HM4: HUSH

2.3K 25 2
                                    

A/N: sssshhhh! Sabi ni Kyungsoo. Hehe joke. Nga pala, wala masyadong kinalaman ito sa update pero nainspire ako sa HUSH ng MISS A at yun ang ginawang title para sa chapter na ito. title lang naman hehe. Para sa hindi maka Miss A or JYP ent. Pakinggan nyo, then panoorin! Maganda sya promise. Ang sexy. HAHAHAHAHA

Here it is: read, vote comment!

KAMSA CHINGUS!!

HM4: HUSH

(KaiSoo)

“You will always see what’s wrong

when you are right

 but you will never know

when you are happy doing wrong.”

******

5am pa lang bumangon na ako. Hindi naman kasi ako nakatulog….or hindi talaga ako natulog. Hindi ko magawang matulog dahil baka bangungutin ulit ako ng sakit at galit na nararamdaman ko.

Dahan-dahan kong inialis sa katawan ko ang kamay ni Luhan na nakayakap sakin. Katabi ko silang tatlo kagabi, ni ayaw nilang mawala ako sa paningin nila kahit na magpunta ako sa banyo. Iniisip nila na baka magpakamatay ako. Which is hindi pa pumapasok sa utak ko. I know I was or is badly hurt pero hindi ako suicidal na tao. Napatigil na rin nila ako sa pag-iyak at nauna pa silang nakatulog sakin. Nasa kanan ko si Luhan at sa kabila naman sina Baekhyun at Jongdae.

Gumaan rin ang pakiramdam ko ng konti, tama nga ang iba, sa panahon na hindi mo na kaya at kailangan mo ng karamay, darating at darating ang mga totoong kaibigan mo handing makinig at saklolohan ka. Ngayon ko lang naisip na gustong-gusto ko silang nandito.

Maingat akong umalis ng kama at nagtungo sa banyo. Pagkaharap ko sa salamin muntik na akong matawa ng mapait. Look at that, I’m a mess. Lumiit ang malaki at mabilog na mga mata ko. Halatang iyak lang ang ginawa ko buong gabi. Naghilamos ako at napatingin ulit sa salamin, hindi pa rin naalis ang ebidensya ng pag-iyak ko.

Hindi pa ako nasaktan ng sobra dati kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na itatanong sa sarili ko ang dapat kong gawin para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Isa lang naman ang sagot, SYA.

Gosh, Kyungsoo. Stop thinking about HIM. Maiiyak ka na naman.

Bumalik na ulit ako sa kwarto at lumabas ng kusina. Nagluto na ako para mawala SYA ng panandalian sa isip ko. Effective naman…medyo.  Pagkatapos kong magluto, bumalik ulit ako sa kwarto at naligo na.

Para akong robot na gumagalaw at naglalakad sa loob ng condo. Pilit kong itinatago ang emosyon ko. Hindi pwede. Ayoko ng umiyak. Atsaka……….magkikita kami mamaya…….kasama si Anna.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagising na rin ang tatlo. Nasa sala na rin si Sehun na pinuntahan agad ni Luhan. Tahimik na pinagmamasdan ko silang magkayakap sa sofa. Nasa kandungan ni Sehun si Luhan at nakapikit pa ito. Hinahaplos naman ni Sehun ang buhok ni Luhan.

Naaalala ko na naman yung mga araw na ang hilig NYAng guluhin ang buhok ko saka ako aakbayan. Psh. Stop it dyo!

Iniwas ko agad ang tingin ko sa dalawa bago pa bumalik sa utak ko ang mga memories namin.

“Mmmm..morning Dyo!” bati nina baekhyun na halatang antok pa.

“Ahm…ano….anong oras ba daw…..?”

“7:30.” Sagot ko sa di tapos na tanong nya. Alam ko naman kung ano yung itatanong nya eh.

“aaahh. K.” sabi ni Jongdae at naupo na sa dining table. “Luhan, Sehun…Tara na dito.” Aya nya sa dalawa.

His mistake. (KaiSoo fanfic) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon