"Pagkukumpara"(oneshot)

144 6 1
                                    

"Reya, ano toh ha?! Bakit ang baba ng mga grades mo?!" Tanong ni mama sa pasigaw na boses at sabay inihagis ang card ko sa sahig na siyang dahilan upang mapayuko ako.

"P-pasensya po ma" nanginginig sa kaba kong sambit

"Anong pasensya ha?! May paglalagyan ba yang pasensya mo dito sa grades mo para tumaas?!" Sabi ni mama.

Mataas na yung grades na iyun para sa'kin pero Kasi may 88 yun lang ata yung tinitignan niya kaya okey lang ang importante alam Kong proud si papa kung andito lang siya.

"Ano Reya! Wala kang paliwanag? Mabuti pa yung anak ni kumare, yung si Joyce! Sus napakatalinong bata, minsan gaya-gayahin mo yung batang iyun!" Sambit ni mama na may halong panliliit ng mga mata na animoy gustong-gusto niyang higitan ko ang anak ng kanyang kumare.

"S-sorry po ma, babawi po ako sa susunod" sambit ko tsaka pinulot ang card Kong nasa sahig at umalis sa harapan niya.

Yan lagi ang paborito niyang linya, ang gayahin ko ang iba, na mas mabuti pa.

Si ano, si ganyan ,kaya minsan nakakairita na kung kaya't umaalis na lang ako para Di ko masagot-sagot si mama, pagod na Kasi ako sa pagkukumpara niya, pagod na'kong makinig na mas magaling pa siya kesa sa'kin...

~ ~ ~

"Ang ganda ng mga bituin, kumikinang silang lahat kahit na ang iba ay Di ganun ka liwanag pero maganda padin silang tignan, sana isa din ako sa mga bituing yan" sabi ko habang nakikinig lang ang kaibigan Kong si Jezel.

"Andyan din kaya si Papa?" Tanong ko
"Woi, cheer up lang bhe tsaka Oo andyan yung Papa mo binabantayan, tinitignan at nakikisabay din sa kung ano ang nararamdaman mo kaya dapat ngiti ka na para ngumiti din si papa mo" pampalubag loob ni Jezel...

~ ~ ~

"Ma?!" Tawag ko Kay mama.

"Bakit ginabi ka ?!" Pambungad ni mama sakin.

"Galing po Kasi ako sa kaibigan ko, g-gumawa po kami ng––" Di ko natapos ang dapat Kong sabihin ng binasag ni mama ang basong iniinuman niya kanina.

Tragic StoriesWhere stories live. Discover now