Panganim na Arte - Stuck With You

165 8 23
                                    

"Arrg! Ayoko na! Bakit ba kita kasama ngayon?" Tumingin ako kay Rokusho. Nandito kami ngayon ni abnormal naglilinis sa rooftop. I can't believe na dahil sa kanya ay nandito ako ngayon. Tinatamad nga akong linisan ang kwarto ko eto pa kayang napakalaking pesteng rooftop na to

.

"Kitten, hindi ka ba masaya? Isang Rokusho Choi lang naman ang kasama mo. You are with the most sexiest man  on earth." He smiled

"Alam mo nung nagsabog ang Diyos ng kayabangan at kakapalan ng mukha, gising na gising ka. Sinalo mo lahat eh." Binato ko sya nang walis at nakailag naman ito.

He laughed.  "Kitten, I'm not conceited. I'm just stating a fact. Nakita mo to?" Itinaas nito ang t-shirt nito sakin. "This is abs, kitten."

Lumaki ang mata ko at napanganga ako. Shem! 1 2 3 4 5 6! Six pack abs! Grr.. Ang yummy! Pwede ko bang mahawakan yon?

"Close your mouth happy, I can see your drool over here." He grinned.

Natauhan naman ako sa sinabi nito. Pinunasan ko naman ang bibig ko. Wala naman laway aa.

"Ang kapal mo talaga! Hindi ako tumingin noh. Ano bang meron dyan? Ang kapal mo!"

Yeah Happy, maging denial queen ka. Kahit totoong gustong gusto mo na siya sunggaban.

God, ano bang nangyayari sa akin? Kelan pa ko nagkaganito? Kasalanan talaga ito ng abnormal na ito eh. Nagiging active ang hormones ko dahil sakanya.

"Whatever you say, Kitten. Give it time lalapit ka din sakin" at tinalikuran ako nito.

"Aba! Kapal aa! Hoy, never kong tatanggapin yun!" Hinabol ko naman ito at nadapa ako sa harap niya. Napahawak ako sa hips nito. Nakaluhod ako ngayon at nakaharap sa alaga nito.

"Wow, Happy nag-le-level up ka na. Kung yung ibang babae they just ask me out but you, your throwing yourself at me. Hindi mo naman kailangan gawin yan. Oo, lagi ang sagot ko sayo." Tumatawang sabi nito.

Naginit ang mukha ko sa sinabi nito. Pwede na ba akong lamunin ng lupa? "Hoy, ang kapal mo natapilok lang ako sa bato tapos napakapit ako sayo. Hindi ko gusto maharap sayo. Ayun ouh, tignan mo yung bato." Tuloy tuloy kong sabi tumayo na din ko baka isipin nito na obssesed ako sa kanya.

"You're too defensive kitten." He still has his naughty smile.

"Hindi ako defensive nagpapaliwanag lang and what's with the kitten thing?"

asar kong tanong dito.

"Secret!" Then he winked.

"Secret? Anong secret ka dyan. Mr. Choi hindi ako mukhang pusa. Hindi ako isang mabalahibong nilalang. Hindi ako pang Moon of Desire!"

"Jeez, Happy what are you talking  about? Sinabi ko lang na secret kung anu-ano na ang sinabi mo. Seriously,  you think too much kitten." Umiiling na sabi nito

The Art Of Being HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon