chapter 2

2 1 0
                                    


Deecy POV

it's weekend today which means its my day off and I'm planning to spend it staying in bed..sumasakit ang mga muscle ko sa dragon nayun!, buong araw niya akong inuutusan at isa pa dun ang sangkatutak na files na pina asikaso ng demonyong dragon nayun sakin!..

Ng makaramdam ako ng gutom ay tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain,bagsak ang balikat ko ng mapagtanto kong hindi pala ako nakapag grocery dahil sa sobrang busy ko!..

Nakakatamad talaga pag weekends..

At kahit tinatamad ako ay napagpasiyahan kong lumabas para pumunta sa mini mart na malapit lang dito, kinuha ko ang wallet ko at lumabas na..

Habang naglalakad ako ay may bigla nalang humarang na grupo ng kalalakihan sa daraanan ko na ikinasalubong ng kilay ko..

"Excuse me.."sinubukan kong maging kalamado sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon lalo na't walang masyadong tao sa paligid..

"Naliligaw kaba miss?"inis akong napatingin sa walang utak na nagtanong nun!, pinilit ko paring maging kalmado at pilit na naghahanap ng paraan para mapaaalis ang mga ugok nato..

Gutom ako!, wag niyo hintayin na kayo mismo gawin kong adobo!..

"Tara miss.."aakmang hahawakan ako ng isang lalaki pero nagsimula ng maginit ang ulo ko sa pagmumukha nila, agad ko itong sinipa sa dibdib dahilan para mapaupo siya sa lupa.."tarantado ka ah!"

"Pangit mo ah!"sagot ko naman sa kaniya na ikinainis nito!, tinulungan ito ng kasama nito na kamukha ni spongebob!..

Maglalakad na sana ako paalis ng may humawak sa kanang braso ko ng mahigpit dahilan para maging alerto ako at sikohin ang tiyan niyang wala namang abs!, nabitawan niya ako napahawak sa tiyan niya..

"Lumalaban brad!"

"Gago, alangan naman hindi!"sigaw ko sa ugok na ubod ng kapangitan!, sumugod ito sakin at aakmang sasapakin ang maganda kong mukha pero nakailag ako at sinapak siya!..

"Ahhhh!!"sigaw ng isa pa habang pasugod sakin, dalawa nalang silang natitira at dahil kumukulo dugo ko sa mukha nila ay sinipa ko ang isa sa ano...ano...ang Banana niya!, napadaing ito at napaluhod sa sakit habang ang isa naman ay sinapak ko at dahil payat ito ay sumalpak ito sa lupa..

"Pakyu!!! Mga ulol!..hmpp!" Sigaw ko pa at inambangan ng sapak ang isa na parang natakot pa!..

Agad akong naglakad patungo sa mini mart at hindi na tinignan pa ang mga nakaaway ko kanina..wag kasi ako aawayin pag gutom..

Ng maabot ko ang mini mart ay pumasok na ako at bumili ng pagkain,nagutom ako ng husto dun!..

Habang binabayaran ko ang mga pinamili ko ay may bigla nalang kumalabit sakin dahilan para mapatingin ako dito.

"Hey weird girl!.."bati ni hapon sakin at ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at kinuha ang dalawang celophane na naglalaman ng pinamili ko..

"Yoww japanese men!!"sambit ko naman sa kanya at natawa naman ito. Saglit lang nitong binayaran ang ice cream na kinuha niya at sumunod sakin palabas.

"Oh ngayon lang kita nakita dito ah!.."ako habang naglalakad kami, matagal tagak nadin akong nakatira dito at hindi ko man lang siya nakita..

"Oh! Nag jogging kasi ako dito..at naisipan kong dumaan sa minimart"pagpapaliwanang tumango tango naman ako.

"Hey weird girl, di ko pa alam ang pangalan mo.."

"Kasi hindi mo naman ako tinanong!.."sigaw ko sa kanya!, natawa nalang siya habang nakatingin sakin naghihintay na sabihin ko ang pangalan ko.

That boyish secretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon