Pangsiyam na Arte - Be With Me

120 9 25
                                    

Nasa isang bookstore ako ngayon, naghahanap ng bagong idea para sa story ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko masimulan ang story ni Spencer. Nasa character profile niya pa rin ako. Hindi ko siya magawang simulan ni plot ay wala ako. What Am I supposed to do? Nagbakasakaling pumunta ako dito sa bookstore para magbasa and maybe makakuha ng ideas kung paano ko masisimulan ang story ni Spencer.

"Happy!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Rokusho. Lumapit ito sa akin. As in literal na malapit. Nasa tapat siya ng mukha ko.

"Have you heard of personal space? Umalis ka nga." Itinulak ko siyang palayo.  He only laughed.

Napakunot naman ang noo ko. What is he doing here? "Anong ginagawa mo dito? Are you stalking me?" I crossed my arms.

"Woah there kitten, Huwag masyado mataas mangarap. You’re not that important. May bibilhin sana ako dito sa bookstore tapos nakita kita and I decided na lapitan ka." He smirked 

Namula naman ako. Medyo napahiya ako sa sinabi niya. Tumikhim muna ako. "Leave. I don't want to be seen with you."

He ignored me. "Anong binabasa mo?" Kinuha nito ang librong binabasa ko.

"Hey, Im reading it!"  Sinubukan kong abutin iyon mula sa kamay niya pero masyado siyang matangkad.

"How to write your own story?” Kunot noong sabi nito “Why? Hanggang ngayon pa din ba ay wala ka padin nasusulat tungkol sa akin? Sabi ko kasi sayo tanggapin mo na ang offer ko."

"No. Not in a million years." Inagaw ko sa kanya ang libro at nagsimulang maglakad palayo.

"Wait, Happy. Ganito na lang, mamayang gabi punta ka ng bahay ko. Set aside na muna natin ang girlfriend offer ko sayo. Try to learn things about me. Pagaralan mo ako. Be with me. Siguro ay makakaisip ka na para sa story mo."

"Baliw ka ba? Mamaya reypin mo pa ako eh. No way."

Tumawa ito. "Don't think highly of yourself Happy." Tapos tumingin ito sa dibdib ko. Oo, flatchested ako and then he smirked "Maraming babae diyan who I can bed and besides I'm only helping you."

Naginit ang ulo ko sa sinabi ni Rokusho. Flat chested na nga ako pero bakit kailangan niya pang ipa-mukha sa akin? Nagtimpi ako ng galit ko. Huminga ako ng malalim.

"No. Never. Hindi ako uto-uto. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo."  Inis kong sabi sa kanya and I turned my back to him.

"Pagisipan mong mabuti Happy. Tandaan mo you can’t write anything without my help." Narinig kong sabi nito ng paalis na ako ng bookstore.

❤❤❤❤❤

Palinga-linga ako habang kumakatok sa pinto ng bahay ni Rokusho. Sinisiguro ko na walang makakakita sa akin. HIndi ko kasi sinabi sa parents ko ang totoo. Ang paalam ko ay mag-i-sleepover lang ako sa bahay ni Simplicia kaya agad pumayag ang mga ito.

The Art Of Being HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon