Chapter 2- Concerned Citizen

20 2 0
                                    

Chapter 2

Naglayas ako sa bahay dahil nauurat na ko sa mga pinaggagawa at pinagsasabi  nila sa akin. Hindi ko na nga kayang marinig mga masasakit na salita na aking natatanggap mula sa bibig nila.

Andito ako ngayon sa park malapit sa bahay magmula kaninang umaga pero ang alam nila pumasok ako sa school. Naguguilty nga ako na maglayas dahil di ko alam kung saan ako pupunta. May naipon naman ako pero hindi sapat para sa pang araw araw ko.

"Siguro kung hindi nag ibang bansa si papa hindi ako ganito"  bulong ko sa sarili ko habang isa isa kong tinatanggal ang petal ng rosas nang marinig kong kumulog. Shit wala akong dalang payong, minamalas ka nga naman.

"hi miss. Bat mag isa ka ng dis oras ng gabi? At isa pa kawawa yang mga rosas, nasasaktan di ka naman inaano."

bigla akong napalingon sa nagsalitang lalaki sa likod ko. Ang ganda ng build ng katawan niya, bakat sa suot nitong shirt ang abs, matangkad siya at amoy na amoy ang scent niya na lalaking lalaki pero hindi ko maaninag ang mukha niya kaya yumuko ako at minabuting wag na lang magsalita mamaya kung ano pa gawin sa akin ng lalaking to.

"Alam mo miss kung ako sayo uuwi na ako at di na itutuloy yang paglalayas na gagawin mo" aba pano kaya nya nalaman na naglayas ako? Ang galing nya manghula aa. BRAVO for that excellent idea.

"Pano mo nalaman na naglayas ako?" Humarap siya sa 'kin at dun ko nasilayan ang maganda niyang mukha. Matangos ang ilong, mapupulang labi at kulay asul na mata.

"Malamang buong aparador niyo ata yang dala mo. Bat natulala ka? Ang gwapo ko ba masyado? Pasensya na natural na sa 'kin to." sabay kindat at ngiti sa akin.

Aba at ang kapal pala ng mukha nya.

"Ah-ahm a-ano ka-kasi eh--" Shemas nauutal ako kaya pinutol niya ang sasabihin ko.

"hey baby girl wag kang kabahan na kausapin ako 'cmon spill it out i'm a good friend." nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hala! baka halikan ako nitong mokong na to aa. Uppercut to sa akin pag ginawa niya yun. Wag siyang magkakamali hah! good friend ee stranger ka nga, sabi ng isip ko. Tumingin ako sa mga mata niya na titig na titig sa akin kaya di ko maiwasan na di mailang. Pero kung ang gwapong tulad niya ang makakasama ko jusmiyo sulit na sulit. Sana panaginip na lang to at wag na kong magising pa.

"baby girl sa buhay natin di paglalayas ang solusyon sa problema. Lalo na sa panahon ngayon na mukang uulan pa ata"

hmmm may point siya pero ayoko talagang umuwe. Andito na to ee. Panindigan na lang at medyo naiinis na din ako sa kanya kasi ang kulit paulit ulit na pinapauwe ako.

"Ba-bakit ba ang kulit mo? Ano bang pakialam mo sa 'kin stranger!" pagsabi ko sa kanya na nakita kong mejo nalungkot ang itsura.

"woah baby girl wag kang magalit i'm a concerned citizen" hehe concerned citizen pala ha. Lolx ang dami mong alam.

"okay baby girl aalis na ko mukang di mo naman ako kailangan" at ayun umalis nga ang asungot. hehe effective ang pagtataray ko. Pero di pa siya nakakalayo ng biglang umulan. huhu kawawa naman ako. "Sige kung concern siya babalikan niya ko dito." bulong ko sa sarili ko pero mukang di na niya ko babalikan.

LIFE DESCRIPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon