"Thank you Mr. Nicco Fuentes. Before the election lalabas na ang digital issue of the magazine. And hoping this is not the last. Were looking forward sa pagkapanalo mo bilang Mayor ng Prado" ang masayang sabi ni Lee Yap the editor chief of Mega Men.
"Its my pleasure Mr. Yap." ang ngiting sabi ni Nicco. Kakatapos lang ang interview at photoshoot niya with Mega Men.
Sinamahan siya ni Kit. Tinuruan din siya ni Kit kung paano mag pose. Sa una ay mukha siyang tuod pero di naglaon ay nagiging relax na siya sa harap ng camera.
"Sir. Nicco ang hot mo doon sa last look mo sa photoshoot." ang di mapigilan na sabi ni Kit habang nakasakay na sila sa Van pauwi na sila pero nagsabi si Nicco na dadaan muna sila sa Rald's Box upang kumain. Isa ito sa pag aari ng kanyang kuya Martin.
"Sana maganda ang kinalabasan ng photos ko. Lalo na yung sinasabi mo hahaha!"
Ang last look niya ay shirtless binuhusan siya ng honey sa katawan upang maging sexy at hot tignan si Nicco.
"Sir nandito na po tayo" ang sabi ni Vercon. Una siyang bumaba at nagkalat naman ang 10 mga SG ni Nicco sa paligid.
Nagsitinginan ang mga taong dumaan at nasa loob ng restaurant. Akala nila ay president ang bababa sa sasakyan. Pero nagulat at nagtilian sila ng makita nila si Nicco Fuentes ang bumaba at kasama si Kit Martin isang sikat na model.
"Oh my god!!! Ang gwapo pala niya sa personal!" ang sabi ng babae
"Gurl sino tinutukoy mo?! Si Kit o si Nicco Fuentes"
"Si Nicco gurl!!!! Grabe hot at tignan mo hubog na hubog ang gandang katawan niya sa suot niyang plain white tshirt.!"
Naalala ni Nicco ang bilin sakanya ni Bella na laging makipagkamay at bumati sa mga tao lalo na ang mga taga Prado.
Kumaway si Nicco sa mga taong nasa paligid niya. Parang isang sikat na artista ngayon si Nicco. Pero napansin niya na medyo malayo ang mga tao sakanya dahil nakaharang ang mga SG niya.
"Vercon hayaan niyo ang mga taong makalapit sa akin." ang ngiting sabi ni Nicco.
Tumango lang si Vercon at inutusan ang mga SG na hayaan ang mga taong makalapit kay Nicco pero triple alert sila baka may mangyari o masaktan si Nicco.
"Pa selfie naman Nicco!!!! Aaahhh!!!"
"Picture Nicco!!!!"
Halo di magkamayaw ang mga tao na makipagkamay at makipagselfie sakanya. Biglang nasigawan ang mga tao.
"Mabuhay si Nicco Fuentes!!!"
"Mabuhay!!!!"
Natatawa si Nicco dahil sa sinisigaw ng mga tao. Masaya siya na may mga sumusuporta sakanya.
"Mahal namin ang ama mong si Mayor Naccor! Sana ipagpatuloy mo ang nasimulan niya! Sawa na kami sa pamamalakad ng isang Salcion!!!!" ang sigaw ng isang lalaki
"Oo nga! Gusto namin isang ulit Fuentes maging Mayor namin!"
"Fuentes!"
"Fuentes for Mayor!!!!!"
"Maraming salamat po sa inyo!" ang sabi ni Nicco. Pinipigilan niyang di maluha dahil meron pa pala di nakakalimot sa kanyang Daddy.
"Sir. Nicco let go." ang bulong ni Kit na nasa likod niya. Napatingin naman si Nicco sakanya. "The tears"
Alam ni Kit na pinipigilan umiyak ni Nicco kahit di niya ito nakikita ang mukha ay alam na alam niya dahil namumula na ang batok ni Nicco kapag ganun ay pinipigilan na nito ang umiyak.
BINABASA MO ANG
Frame Of Nicco Fuentes
Romansa"Do you trust me?" "Ofcourse yes" "Bat marami kang tanong?!" Warning before you read this story. Trust No One!
