"Gel baka makita tayo ni sir" sabi nang bestfriend kong si Tine.
"Sandali lang ito, ilalagay ko lang sa drawer niya yung sulat ko" sabi ko.
1 year ko ng hinahangaan si sir, crush ko siya simula noong Grade 11 palang ako. Pogi siya, palatawa at mabait yung tipong parang wala siyang problema. Napaka happy-go-lucky naman niya samantalang ako ay tila katapusan na ng mundo kapag nagdamdam sa problema.
"Gel, ano ka ba, hindi ka niya papansinin kase babaero daw yan" "Ano ka ba Tine, papansinin niya ako kase babaero nga siya e" natawa lang kaming dalawa sa mga batuhan namin ng salita.
Dahan dahan kong nilagay yung sulat sa drawer ng desk niya at umaasa na mababasa niya, excited ako noon. Kapag nakikita ko siya pakiramdam ko ang saya ko. Isa siya sa mga dahilan kaya bumabangon ako sa umaga. In love yata ako kay sir at feeling ko nababaliw ako kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. I stalked him. Mula sa social media niya hanggang sa mga schedules niya. Galit ako sa nga babae niya.
"Good morning class" "Goodmorning sir" tindig palang ni sir ay kagalang galang siya. Hindi maikakaila na maraming nagkakagusto sa kanya. Pasimple kong kinuha yung cellphone ko at kumuha ng kanyang litrato, ipiprint ko ito at isasama sa mga koleksyon ko ng pictures niya.
"Alam mo Gel, natatakot na ako sayo. Obsessed ka na kay sir" "Ano ka ba Tine, crush ko lang siya pero tignan tignan mo ako ha kase pakiramdam ko rin nababaliw na ako" alam ko sa aking sarili yun, hindi na ako healthy, hindi na ako makatulog at si Sir lagi ang iniisip. Hindi na rin nakakakain ng maayos kase lagi nalang akong nakatambay sa social media accounts ni sir. Creepy ko, takot na rin ako sa sarili ko.
6:00pm, naglalakad ako pauwi sa bahay. Medyo malayo layo pa ang bahay namin mula sa school pero nilalakad ko nalang kase sayang naman ang pamasahe, ang mahal kase maningil ng mga tricycle driver kapag mag-isa ka lang. "Gel" si sir. Nakasakay sa motor at tumigil ng tinawag ako. Bumaba siya at lumapit sa akin. "Bakit po sir?" "Tungkol doon sa sulat na nilagay mo sa desk ko" nag-init ang pisngi ko pagkatapos ng sinabi niya. "Sir, gusto kita" walang excuse kong sinabi sa kanya dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako kapag hindi ko pa sinabi sa kanya. "Alam mo namang hindi pwede di ba" "pero sir,ikaw ang gusto ko" "Mag-aral ka nalang mabuti Gel tsaka ayoko ng ma isyu" "Pero sir, ikaw lang gusto ko" Sumigaw ako at unti unti ng lumandas ang luha sa mga mata ko, ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Sumasakit ang ulo ko at nagagalit ako.
Mabilis niya ako hinila at lumagpas na kami sa kalsada at napadpad sa bukid. Madilim na at malayo na kami mula sa kalsada. Nagpumiglas ako at sumigaw ng sumigaw "Bakit ayaw mo sa akin? Sabi naman nila babaero ka ha! Di ba?" "Huminahon ka Gel" hindi na alintana ang mga putik na lumandas sa aming mga uniporme "May girlfriend na ako Gel" hindi na nakayanan ng isip ko lahat ng sinabi niya. Kinuha ko ang blade mula sa bag ko. Malalim kong sinugatan ang pulso ko sa kanang bahagi gamit ang kaliwang kamay ko. Hindi ko alintana ang sakit dahil mas masakit pa ang nararamdaman ng puso ko. Gulat na gulat si sir sa nakita niya at natulala na lamang ng humandusay ako sa putikan at hinahayaang maubusan ng hininga.
Baliw na nga ako.
Napag-alaman kong natagpuan ang katawan ko sa bukirin. May sugat sa kanang pulso ngunit hawak ang panugat sa kanang kamay at nawawala ang itim na sapatos. Pinalabas ni Sir na may pumatay sa akin. Nakahihiya nga namang sabihing nagpakamatay ako. Naiintindihan ko si Sir pero natatakot ako para sa kanya. Maaari siyang mapagbintangan na pumatay sa akin dahil nasa drawer lang naman niya yung black shoes ko at ito naman ang plano niya. Ang palabasing pinatay niya ako at hindi nagpakamatay. Naalala ko pa ang huling sinabi niya.
"Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo kaya yung gusto mo ay sisirain mo."
BINABASA MO ANG
Black Shoes
Mistério / SuspenseIsa itong maikling kwento na binibigyang diin ang isang guro at mag-aaral