Ikalimang Kabanata

13 1 0
                                    

Justine’s POV:

Maaga akong nagising ngayon, time check muna.

6:00 AM, masarap yung tulog ko ngayon ah. Medyo madami dami sigurong pupuntahan ngayon kase magre-ready na ako para sa first day.

Habang kinukusot ko pa ang mata ko para tanggalin ang antok, kinuha ko na ang twalya ko at nagsimula ng maligo.

Kumuha ako ng Black na tshirt at pants dahil puro black lang naman halos ang mga damit ko, hindi ako girly girl tulad ng ibang mga babae.

Habang nagbibihis ay nag-ring yung cellphone ko. Si Ka yung tumatawag.

“Oh, ka. Goodmorning.”

“ Goodmorning beshy! Sama na ako sainyo ni tita bumili ng mga needs kesa magisa ako, Hihi!” Masaya niyang sabi halatang kakagising lang din. Haha.

“Sige, punta ka na lang dito pag okay ka na.” Sambit ko habang sinusuklay yung buhok ko, medyo wavy pala ang buhok ko.

Bumaba na ako at nakitang naghahanda na ng breakfast si Mama.

“Ma, sama na daw satin si Ka. Sabi ko habang sumusubo ng scrambled egg.

“Sure, baby! Mas masaya yon no, ika nga the more the merrier!” 

Natapos na kami kumain at biglang may nagbuzzer. Si Erika siguro yon. May naririnig na akong sumisigaw eh. Siya nga yon. Haha.

“GOODMORNING WORLD, GOODMORNING BESH, GOODMORNING MUDRA, WOOOOH! HIHIHI!” Bungad niya samin pagpasok pa lang ng pinto. Grabe ka-hyper to, ano kaya nakain.

“GOOD MORNING NAK, GRABE ANG ENERGY LEVEL AH, GO, GO, GO!!!!”

Sagot naman ni Mama sakanya, napaisip na lang ako bat di na lang sila ang naging mag-nanay. Sobrang daldal.

“Okay sige, gora na tayo mga anak at madami dami tayong lalakarin ngayon!”

Sumakay na kami sa kotse at si Mama ang nag-drive. Katabi ko si Mama at nasa likod naman si Ka.

Hindi ako mapakali sa byahe kaya nagpatugtog na lang ako ng music.

Si Ka naman tulog na tulog na, knock out nanaman. Umaga pa lang kase umaapaw na ang energy.

“OKEYYY! LETS READ OUR THINGS TO DO POR TODAY MGA BABY!”
Nagising na si Ka dahil sa sobrang lakas na boses ni mama at pinatay ko muna yung music para marinig namin siya.

To do list ✓ :

Bumili ng school uniform
Buy school supplies
Enroll at school

Nag-drive lang si Mama hanggang makarating kami sa bilihan ng uniform.

“Beshy! Excited na ako hays, sana maganda!” Inaalog alog pa ako dahil sa sobrang excited. Luka Luka talaga, psh.

Pagpasok namin, sinalubong kami nung saleslady. Tinanong ni Mama kung saang part ng store mahahanap yung uniform namin.

Ano ba yan, sobrang iigsi ng mga palda na nandito. Sana yung amim below the knee manlang.

“This way po mam.”

Patay tayo dyan, sobrang igsi nga ng palda namin. Yung blouse color white and black na may necktie na black din at coat na black.

Buti na lang all-black medyo matutuwa pa ako.

“WAAAAH! ANG GANDA HUHU KASO BLACK PERO KERI NA!”

Maiiyak pa tong si Ka eh.

“ISUKAT NYO NA MGA NAK! BAGAY YAN SAINYO, HIHI!” Ansaya ni Mama ah tinutulak pa kami papuntang fitting room.

Sinuot ko na lahat at humarap sa salamin, grabe parang bagay sakin na medyo hindi.

Ang weird sa pakiramdam magsuot ng ganto. Paglabas ko tapos na si Ka. Bagay sakanya, sobra.

“Wah! Sabi na bagay sayo nak eh!”

“Perfect besh! Babaeng babae ka na.”

Sabi nila, pumapalakpak pa.

“Hindi ba weird? Parang hindi bagay eh.” Tanong ko kase first time ko magsuot ng ganto. Hindi ako komportable sa mga dress at palda tanging pants lang talaga.

“Ano ka ba, bagay sayo sobra. Nagmukha kang babae baby! NYAHAHAHAHA”

Nagapir pa ang dalawa, habang tawa ng tawa. Nakatingin sakin yung mga sales lady, parang manghang mangha eh parang di naman bahay. Bahala na nga.

Nagpatahi kami ng tig limang pares kaya medyo matagal tagal pa maghihintay.

“Kain muna tayo mga anak, nakakagutom to. I know naman na gutom na din kayo, Hihi! San tayo?”

“KFC Mudra, masarap don!” Halatang nagc-crave nanaman to ah. Parang may buhaya sa tyan.

Nag-drive na kami papuntang KFC para kumain ng lunch umorder ako ng 1 piece chicken, kay Mama 2 piece chicken. Kay Ka naman, 1 bucket ng fries, 2 pcs. chicken, mash potatoe at unlimited gravy. Umorder din kami ng tigiisang krushers.























Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon