Kabanata 4

24 0 0
                                    

17 siya at 28 ako.
"Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo kaya yung gusto mo ay sisirain mo" may halong pait sa boses ko matapos masambit lahat ng iyon. Hindi ko akalain na magagawa niyang tapusin ang buhay niya sa ilang saglit lamang.
"Gel Vega" tumayo siya ilang saglit lang. May mahaba siyang buhok, maputi ang balat, katamtaman lang sa tangkad at may mapupungay na mata. Maganda.
Kung titignan ay mahinhin at mahiyain.
"Hello, ako si Gel Vega, 17 at gustong maging isang doktor balang araw" ngumiti siya at umupo matapos magpakilala.
Hindi na ako nagulat sa sulat na natagpuan ko sa aking drawer dahil sulat kamay pa lamang niya ay mahahalata mo na. Madalas ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin. Madalas ko rin siyang nakasasalubong na sa tingin ko'y paraan niya lang upang mapansin. Hindi siya mahirap magustuhan dahil bukod sa maganda siya ay hindi rin siya pahuhuli pagdating sa pag-aaral. Beauty and Brain sabi nga nila.
Ngunit, pagkatapos kong makita na humandusay siya dahil sa matinding pagkakasugat niya ay nabago lahat. Hindi siya nag-isip dahil dali-dali niyang pinag-planuhan lahat. Hindi niya nakita ang bukas at hindi siya nagbalik tanaw sa nakaraan. Parang isang lobo lang ang buhay niya dahil napakadali niya itong bitawan.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko'y mababaliw na ako pero hindi nawala sa isip ko ang magiging paghusga ng mga tao ukol sa ginawa niya. Mabilis kong inilipat ang panugat sa kanang kamay niya at kinuha ko rin ang itim na sapatos niya upang may makitang ebidensiya sakaling imbestigahan ako. Kung hindi ko man siya naligtas sa pagkakataong iyon ay siguro maliligtas ko naman siya sa paghuhusga ng mga tao. Mali man para sa iba ngunit konsensiya ko na ang may pasya.
"Bakit itinatago mo ang black shoes ni Gel?" nagulat ako sa tanong niya.
"Alam mo, hindi na matutupad lahat ng plano mo Martin dahil alam ko ang totoo at sa katunayan ay sinabi ko na sa mga magulang ni Gel ang nangyari, lahat lahat at hindi na din sila nagtaka. 2years ng nagtatangka si Gel na tapusin ang buhay niya. Pakiramdam niya ay katapusan na ng lahat. Hindi siya kumakain at hindi nakatutulog. Tulala siya pero umiiyak lagi. Ayaw niyang makipag-usap sa mga magulang niya at totoong kakaiba siya pagdating dito sa school. Minsan pa nga ay sinabi niya sa mga magulang niya na ipa lethal injection siya na sobra nilang ikinagulat. Ilang beses na siyang ikinukonsulta sa psychiatrist at lagi nalang walang epekto sa kanya. She can't handle her emotion. Masyado siyang maramdamin at malungkutin. Depress siya at pinatay siya nun" habang matimo akong nakikinig sa kanya ay bumubuhos na din ang mga luha niya. "Sobra siyang nasasaktan kaya kahit nakikita kong lumalagpas na siya sa pagiging normal ay basta masaya siya, hinahayaan ko. Kaya hindi mo maitatago na nagpakamatay siya. Hindi matatago ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Huwag mong sisihin sarili mo. Magpagaling ka rin ha, Martin." naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko mula sa aking mata. Paano natago ng babaeng ito lahat lahat para lang sa kaniyang bestfriend. May pagkakataon din sigurong hiwalayan ako nito para lang sa bestfriend niya. Siguro nga. "Sige sir, salamat po sa payo niyo" nagbago ang emosyon niya at lumabas na ng classroom ng tumunog ang bell.
Siya si Tine, ang bestfriend ni Gel at girlfriend ni Sir Martin.

W A K A S

Black ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon