Chapter 1- School Affair

28 2 0
                                    

            Ako nga pala si Shanelle Louise Saavedra, 20 years old. Estudyante palang ako, graduating student pero iba ang tumatakbo sa isipan ko.

Tila isang bangungot ang maging HRM student sa isang kolehiyo sa Manila. Oo madali ang kursong HRM at wala daw bumabagsak pero ako iba. Kababae kong tao nga daw ee isa na kong “PRODIGAL DAUGHTER”, ganyan tingin sa ‘kin ng magulang ko. Nakakaiyak isipin na mismong magulang mo ay walang tiwala sayo. Ewan ko ba pero kahit sarili ko di mapaliwanag bakit di ko magawang mapasa bawat subjects na kinukuha ko. Depende pa yun kung gusto ko ang propesor na nagtuturo at mga kaklase ko dahil pag ako sinipag panigurado naman na mkakapasa ko.

Kaya lang naman ako nakaabot ng fourth year college dahil sa barkadang inakala ko kailanman ay hindi mawawala, akala ko may kaibigan ako na laging nandyan para sumuporta sa akin.

Pero nung nakatungtong ako ng huling taon ng kolehiyo kasabay nun ang pag graduate nila ay syang di ko pagpasok sa eskwelahan.

“Hoy! Nakatulala ka na naman day! Ay naku kung di kita kilala malamang sa malamang napagkamalan ka na naman na naliligaw dito sa loob ng campus” si jasmine nga pala kaibigan ko yan. Simula ng pumasok ako sa kolehiyo siya na ang tinuring kong bespren sa tanang buhay ko. Noong buo pa ang barkada di naman kami ganun kaclose nyan, ngayon lang ng maiwan kame ng dalawa pa naming barkadang babae, sina Jhec at Pam. Magaganda mga barkada ko, mapuputi at masasabi mo na classy at sossy sila sa pananamit pa lang pero pag nagsalita jusko po daig pa ang armalite kung magputak.

“Shanelle kailan ka ba madadala sa di mo pag uwe at tignan mo yang grades mo bagsak na nman” hay naku ayoko sa lahat pinapakialaman ako pero pag siya ang nagsalita o si Jhec at Pam pa yan makikinig ako. Kasi tinuring nila kong pamilya na nila at bespren na rin “siguro”

 “Ayy naku te! Buti nga may tatlo kong napasa ee.”  Ayun, nabatukan ako ng di oras. Ikaw ba naman nung highschool magaganda nga ginagawa mo, nagpapaimpress ka para mapansin nila at maging proud sila sayo pero balewala pa din sa family mo. Kaya di ako magtataka kung bakit ganito ako ngayon sa pag-aaral, kasi gusto ko lang naman na SUPORTAHAN NILA AKO at maging PROUD sila sa akin. Ngayon na nagloko ko sa pag-aaral, actually para sa akin di yun  pagloloko ee kasi pinipilit ko lang na makapagtapos sa kursong di ako sigurado kung ano ang magiging future ko.

Pagkauwe ko ng bahay namin, mama ko agad ang nakasalubong ko na kanina ko pa iniiwasan. “Ano to? Bagsak ka na naman sa mga subjects mo!! Di ka na naaawa sa amin ng papa mo na nagpapakahirap na magtrabaho sa ibang bansa para lang mabigyan kayo ng magandang buhay!! Sumosobra ka na talaga. Wala ka ng hiya.”

Dahil sa grades ko na puro singko at F.A. di na napigilan ni mama na sabunutan ako, nasa pinto palang kami ng bahay puro kalmot na ko sa mukha maging sa katawan ko at hindi pa nakuntento hinatak ang damit ko na ngayon ay punit punit na paakyat ng hagdan. Dahil sa galit ni mama di niya na namalayan na may dugo ako sa ulo kasi paghatak nya sa damit ko kasabay nun ay ang pagkauntog ko sa pader. Pag-akyat namin sa itaas dun ako pinaghahampas ng hanger hanggang dumating sa punto na nakita ko kuya ko na walang magawa kundi ang tignan ako. Nakaramdam naman ako ng pagkahilo pero binalewala ko lang yun. Nang mahimasmasan si mama sinabi nya na

“tignan mo yang kagagahan mo sinasaktan mo sarili mo, huwag mong hawakan yang sinugatan mo sa kamay mo, malilintikan ka talaga sa akin” di ko yun napansin kasi manhid na katawan ko kakapalo sa akin. Alam ko sa sarili ko di ako may gawa ng sugat na yun kaya nung di ko agad nabitawan yung kamay kong may sugat dinala ko ni mama sa kwarto ko para ikulong buong gabi. Iyak lang ako ng iyak sa kama ko at isa lang nasa isipan ko, yun ay ipamukha sa kanila na kaya kong mabuhay kahit wala sila sa tabi ko. Malaki naman ang tiwala ko sa sarili ko na balang araw mapapatunayan ko rin sa lahat ng mga taong lumait sa akin na balang araw lalapit sila at kakailanganin din nila ko.

Di ko namalayan nakatulog na pala ko kagabi kakaiyak, nagising lang ako dahil sa sinag ng araw at tilaok ng manok ng cp ko. –ringtone yan ng alarm clock ko.

Pagkapihit ko ng doorknob nakita ko kuya ko sa kwarto niya. Sinubukan ko siyang kausapin pero isa lang sinabi niya ”ikaw kasi ee matigas ang ulo, kasalanan mo rin naman bat ka nagkaganyan”. Sa pagkakasabi niyang yun may kung anong kakaiba sa tono niya, pakiwari ko ay nag aalala at the same time may tuwa sa tono niya. Oo aminado ko sa kasalanan ko pero masakit sa akin na magagawa sa akin yun ni mama. Nag iisang anak na babae lang ako sa pamilya kaya di ko maintindihan kung bakit ganun na lang ako saktan ng mama ko.

Hayys. Ganyan na lang palage pag uuwe ako ng bahay, sermon lage. Lahat ng mali ko pinapansin ee sila naman tong nagtulak sa akin para gumawa ng ganyan. PARA MAPANSIN nila ko. >.<

 Buti na lang may pamangkin ako, Makita ko lang ang cute na cute kong pamangkin nawawala na pinoproblema ko. Anak siya ng bunso kong kapatid, si Czarena, magdadalawang taon na yan sa January at ilang araw lang ang sumunod birthday ko naman. Hihi kaya magkasundo kaming dalawa ng batang yan ee. Pano, parang matanda kung umasta, pag nagddrama ko jan naku hampas inaabot ko. O di ba natuwa ako sa ganun nya haha.

***

hihi nakatuwa mag share ng imagination. Sana marami akong mapasaya ^_^ o mapaiyak din.

LIFE DESCRIPTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon