Confession
Kurt's Pov
Siguro naman kilala nyo na ako. Sinabi ba sa inyo ni Sheki na crush nya ako? Well, ganon din naman ako sa kanya. Actually hindi ko lang sya crush kasi mahal ko sya. Nagsimula to nung Grade 10 kami. Natatakot akong manligaw sa kanya kasi crush lang naman nya ako and feeling ko si Zane ang mahal nya. Baka mabusted pa ako.
Dahil weekend ngayon, as usual dun kami matutulog kila Sheki kase uuwi yung mommy nya. Overnight ganon. Sanay na kami sa ganto kase every weekend namin tong ginagawa. Napag isip isip ko na rin na ito na yung right timing para umamin ako kay Sheki. Kase walang mangyayari kung itatago ko na lang to habang buhay. Baka de pa ako makapag asawa. Hahahahaha!
I took my cellphone on my pocket at dinial ang number ni Zane. Kailangan ko ng tulong nya para makagawa ng plan. And kung paano ko rin liligawan si Sheki.
Yo! Napatawag ka? Sabi ni Zane sa kabilang linya
I need your help. Are you free?
Kilangan kong makausap si Zane ng personal para mas malinaw yung plano namin.Oo naman! San ba?
Sa t****u cafe.
Inend ko na yung call at agad na nagbihis para pumunta na sa Cafe.Pagkarating ko sa Cafe nakita ko agad si Zane na nakaupo sa medyo tago malapit sa window. Kumaway sya sakin kaya pumasok na agad ako sa loob.
Oh, ano ba yung tulong na drama mo? Natatawa tawa pa sya habang simasabi nya yan
Alam mo naman na may gusto ako kay Sheki diba? Kase sayo ko lang naman sinabi. Pagpapaliwanag ko
Oh ano nga? Sumandal sya sa upuan.
Order muna tayo. Tinawag ko na ang waiter.
Habang hinihintay namin yung order namin sinabi ko na kay Zane yung naisip kong plano.
Anooooooooooooooo???
Tinakpan ko agad ang bibig nya kase nakatingin na lahat ng tao sa amin. Makahiya!
Hinaan mo nga yang boses mo. Yes, I want to court Sheki at alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin. Sabi ko.
Okay, medyo na slow ako don. So mamaya kana aamin sa kanya? Tanong nya.
Baka kase maunahan pa ako ng iba. Basta yung pinag usapan natin ha? Pag uulit ko pa.
Sige. Kuntyabahin ko silang lahat.
Nag apir na kami at umalis na sa Café para makapag gayak na.
This is it! Wala ng atrasan to. Aamin na talaga ako.
Zane's POV
Hindi parin ako makapaniwala na aaminn na si Kurt kay Sheki. Oo alam kong gusto nya si Sheki, pero hindi ko naman inexpect na aabot agad sa ganto. Pero wala na akong magagawa. Pumayag naman na akong tulungan si akirt kahit medyo labag sa loob ko.
Oo, labag sa loob ko kase bestfriend ko si Shekinat ayokong makitang masasaktan lang sya. Ayokong isa sa mga malalapit kong kaibigan ang mananakit sa kanya dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko sa taong yun sa oras na saktan nya si Sheki.
Nandito kami nila Joseff sa garden nila Sheki. Umalis si Sheki para sunduin ang mommy nya sa Airport.
Sila Miley, Mika naman ay nag dedecorate na para sa gagawin namin mamaya. Si Dennise at Mike naman nag babake ng cakeat nag luluto kase sila lang naman ang mahilig mag luto at mag bake sa aming lahat. Di hamak na mas masasarap ang gawa nila kesa sa mga binibili namin o nasa restaurant. Hindi ko nga alam sa kanila kung bakit hindi na lang din sila magtayo ng restaurant dito tiyak naman na dadayuhin iyon ng mga tao dahil sa mga luto nila. Kesyo bata pa raw sila. Study first lang daw muna.
YOU ARE READING
His letter (On Hold)
RomancePaano kung ang nag papadala pala sayo ng mga letters ay kakilala mo at hindi ang ineexpect mo? Paano kung mainlove ka sa taong nag papadala ng letters sayo at hindi ang taong inaakala mo? Read this story for those who are curious 🙂 -Dwightyji