Chapter V

2 0 0
                                    

Kurt or William?

Kurt's POV

Nabalitaan kong kinulong nung bruhang Dianne na yon si Sheki kaya agad agad akong pumunta ng clinic kasi sabi nya nandun sya.

Pagkarating ko sa clinic agad kong nakita si Sheki na nakaupo sa isa sa mga bed doon dahil bahagyang nakabukas yung pintuan.

Papasok na sana ako ng bigla kong makita si William na masayang nakikipag kwentuhan kay Sheki.

Ano na naman bang balak nya? I know him!

Sheki! Tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa Clinic

Oh Kurt! Nandyan kana pala. Sabi ni Sheki

Ayos ka lang? Nag aalalang tanong ko

A-ah oo ayos lang. Buti na lang nandon si William kaya tinulungan nya akong makalabas. Pag papaliwanag nya.

Damn William! Alam kong may pinaplano ka. Tiningnan ko sya at nakangisi lang sya sakin.

I know you plan this William. Sabi ko at sinuntok sya kaya agad syang napatumba sa sahig.

Oh my! Tili ni Sheki.

Ano bang pinag sasasabi mo Kurt? Ako na nga tong tumulong. Sabi nya na nag papaawa.

Sinuntok ko ulit sya dahilan para mapahiga na naman sya sa sahig. Damn you William.

That's what you did 3 years ago! Tumulong ka kasi may kapalit. At ano? Ilalayo mo din sakin si Sheki ganon? Aagawin mo din sya? Sigaw ko

Hindi ko na talaga napigilan. Nanggagalaiti talaga ako sa galit.

----FLASHBACK----

Kurt si Vivien kinulong daw ni Dianne sa likod ng school. Naaa Clinic na sya ngayon. Sabi ni Fryx na hingal na hingal. Siguro nag tatakbo sya papunta dito.

Ano? Nag tatakbo agad ako papunta sa Clinic at iniwan si Fryx na nakatayo doon.

Pagkarating ko sa Clinic nakita ko silang dalawa ni William na nagtatawanan.

Ayos ka lang? Tanong ko pagkapasok ko.

Ayos lang ako. Buti na lang tinulungan ako ni William. Nakangiting sabi nya.

Tumingin ako kay William ngunit nakangisi lang sya. Kaya hinila ko na palabas si Vivien.

T-teka nga! Bakit ba bigla kana lang nanghihila dyan? Hindi manlang ako nakapag pasalamat dun sa tao. Inis na sabi ni Vivien.

Hindi mo kilala si William. May kapalit ang pagtulong nya sayo. Sigaw ko

Kapalit? Alam mo Kurt, hindi porke magkaaway na kayo eh idadamay mo na ako. Maganda ang pakikitungo sakin ni William. Alam kong mabuti syang tao. Sabi nya at tsaka umalis.

His letter (On Hold)Where stories live. Discover now