"Birthday"(oneshot)

75 3 0
                                    


Umiiyak na naman si Mama sa kaarawan ko, sa twing sumasapit ang ika-sampu ng Hunyo lagi ko siyang nakikitang lumuluha.

Minsan naiisip ko na baka pagod lang si Mama o Di kaya may malalim na naman siyang problema kaya minsan umaalis na muna ako para makapagpahinga at makapag-isip siya. Pero pagkatapos nun bumabalik ako para pasiyahin siya pero nakatulala na naman siya at nakatingin sa malayo kaya umuupo nalang ako sa tabi niya para naman kahit papano Di niya maramdamang nag-iisa siya...

~~~~

Sa araw na'to ay sampung taong gulang na ako,gustong gusto Kong magdiwang pero parang d nmn ata tama kasi kung titingin ako sa direksyon ni mama,d ko magawa-gawa dahil umiiyak na nmn sya sa sulok ng kwartong toh.
Palagi nlng ganito ang set-up naming mag ina sa twing kaarawan ko.Minsan nakakatampo pero dapat nlng cgurong intindihin si mama...

~~~~

Gusto kong yayain si mama na gumala sa park,gusto ko sanang pumasyal kasama sya,Lumilipas kasi ng kay bilis ang oras at nararamdaman ko na para bang d nya ramdam ang aking presensya.Pero may mga oras din nmng tatawagin nya ako o kaya nmn kakausapin.Gusto ko syang yayain para kahit papano bumalik ang ngiti nya.Nilapitan ko si mama at umupo sa tabi nya habang sya umiiyak at may hawak na litrato.
"Ma,pwd po ba tayong lumabas?" Pagtatanong ko
"A-anak ko"sambit ni mama habang humihikbi " ma,maaari po ba taung lumabas?" Pag-uulit ko "A-anak pasensya na ha,sorry kung nagawa ko yon,sorry kung d kita napagbigyan noon,sorry kasi ng dahil sa katangahan ko,sa pagiging selfish ko d-di mo nara-naranasang masilayan ang mundo,d mo naranasang masilayan ang pagsikat at paglubog ng araw.N-nak kung nabubuhay ka man sana ngayon,ito ang ika-labing tatlo mong kaarawan,kung Sana sinakripisyo ko ang pag aaral ko,kung Sana d ako naging duwag,kung sana pinag isipan kong mabuti,kung Sana lahat ng Sana ko at ginawa KO bka buhay kpa ngayon,k-kung sana'y buhay kpa d lng itong litratong toh ang hawak ko
Itong litratong toh na nagpapaalala sa'kin na nasa sinapupunan kita noon.Nak Sana p-patawarin mo si mama,s-sana okey ka lng dyan sa tabi ni papa GOD" Hangos ni mama hanggang makatulog sya.

~~~
May mang ilang ilang butil ng luha ang pumatak saking mukha
Hinalikan ko sa noo ang aking Ina
At bumalik saking alala na ako'y isang kaluluwa nlng pla

"Paalam Ina,mag ingat ka"
Mga katagang binitawan ko sa mismong araw ng kaarawan ko...

(Thank you for reading my pupil...sorry if it's lame ha,baguhan kasi😊hoping na patuloy pa din katong mag basa)

Yourdarkeye

Tragic StoriesWhere stories live. Discover now