PROLOGUE

57 2 0
                                    

PLEASE READ: This story is not edited so readers expect and understand the spelling and grammatical errors.

All names, locations, characters and incidents are products of author’s imagination. Any resemblance to actual persons, locales,  place or events is entirely coincident.

Your support to author’s right is appreciated.

PROLOGUE

Minsan natanong ko sa sarili ko. “Ano nga ba ang halaga ko sa mundong ‘to? Ano nga ba ang magagawa ko para sa kapwa ko? Para sa pamilya ko? At para sa sarili ko?”

Kung bawat ikot ng mundo, bawat araw na dumaan at bawat galaw ng orasan, pag-aaksaya lang ang ginagawa ko sa buhay. Napakalawak ng maari nating galawan, napakarami natin na maaring makasalamuha sa buhay pero limitado lang ang mga taong nakakasama natin at ang iba nawawala sa paglipas ng panahon. May nagpapamilya na, mayroon pang hinahanap ang sarili at mayroong bigla bigla na lang umaalis ng hindi nagsasabi. Hindi ba lahat tayo may kanya-kanyang hangarin sa buhay at may kanya-kanyang role sa mundong ibabaw. Pero ako nananatiling walang alam, kulang sa experience sa buhay. Akala ko nga noon alam ko na lahat ng ginagawa ko. Akala ko magiging successful ako sa daang tatahakin ko.

Sabi nga nila “Lahat tayo hindi maaring mag-stay sa tuktok, lahat tayo nararanasan ang mapunta sa ilalim” pero kailangan gumawa ka ng paraan na umahon pag ikaw ay nalugmok sa ibaba. Huwag mawalan ng pag-asa dahil sa panahon ngayon, wala ka ng dapat katakutan. Wala ka ng dapat ikahiya, kung ano ang gusto ng puso’t isipan mo sundin at gawin mo.

***

Hi everyone! Thanks for reading my first story ^_^ Hope all of you like this. COMMENTS, VOTES AND SHARE with your friends is appreciated. hihi

LIFE DESCRIPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon