Panglimang Arte - Ride Me, Baby

188 6 17
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Tinignan ko ang orasan. 8:15 na! Shem! magsisismula ang klase ko ng 9:00 ng umaga. Nakakainis naman kasi hindi ako nakatulog dahil sa mga sinabi ni Rokusho. Nababaliw na ba sya? Hindi ako uto-uto para tanggapin ang kalokohan niya.

Kaagad akong naligo, nagtoothbrush at nagbihis ng damit, Meron na lang akong 30 minutes para makarating school. Pagkababa ko sa hagdanan ay dumiretso agad ako sa kusina, nadatnan kong nakasabit ang isang note sa ref. Kinuha ko ito, galing pala ito kay Kuya Smile. Kahit kailan talaga ang pangit nito magsulat.

Sis, 

Hihiramin ko muna yung kotse mo, nasira kasi kotse ko.

Maglakad ka na lang, mas bagay naman sayo yon eh! 

Haha lav yahh sis!

- Your Poging Kuya :)

"Waahhh!!! Kuya, bakit ngayon mo pa kinuha yung kotse ganitong male-late na ako, kahit kailantalaga panira ka, kailan ka ba magtitinong abnormal ka!" Sigaw ko 

Wala na akong magagawa kailangan ko ng umalis. Agad agad akong umlis ng bahay. May dumaan na jeep sa harap ko, pinara ko ang jeep pero ayaw huminto. Aba! dinaanan lang ang kagandahan ko! 

"Happy!" 

Napalingon ako kung saan nanggaling ang beses. Si Rokusho. Bakit ba lagi itong nagpapakita sa akin? Tinignan ko si Rokusho nakamotor ito at sa tingin ko ay mahal ang motor na gamit nito. Naba-badtrip talaga ako sa lalaking ito. Nilagpasan ko ito at nagsimulang maglakad papuntang eskwelahan.

"Ouh, Saan ka pupunta?"

"Sa malayo sayo! Pwede ba layuan mo ako?" iritado kong sabi sa kanya.

Pinaandar ni Rokusho ang motor at sumabay ito sakin habang nakamotor sinasadya nitong bagalan ang takbo ng motor nito para makasabay ko sa paglalakad.

"Kapag naglakad ka pa ng mas mabagal, siguradong lalo kang male-late nyan" sabi nito.

Tinignan ko ito. "Bakit sino ba kasing nagsabing sabayan mo ako?"

"I know but I like helping damsel in distress."

"Thanks, but I'll do just fine without your help."

"Not true, dahil wala ka ng masasakyan sa mga oras na ito." 

Napatigil ako sa paglalakad. Na-realize kong tama sya. Wala ng jeep sa oras na ito.

"So, anu naman sayo?"

"I want you to ride with me." He smiled.

Napanganga naman ako dito. Tinignan ko muna kung nagsasabi ito ng totoo.

The Art Of Being HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon