Assumption 3

90 5 2
                                    

"Paano mo nga pala nalaman na iniiyakan ko si Anthony nung una tayong nagkita sa park?"

"Ah yun ba? Wala lang. I just assumed. Hindi ko naman alam na tama pala ako."

Hayyyy ang boring! Ang tagal matapos nung seminar namin kaya dinaldal ko nalang tong katabi ko. Hahahaha!

"Alam mo Alenn, you're very pretty. Ayusan ka lang kahit sinong lalaki magugustuhan ka eh."

Sabi ni Francine. Oo, kasama rin namin sya. Tsaka..

"A little make over will do! And wardrobe change! Ang cute cute mo siguro!" Sabi ni.. ano nga pangalan nito? Ah! Donna. 

Mga alagad sila ni Master Jeecko. >:))) Palagi kaming magkakasama, pero minsan ibang babae pero sila pinakamadalas na kasama namin eh. Hahaha.

Hindi sila b*tchy sakin. Ang bait nga nila e. Naaawa tuloy ako minsan kasi panay buntot lang nila sa kupal kong kaibigan pero ginusto daw naman nila yun. Hang out hang out lang daw. PSH

I dismissed what they said pero...

kahit sinong lalaki magugustuhan ka eh

KAHIT SINO? HMMMMM

"Talaga? Kaya nyo kong pagandahin?"

"Oo kahit mahirap daw." sinamaan ko ng tingin yung katabi ko

"Alam mo wag ka na kumontra. Pretty daw ako manahimik ka na."

Di na sumagot si Jeecko tumayo nalang sya, pwede nang umuwi! SA WAKAS!

"Bye girls! Uwi nako, gabi na kasi eh. Bye panget!" Nag wave na ako sa kanila

"Okay ka lang ba umuwi mag-isa? Ihatid kita?" Jeecko

"Naku wag na! Yang mga buntot mo ihatid mo. Ayos lang ako. Baka hinihintay nako nila mommy. Sige na, bye!"

Nasa may sakayan na ako pauwi nang may tumabi sa akin sa paghihintay.

"Ginabi na tayo no? Ang boring naman kanina, sana natulog nalang ako sa bahay."

IHHHH JUSKO ANG GWAPO TALAGA NG BOSES NYA PWEDE BANG HIMATAYIN?

"Uhmm, oo nga eh. Pauwi ka na rin ba?" Sagot ko

"Oo, tara sabay na tayo."

Naghintay lang kami ng masasakyan. Naku lagot na. Pag ganitong oras punuan na yung mga jeep eh. Unahan nalang to. Asar gustong gusto ko  na umuwi!

JOKE.

Sana puro puno yung jeep para mas matagal ko makasama si Anthony :">

Kaso pag minamalas nga naman, ayan na yung jeep. T________T

Pag hinto sa harap namin, nag-unahan na yung mga tao, nakisiksik na kami para makasakay.

Paglingon ko kay Anthony, di sya masyadong kumikilos.

Napansin nya yatang naka kunot yung noo ko 

"Sige na, dito lang ako sa likod mo. Mauna ka sakin. Para sure na makasakay ka na, gabi na kasi dapat makauwi ka na."

Ngumiti ako sa kanya, ang sweet nya kasi talaga :)

Sabay kami nakasakay, nagkasya pa kami pareho. Haha! Nagkwentuhan lang kami sa byahe. Nung pababa na ako..

"Ingat ka ah? Itext mo ako pag nakarating ka na sa inyo."

:">

Pagkauwi ko, nagbihis na muna ako.

Pagcheck ko sa phone para itext si Anthony, may text na pala sya!

From: Antonio <3

And I wonder if I ever cross your mind?

For me it happens all the time.

Goodevening!

8:17pm

Ay GM! 

OO ANTHONY, LAGI KANG NASA ISIP KO! MAGHAPON MAGDAMAG, ORAS ORAS MINU-MINUTO! 

Lakas nya talaga magpakilig! :""""">

Kinabukasan, naglalakad ako sa corridor nang bigla akong mahilo. Napaluhod ako bigla.

Hala pano na gagawin ko? Hilong hilo nako di na ako makalakad

di ko na kay--

*

"Okay naman po sya? Wala namang sakit o kung ano man?"

"Wala naman iho. Sobrang init kasi at nalipasan lang siguro ng gutom. Wala nang dapat ipag alala."

"Sige po nurse, thank you po."

Ano ba yun? Si Anthony ba yun?

"O Alenn gising ka na pala. Ano nararamdaman mo?"

Sabi ko na eh. Savior ko talaga to :)

"Okay naman ako. Nag-alala ka sakin no?" Tinaas-baba ko pa yung kilay ko :))

"Sino bang hindi mag-aalala sayo? Nakita kita nakahandusay sa corridor Alenn. Tinakot mo ako. Bakit di ka kumain? Ano ka ba naman."

"S-sorry." Naluluha kong sabi

"Oo na oo na! Tsk. Pag inulit mo pa yan kikilitiin kita habangbuhay sige ka." Sabi nya habang inaayos yung unan ko.

PWEDE BANG HIMATAYIN AKO ARAW-ARAW PARA ARAW-ARAW DIN SYANG GANITO SAKIN? >//////////<

*Bzzzt bzzzzt

From: Jeecko Panget

Nasan ka na ba???? Kanina pa kita hinihintay! Di mo manlang sinabi na di ka makakasama sakin ngayon. May usapan tayo eh. Sabi mo sasamahan mo ako sa puntod ni Mama. Tapos malalaman ko kasama mo nanaman yang kumag na yan? Alenn naman! Gising nga sa katotohanan! Ang arte mo! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nag- Assume kasi ako (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon