Kung pwede lang maging bata muli ay mas nanaisin ko ito ngayon. Yung mga panahong walang problema. Yung puro cartoons lang ang iniisip mo. Kung mapapatay na nga ba ni San-goku si Majimbu?. Kung anong gamit na naman ang kayang ilabas ni Doraemon sa kanyang bulsa. O kung mananalo na ba si Naruto kay Sasuke?. Sana nga, may ganun rin sa totoong buhay. Na pwede mo lang liparin ang pagitan ng mga dagat at lupa maging ng kabilang mundo kapag nabigo ka. Na pwede mo lang gamutin ang naging sugat ng nakaraan sa pamamagitan ng isang ihip lang. Subalit alam kong ilusyon lang ang mga iyon. At hinding hindi mangyayari ang mga ganuon sa totoong buhay. Kahit pa siguro magpatiwarik ako o kung anu pa man.
"Gutom ka na?.." bumalik sa reyalidad ang huwisyo ko ng magtanong sya.
Nakabaluktot pa rin ako. Nasa tuhod ang baba habang yakap ang mga tuhod. Nasa gilid ko lang rin sya. Nakapatong ang isang paa sa sofa habang ang isa ay nakadantay sa baba habang nakaharap sakin.
(Gets nyo?.
Tsk. Bahala na kayo mag-imagine. Haha.)"Magluluto ako. Kumain ka ha.." anya bago tumayo papuntang kusina.
Ano kayang naisip nila Mommy lalo na si Daddy upang gawin sakin ito?. Akala ko pa naman kakampi ko sila?. Yun pala ay hinde.
Napayuko ako sa sariling isipin. Hindi pa rin mawala ang mga katanungang bumabagabag sa akin. Para itong mga sirang plaka. Nakakasakit na sa tainga.
"Ano palang gusto mong kainin?." Lumabas muli ito at nagtanong.
"Wala akong gana.." walang lakas kong sagot. Inubos na ng utak ko, kakaisip.
"Pero kailangan mong kumain, Maliyah.." dinig ko ang kanyang mga yabag na lumapit sa aking gawi.
Hindi ako tumugon.
"Hindi ko ibibigay ang underwear mo kapag hindi ka kumain.." nang marinig ang salitang 'underwear' ay agad akong napatayo. Oo pala. Wala akong suot!. Lintik na lalaki!!!..
"Bwahahahaha!.." napatakbo agad ito pabalik ng kusina ng makita akong tumayo.
Walanghiya!. Puro kamanyakan ang nasa isip.
Ano ngayon ang gagawin ko?. Wala akong dalang ganun. Pesteng buhay nga naman ito!.
Wala na naman akong magawa ngayon kundi ang pakisamahan ang taong hawak ang nag-iisang gamit ko.
Naglakad akong papuntang kusina. Pero bago iyon, hinanap ng aking mata ang damit ko. Kaso wala. Malinis ang bawat sulok. Saan kaya nya nilagay ang mga iyon?.
"Nasaan yung damit ko?.." tanong ko pagkapasok palang ng kusina. Nakita kong naghihiwa na ito ng karne.
"Tinapon ko na.." anya na may malaking ngisi sa kanyang labi. Kaya ako nainis ng husto.
"What?!..""Chill lady. Ipapakita ko iyon sa'yo kapag tapos ka ng kumain.." nagkibit pa ito ng balikat bago nagpatuloy sa ginagawang paghiwa ng hilaw na karne.
Sa inis ko, tinikom ko nalang ang aking bibig upang di na makapagsalita pa ng masama. Pagod na akong makipaglaro.
Naupo ako sa high stool sa bar counter ng kanyang kusina at nangalumbaba.
Panay tunog lang ng kutsilyo at mga kalansing lang ang naririnig sa amin. Inaantok na akong maghintay.
"Gutom ka na ba?.." tanong muli nya matapos ang napakahabang katahimikan.
Hindi na naman ako tumugon.
"Konting antay lang. Madali lang naman maluto itong adobo.." parang biglang nagkaroon ng buhay ang kanina pang patay na kaluluwa ko.
"Adobo?!.."Nginitian nya ako at tumango.
Kaya napabalik sa ayos ang dating kunot na noo ko kanina.
"Yan. You look good when you're okay.. hahaha.."
"Whatever!.. don't talk to me.." iritado kong sabi. Humagalpak lang sya ng tawa.
"Tologo?. E pano ka na ngayon kung di mo ako kakausapin?. Forever no underwear ka na ba?.."
Binato ko agad sya ng mansanas. "Bwahahahaha!!.." tawa pa nya ng masalo ang mansanas.
Badtrip!.
"Wala na bang ibang lalabas dyan sa bibig mo kundi kabastusan?.. walanghiya!.." galit ko syang tinitigan. Tinalikuran nya lang ako saka tumango habang tinitignan ang niluluto.
"Kailan ko makukuha ang kwintas?.." wari ko matapos huminga ng napakalalim para mabawasan ang inis sa kanya.
"Kapag ready ka ng ibigay ang favor ko.." seryoso nyang sagot. Dinungaw pa ako ng napakalapit sa mukha.
Lintik na lalaki!..
Pinaikutan ko sya ng mata. Wala na bang iba?.
"Pwede bang mag-isip ka ng iba pang pabor?. Hindi yung ganun. Ayoko nang mga ganun. Blue.." binanggit ko ang kanyang pangalan ng maayos. Yung tipong makukumbinsi ko sya.
"Ano pa bang iba?. Wala na akong ibang maisip Maliyah e." Humawak ito sa kanyang baba na para bang nag-iisip pa.
"Basta mag-isip ka ng iba. Please.." pagmamakaawa ko. Napatingin naman ito sa akin dahil nagmakaawa talaga ako sa kanya. Magkalapat ang dalawa kong kamay at nasa noo ko pa.
Napatayo ako ng maamoy ang niluluto nyang adobo. Ang bango!.
"Marry me.." maikli nyang sagot. Kaya nabaling sa kanya ang paningin kong nasa kaserola kanina.Marry him?!. What the!.. Mas malala naman yun!. Gosh!. What am gonna do?.
"You choose?. That's your only option.." ramdam kong natulala ako ng bahagya. Wala na akong takas kapag nangyari yun. Kaya di pwede!.
Dejavu?..
No way!.
"Fine..." putol ko sa aking sasabihin.
"What did you just say?!.." gulat nyang tanong. Lumapit pa sya ng ilang agwat sa akin.
Ako naman ang ngumisi ng malaki.
He's playing. So why don't I?.
I was once an ace player. I love playing. So, I'll give him the best game that he'll ever have."Ang sabi ko, sige. Iyong iyo na yung kwintas.."
Matapang kong sabi sa mismong mukha nya.Matapos nya kasing lumapit sa akin kanina ay mas lalo pa itong lumapit sa mukha ko. Kulang nalang maduling ako.
"Sigurado ka?.." naaamoy ko na ang hininga nyang mabango. Amoy menthol!. Ang lamig!.
Tumango lang ako.
"Sigurado ka na bang hindi mo na yun kailangan?. Baka hanapin nya yun sayo?.." dinig ko kahit binulong nya pa ito ng napakahina.
Sino kayang tinutukoy nyang nya?. Imposible namang ang nasa isip ko ay sya nga.
Weird?!.

BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (SGSeries 2)
Romance( W A R N I N G!.) (STRICTLY FOR 18 & ABOVE ONLY. IF NECCESSARY, FOR OPEN MINDED only!..) Do I desreve someone better than me?.. -Maliyah Jane Sarmen's inside story. From Sitio Galiw. Read at your own risk. Thank you!.