"Bakit hindi ka naka Black shoes?" tanong sa akin ni sir. Sasagutin ko sana yung tanong niya ng nagsalita ulit siya "Pakiramdam mo ba ay kakaiba ka kapag hindi ka nag black shoes?" bubuka ko na sana yung bibig ko para sagutin ang tanong niya pero "Hindi ka ba marunong sumunod sa patakaran ng paaralan?"
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumigat yung pakiramdam ko 'nung nagtanong siya at 'Di ako makasagot kung ano ang dahilan.
Inalala ko kung bakit hindi ako naka black shoes ngayong araw at bakit tanging mga paa ko lang ang aking dala-dala. Kulay gatas ang unipormeng suot-suot ko ngunit may mga bakas ng putik at mga dumi na hindi ko mawari kung saan nagmula. Ang aking kinauupuan ay naka pwesto sa gilid ng bandang likuran. Mayroon akong dalawang katabi na parang hindi maipinta ang reaksyon ng kanilang pagmumukha ng biglang nagsalita ulit si sir. "Saan ka nanggaling at bakit hindi ka nagsasalita?" nagulat ako ng biglang may luhang pumatak mula sa kaniyang mata. Ang aking mga kamag-aral ay nakatitig lamang kay sir at ni hindi makatingin sa akin dahil siguro nakaaawa ako. Ngumiti nalang si sir sa akin nang ilang minuto ang lumipas ay hindi ko pa rin masabi kung bakit hindi ako naka Black shoes. Bumalik siya sa harapan ng klase na may halong kalungkutan sa kaniyang mukha. "Sabi ko naman kase sa inyo class, alamin niyo kung nasaan yung black shoes niya e" sabay turo sa kinaroroonan ko.
Isang kaklase ko ang tumayo at nagsalita "Sir, isang taon na ang nakalipas simula ng mawala yung black shoes niya" "Sir, isang taon na rin kaming natatakot sayo" ngumiti si sir at nagtanong "Bakit?", tahimik lang ang buong klase ng biglang "Sir, isang taon na pong patay si Gel mula ng makita ang bangkay niya sa bukirin"
Ganon,
"Nasan na ba kase yung Black shoes ko"
BINABASA MO ANG
Black Shoes
Mystery / ThrillerIsa itong maikling kwento na binibigyang diin ang isang guro at mag-aaral