Nicco POV
Limang taon....
Limang taon na ang nakaraan pero nandito pa din yung sakit at pangungulila ko sakanila.
"Daddy help me. Natatakot ako. Natatakot ako na baka di ko makaya ang laban na ito"
Di ko na napigilan ang umiyak sa harap ng puntod nila.
"Mommy you always told me na maging matapang ako dahil balang araw wala akong aasahan kundi ang sarili ko"
"Kuya martin sigurado ako na kahit tutol ka sa desisyon kong ito susuportahan mo pa din ako. Malakas ako sayo eh!"
Kahit gusto ko ng tumigil ang pagiyak ko ay lalo itong bumubuhos sa lakas ng pagluha ko.
Miss ko na silang lahat.
Limang taon hanggang ngayon para akong naglalakad ng mag isa sa mundong ito.
Nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
Kahit di ako humarap ay kilalang kilala ko ang taong mahilig yumakap mula sa likod ko.
"Wag mong kalimutan. Im always beside you Nicco. Were always here for you. Di ka nagiisa sa laban na to Nicco"
"Tama si Kit. Kaya nga nandito kami. Di ka namin iiwan." ang sabi ni Bella
"Sorry ah bago ako magbigay ng message kay Nicco" ang mataray na sabi ni Mitra at humarap ito kay Kit "Kit kung puwede lang. Puwede lang naman. Nakakadistract yang pagyakap mo kay Nicco"
Natawa lang si Kit at lumayo muna ito sa akin.
"Good! Anyway Nicco stop that drama! Nandito na tayo! Maging matatag ka! Maging matapang ka! Kailangan ka ng taong bayan ng Prado! You got this boy!"
Prangka babae si Mitra. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin sa amin. Kahit makasakit siya.
Ikakabuti naman namin yun. Lalo na ngayon sa sinabi niya sa akin.
"Ako naman ang eeksena!" ang singit na sabi ni Sandino napatingin kami lahat sakanya.
"Talaga ba Sandino kailangan magkahawak pa kayo ng kamay ni Tony" ang inis na sabi ni Mitra
"Non of your business!" ang ngising sabi ni Sandino "Di kami basta back up mo Nicco. Pamilya mo kami. Pamilya tayo." ang seryosong sabi ni Sandino at itinaas nito ang kamay nila ni Tony na magkahawak. "At syempre ito asawa ko" ang natatawang sabi nito
Nakatanggap tuloy siya ng isang batok mula kay Mitra.
"Well lahat nasabi nila. Nicco were all ready set. Now you all you need to is rest for now. One week nalang ay magsisimula na ang eleksyon campaign." ang ngiting sabi ni Tony
"Tama siya Nicco kaya simulan muna ngayon" hinatak na ako ni Kit palayo sa puntod nila Daddy. Kahit naguguluhan ako ay nagpaalam na din ako kina Bella.
Di ko alam ang binabalak ni Kit. May tiwala ako sakanya.
Kasunod din namin si Vercon.
"Just hold my hand Nicco." ang ngiting sabi Kit.
Sinunod ko nalang ang sinabi niya.
Napatingin ako kay Vercon na nasa harap ng sasakyan.
"Nasabihan na po ako ni Sir Kit sa bagay na to" ang seryosong sabi ni Vercon.
Naalingpungatan ako ng may umaalog sa akin balikat. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
May naririnig ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/192130429-288-k488000.jpg)
BINABASA MO ANG
Frame Of Nicco Fuentes
Romance"Do you trust me?" "Ofcourse yes" "Bat marami kang tanong?!" Warning before you read this story. Trust No One!