Justine’s POV:
Nagising ako dahil sa liwanag galing sa bintana, umaga na nga.
Hays, pagod kase ako kaya dumiretso na tulog ko.
“Oh! Gising na pala ang baby ko NYAHAHAHAHA! Nakatulog ka kagabi kaya di na kita ginising mukhang pagod ang baby ko eh. Baba na nak ah, breakfast is ready na!” Masayang sambit ni Mama.
Kanino kaya ako nagmana ng gantong ugali. Tamad magsalita, loner at mas prefer na magisa.
“Opo, Ma.” Maikling sagot ko atsaka inayos ang higaan ko bago bumaba.
Pagkababa ko ay nasa hapag-kainan na si Kuya at Mama.
Oo, kami kami lang ang magkakasama iniwan kami ng tatay namin, bata pa lang kami. Pero okay na naman ako sakanila, masaya kami kahit wala si Dad.
“Gising na pala ang loner na sis ko HAHAHAHAHA!” Asar ni kuya sakin habang kumukuha ng kanin.
Tinitigan ko lang siya atsaka nagsimula ng kumain.
“Nak, dahil incoming 3rd Year highschool ka na dun ka na din sa school ng kuya mo. Okey lang ba sayo?” Sabi ni Mama, mukhang nagaalala sa isasagot ko.
“Opo, Ma okey lang naman po ako kahit san.” Sagot ko sabay subo ulit ng bacon at egg.
“Yun! Mababantayan ko na yan Ma. Baka mamaya may nanliligaw na dyan eh, ayieeee! BWAHAHA! Ay oo nga pala walang magkakagusto sakanya kase MANANG siya! BWAHAHAHAHA” Pang aasar nanaman sakin ni kuya sabay belat.
“Ay nako! Kumain ka na nga lang eto oh. HAHAHAHA! Bakit ba maganda naman tong kapatid mo kase mana sakin, hihi!”
Sambit ni Mama at natawa naman kaming lahat.
Oo, medyo magkaiba ang ugali ko sa loob at sa labas ng bahay. Medyo maingay naman ako ng konti dito, pero sa labas hindi ako komportable.
Nagligpit na kami ni Mama ng pinagkainan at bumalik na ulit ako sa kwarto ko.
Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Mama kanina.
Ano kayang magyayari sakin sa bagong school. Hindi naman ako mapili basta makapag-aral ako okey na ako dun.
Habang malalim ang iniisip ko tumunog yung cellphone ko.
*KRINGGGGGGGG*
“Sin-” Bago ko pa man masagot may magsalita na.
“Oy besh! Lilipat na daw ako ng school. HUHUHU! Hindi na kita makakasama! HUHUHU!” Rinig kong umiiyak si Ka.
“Wait lang kumalma ka muna, San ka ba lilipat?” Tinatry kong pakalmahin si Ka dahil may hika siya.
“Dun sa school ni Kuya, HUHUHUHU!” Umiiyak pa rin niyang sabi.
“Hays, dun din ako lilipat eh. Tahan na, Ka.”
Yun naman pala eh, magkakaiyakan muna eh. Hahaha.
“Ano ba yan besh! Bat ngayon mo lang sinabi sayang iyak ko no! Charot! HAHAHAHAHA! Oy ansaya ko kasama pa rin kita.” Masaya niyang sabi, halatang tumatawa na siya.
Hindi kase ako magaling mag- express ng nararamdaman ko, aaminin kong hindi ko masabi na di ko kaya ng hindi siya kasama pero sa loob loob ko Hindi ko nga talaga kakayanin.
Sobrang swerte ko kay Ka.

BINABASA MO ANG
It Started With You
RomanceIt Started with You. Justine Celestine Lacson. Nerdy introvert na matalino. Wala masyadong friends kase tinatamad magsalita. Noel Even Santiago. School heartthrob/heartbreaker. Gwapo, mayaman at higit sa lahat Mayabang. "Meeting you was an accident...