CHAPTER 1

47 1 0
                                    

Zaira’s POV

Here I am. Naghihintay sa may parking lot. Naghihintay na dumating si Tyler my loves! I’m one of his fangirls and most especially im one of his SUITORS. Yes, ako ang nanliligaw kahit ako yung babae. Parati ko syang tinatanong if I can be his girlfriend. Yes. Always. Everyday. Kahit sa text pa tinatanong ko siya. But he just keep ignoring it.  I don’t know why.

 

“Eto na si papa Tyler!!”

“ Girls! Eto na siya!”

“Lets get it on!”

Sumiksik lang ako sa mga naggigitgitan na mga fangirls at ayun! Napunta rin ako sa harap niya! Kung sinuswerte ka nga naman oo!

 

“HI Tyler! Good Morning! “

“Tsk. What’s good in the morning kung ikaw naman ang makikita ko sa umaga?”  sungit naman neto. Baka naman meron. Ay lalaki nga pala siya. Engot ka talaga Zaira!

“ Sungit mo naman. Gusto mo hated nalang kita sa classroom mo? O gusto mong tubig? “

“No thanks. My cousins are already there. Waiting for me. So all of you girls, stop this nonsense and go back to your classroom or else I will tell my father na paalisin kayo dito sa school namin.” 

“OO NGA! Go back na! Shoooo! Shooo!” tinutulungan ko na si tyler paalisin ang mga fangirls mahirap na baka may maka chansing pa. ako lang dapat.

“Also you Zaira. Kailangan mo nang bumalik sa classroom. Baka malate ka pa.” ayie. Kilig naman ako.

“Ikaw talaga tyler! Concern ka sa akin no! Sige sabi mo eh! papasok na ako! Bye!” nag wave na ako sa kanya saka sa mga kaibigan niya bago umalis

 

“Tyler bregs! Bagay talaga kayo ni Zaira!”

“haha! Sagutin mo nay an! Haha!”

Gulo talaga nung dalawang ugok na yun.  Haha! Sila nga pala si Zach and James Levins. Magkapatid sila. And cousin nila si Tyler my loves!  Swerte nga nila dahil araw araw pumupunta sila sa bahay ni Tyler. Yah know, bonding bonding. At kalaro pa nila yung baby sister ni Tyler! Sila na swerte!

*School bell rings*

 

Pumasok na ako sa classroom at umupo na sa chair na nakaassign sa akin. Bored na bored ako dahil hindi ko kaklase si Tyler. Hays.  Absent naman yung bestfriend kong napakatamad. Yung teacher ko nagpagawa lang ng activity at umalis dahil may meeting daw. Hays. Iniisip ko nalang kung paano ko nagustuhan si tyler.

Bata pa lang ako nun. 8 yrs old palang ako nun nang may lumipat na pamilya dun sa bahay na katapat namin. Dati pa ginagawa ung bahay ,sa sobrang laki kaya siguro matagal nagawa.   My mother is a friendly person kaya pinuntahan niya at nakipagkilala siya. She even made a cupcake for them. Sumusunod lang ako kay mama sa likod.  Galing ako nun sa garden nung bahay namin. Nagtatanim ako kaya madumi ung kamay ko. tahimik lang akong nasa likod ni mama nang makita ko si tyler. Yeah. Na love at first sight ata ako? I don’t know. Its just my heart… tumibok nalang bigla and may sinasabi na I like him.

 

So lumapit ako sa kanya and nakipaghandshake. At first ayaw niya but in the end kinuha ko kamay niya at nakipaghandshake. Diring diri pa nga siya nun eh! haha! Ayun, nagging bff sila ng mama niya at mommy ko. his dad is my dad’s long lost bestfriend daw simula nung highschool.  Araw araw lalong tumitindi na yung pagkagusto ko sa kanya until…

 

 

 

“I LIKE YOU TYLER!” 7th grade ako niyan. Hindi ko  napigilan at sinabi ko sa kanya na gusto ko siya.

 

He just shrugged. At hindi pinansin yung mga sinasabi ko.

 

 

“I said I like you Tyler. Can I be your girlfriend?” kinapalan ko na mukha ko. yes, I really hate and I don’t want being rejected.

 

 

One time umiyak nga ako nun sa harap niya nung hindi niya tinatanggap regalo ko kaya lahat ng bigay ko sa kanya tinatanggap niya.

 

 

Nakatitig lang siya sakin

 

 

So I made a decision.decision na hanggang ngayon ginagawa ko parin.

 

“Okay, I will wait tyler. Unti you say what’s your answer. I will court you everyday and ask you if I can be your girlfriend. If nalaman mo na ang sagot mo just say it to me. If yes ako na pinakamasayng tao sa buong mundo, but if no, uhmm. . just please don’t say no. I really hate being rejected.”

 

Araw araw sa tuwing hindi niya ako sinasagot sa tanong ko. nasasaktan ako.

Masaya ako sa panlabas. Pero sa loob ang sakit. Pinipilit kong maging Masaya para hindi niya sabihin na mahina ako . na susuko nalang ako sa kanya. I don’t want him to think that sa tuwing hindi niya ako sinasagot sa tanong ko gigiveup na ako kaagad. Mayroon parin sa puso ko na sinasabing may chance ako at chinachallenge niya ako.

I don’t know what will happen if sa takdang araw na iyon, “NO” ang sagot niya sa akin.

I love him and I will do anything  just to be with him.  Malandi na kung malandi. Ganun eh.

If I Could I Probably WouldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon