Justine’s POV:
“Hoy tine-tine gising na!” Umagang umaga naman oh. Hays. Bungad ni Erika, my one only friend na sobrang lakas ng boses.
“Oo na. Ang aga aga bat nandito ka?” Walang gana kong tanong. Di ako morning person eh.
Bago siya magsalita nagpa-puppy eyes muna siya. Hays, may kailangan namaman to. No choice ako eh, since elem siya lang yung kasama ko kase introvert ako.
“Sige, ano nanaman ba yon?” Sagot ko sakanya. Sabagay para naman makaalis ako ng bahay, tutal ngayong bakasyon wala akong ibang pinagkaabalahan bukod sa mga libro at movie.
“Yay! Emegesh kase nabobored na ako sa bahay no! Puro utos lang ni mudrakels ang pinagkakaabalahan ko. At para makatakas, gumora na ako dito!Hihi! Bihis ka na para makagala na tayo!” Masayang aniya niya pagkatapos mag-puppy eyes.
“San ba tayo punta?” Tanong ko sakanya dahil sabi niyaagbihis na daw ako.
“Kung San tayo dalhin ng paa ko, Charot! HAHAHAHAHA. Sa mall lang magpapahangin tsaka foodtrip tayo, Hihi!” Sabi niya sabay kindat, bat ko nga ba to naging kaibigan, Psh.
“Okey.” Tipid long salita tsaka ako pumunta sa closet para pumili ng isusuot.
Tutal mag-mamall lang naman mag-hohoodie na lang ako tsaka pantalon. Kinuha ko sa drawer and plain black hoodie ko tsaka maong pants. Usual porma ko pag umaalis. Kinuha ko na din ang converse ko.
“Beshy, bilis bilis naman! Inip na ang lola mo dito oh, hays umagang umaga naiistress ako, CHAROT HAHAHAHAHA, take your time, Lebye! MWAHAHAHA!” Rinig na rinig ko sigaw niya. Sobrang magkaiba talaga personality namin pero di naman naging hadlang yon para maging friends kami.
Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako at nakita kong nakahiga na sa kama si Erika. Hays, ang lakas lakas kase ng tama ayun bagsak na siya.
“Oy, tara na.” Sabi ko sabay kalabit sakanya.
“Nakahoodie ka nanaman, Wala talagang ka-taste taste tong beshy ko na to BWAHAHAHAHA, anyways lesssgoo!” Gumaganon pa bago umalis eh no.
“Alis na po kami Mudra A! HAHAHAHAHA” Paalam niya kay mama. Mudra din tawag niya dahil second nanay na niya din si mama.
“Okey, enjoy nak!” Kaway niya samin habang papalabas kami ng gate.
M A L L :
Pagkadating namin sa mall wala masyadong tao, gusto ko yung ganto para chill lang. Naiinis ako pag madaming tao.
“Beshy! Punta muna tayo sa Hypermarket!” Ayon. Punta muna kami sa hyper para bumili ng mga snacks niya. Matakaw to eh.
Dun muna kami sa mga chips, kumuha siya ng 3 Honey butter kase favorite niya yon since grade 1 ata. Tapos Oreo na strawberry para sa dessert niya.
“Ka, cr lang ako ah.” Sabi ko sakanya kase kailangan ko magpalit dahil may dalaw ako ngayon.
“Sige! Bilisan mo lang ah! Hihi!”
Pumunta na ako sa cr para magpalit ng napkin. Pagbalik ko di ko makita si Erika. Hinanap ko siya hanggang sa
May natapon sa damit kong coke float. May nakabangga sakin.
“Sorry. Di ka kase nagiingat eh.”
Aniya ng lalakeng nakatapon ng float sa hoodie ko. Mukhang mayabang.
Luh sorry ah, ako pa di nagiingat. Hays.
Lumakad na ulit siya kaya di ko na pinansin. Kainis, ang lagkit na ng feeling ko.
Badtrip naman.
“Oh, besh ayan ka na pala! Kanina pa kita hinahanap, San ka namang sulok pumunta HAHAHAHAHA!”
“Hinahanap kita eh, tas may nakatapon ng float sa kin.” Walang emosyon kong kwento sakanya.
Pumunta ulit kami sa cr para magpalit ng t-shirt, buti na lang may dala siyang extra.
“Tara! Milktea tayo besh, nagc-crave ako don. Hihi!” Pumunta na kami sa Gong Cha.
Parehong wintermelon with salt & cheese foam ang inorder namin. Umupo muna ako habang nakapila siya.
“Miss, may nakaupo ba dito?”
Humarap ako at...
“IKAW NANAMAN?!” Sabay naming sigaw kaya napatingin samin lahat ng customer don.
Hays, malas.
BINABASA MO ANG
It Started With You
RomanceIt Started with You. Justine Celestine Lacson. Nerdy introvert na matalino. Wala masyadong friends kase tinatamad magsalita. Noel Even Santiago. School heartthrob/heartbreaker. Gwapo, mayaman at higit sa lahat Mayabang. "Meeting you was an accident...