak ko.

Sa dating bahay nila selene.

Kung san ko sya niligawan kung san nya ako sinagot At kung paano kami nagumpisang bumuo ng masayang alaala. Hindi perfect ang relasyon namin pero para sakin yun ang pinaka BEST.

Lasing na nga talaga ako. Naalala ko nanaman kung pano mo ko iniwan selene. Naalala ko nanaman. Naguunahang magsitulo ang mga luha ko.

"ANG DAYA MO!!" Sigaw ko habang nakaharap sa gate nila. Sinipa ko yun at pinagsusuntok. "SINIRA KO YUNG BUHAY KO DAHIL SA AKALA KONG PATAY NA SYA!!" Sigaw ko at patuloy paring humahagolgol. "ALMOST 2 YEARS AKONG BUHAY PERO PARANG PATAY!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko napaupo na ako habang humahagolgol.

Pero nagulat ako ng may biglang yumakap sakin.

Dahan dahan kong inangat yung mukha ko para makita yung mukha nya.

Selene...

"I'm sorry." Sinserong anito At hinaplos ang mukha ko. "Sorry kasi ngayon lang ako.." dagdag nya pa at dahan dahan akong hinalikan. "Nandito na ako. Hindi man ako yung totoo pero mas hihigitan ko." Yun lang ang sinabi nya pero di na ako nakasagot dahil nanlabo na ang mga mata ko.

To be continued....

I Love You, SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon