Chapter 2

9 2 0
                                    

Chapter 2.

Carl's POV.

"Wala kana talagang galit sa kapatid mo?" Tanong ni hendrix.

"Bro hindi naman talaga galit yung naramdaman ko, tampo lang." paliwanag ko.
"At isa pa wala akong karapatang magalit sa kanya kasi hindi nya rin naman ginusto yu—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nagring yung phone ko.

"(Hello)"

"Hello ate? Bakit?" Tanong ko.

"(Asan ka?)"

"Dito ako sa condo ni hendrix. Why?"

"(Pwede bang umuwi ka muna ngayon? Si angela kagabi pa hindi umuuwi!)" Inis nyang sabi at pinatay na ang kabilang linya.

*

"Ano hindi mo parin ba macontact?" Ani ate.

"Hindi parin. Diba kayo yung nandito ate bakit hindi nyo manlang binantayan." Inis kong sabi. Dalawa na nga lang sila dito eh.

"Hindi ko alam sa batang yan bakit ang tigas ng ulo." Napasapo sya sa noo at umupo.

"Ate ikaw ang mas nakakatanda. Ikaw dapat ang nagbabantay sa kanya."

"At ako pa ang may kasalanan ngayon? Bakit ikaw? May naitulong kaba dito?"

"Bat napunta sakin yung usapan? Ang point ko dito ay dapat binabantayan mo si angela!!!"

"Wag mo 'kong sisigawan CARL ANGELO mas matanda parin ako sayo—-"

"Tama nayan!!! Wag na kayong mag away!!" Napatingin kami sa pintuan ng biglang may magsalita. Si angela.

"Ikaw halika rito!" Galit na lumapit si ate at hinawakan sa braso si angela. "Sinong May sabi sayong umalis ka ng bahay ng walang paalam ha?!"

Mabilis na nangilid ang luha ni angela. "Bakit ate? Yun naman yung gusto nyo diba? Yung umalis ako dito para wala ng babantayan." Pinunasan sya ang luha nya at binalingan ako ng tingin. "At ikaw kuya diba ito rin naman yung gusto mo diba? Kasi ako yung may kasalanan kung bakit namatay si ate selene! Diba?! Diba?!"

"Bakit ba inuungkat mo payan?!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Totoo naman eh. Palibhasa panay nalang si ate selene. Nakalimutan mo ng may kapatid ka."

"Hindi totoo ya—"

"Tama nayan." Agad kaming napatingin kay patrick. "Buhay si ate selene!"

Charmaine Angela's POV.

Napahinto ako sa pagiyak at nanlaki ang mata sa sinabi ni patrick. Wtf?

"Anong sabi mo?!" Agad lumapit sa kanya si kuya at kwinelyuhan sya.

"Buhay si ate selene!" Sigaw ni patrick. Alam kong natatakot sya dahil namumula na sya at pinagpapawisan.

"Hindi totoo yan!!" Sigaw ni kuya at akmang sasapakin si patrick pero inawat na namin sila at pinaglayo.

"TOTOO!!! TOTOONG TOTOO!!!" Sigaw ni patrick. "Pano mo nga ba malalaman? Eh diba wala ka naman nung araw ng burol ng pinsan ko!!" Ani patrick. Nung araw kasi ng burol ni ate selene lahat kami hindi nagsipunta dahil sobrang sakit para samin. Hindi namin sya kayang makita na nakahiga sa kabaong maging nung lamay ni hindi nga namin alam kung san ang lamay.

Pero mali to alam kong pag papanggapin ni patrick si ate alianna bilang si ate selene.

****

Natapos na ang usapan namin kanina. Ngayon ang plano ulit namin ni patrick hanapin ulit si ate Alianna.

Pagpapanggapin namin sya bilang si ate selene. Pero si kuya? Hindi parin sya naniniwala sabi nya hindi daw sya maniniwala hangga't walang selene na nasa harapan nya.

Kinabukasan maaga akong nagising at nagasikaso dadaanan daw ako ni patrick pag tapos na ako.

"Ano ready kana?" Ani patrick. Hindi ko na sya sinagot tinanguan ko lang sya.

Ganon parin mahaba ang byahe.

"Tama ba tong gagawin natin?" Nga aalalang tanong ko. Napaka risky kasi nitong gagawin namin. Pano nalang kung mabuko kami? Mas lalong magagalit sa akin si kuya.

"I don't know. Pero sana mag work." Mahinahong sabi nya habang patuloy pa ring nagmamaneho. "Trust me." Nginitian ko lang sya at hinawakan ang kamay nya. Damn. I love this man so much.



"Oh halika pasok kayo." Masayang bungad sa amin ni ate alianna. Kararating lang namin. "Umupo muna kayo." Pinaupo nya muna kami at pinaghanda ng merienda. "Ano nga pala yung sadya nyo?"

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa ate. Nandito kami para humingi ng pabor." Ani patrick. Natigilan naman si ate alianna.

"Ha? Anong pabor naman?"

"Pwede bang magpanggap ka bilang si ate selene?" Sinserong ani patrick. Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Talagang lahat gagawin nya para maayos ang lahat.

"Ha?! Bakit?" Nagulat si ate alianna sa sinabi ni patrick. Kung ako rin naman ang nasa posisyon nya magagalit rin ako.

"Sige na ate please." Nagulat ako ng biglang lumuhod si patrick. "Alam kong nahihirapan ka rin. Ako na sasagot sa pag aaral mo. Condo sa manila."

"T-teka sandali, naguguluhan ako. Bakit? Bakit kaylangang ganito?"

"Malalaman mo rin ang lahat ate. Basta sa ngayon kaylangan ko ng sagot mo. Papayag kaba?"

Alam kong napipilitan si ate alianna pero tumango nalang sya alam kong naaawa rin sya kay patrick.

Anong susunod na mangyayare?

I Love You, SeleneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon