Chapter 55

69 2 0
                                    

Nakatulog na si Sky nang makarating ng bahay. Binuhat sya ni Green noong bumaba ng sasakyan. Sumunod sa kanya si Grey.

"Welcome home ate.." bati sakin ni Ryu noong nasa labas na sya ng sasakyan. "Thank you Jin.." inalalayan nya akong bumaba. Hinawakan ang kamay ko. Been years. It feels like home. Huminga ako at nilanghap ang hangin na matagal ko nang di nalalanghap. Parang ang bilis ng panahon. Feeling ko, kahapon lang nangyari ang lahat. Tiningala ko ang kabuuan ng bahay. Yung dating puti na may halong krema ay naging pink na ito na hinaluan ng itim sa maliit na detalye ng bahay. Tulad ng sa molding sa bintana, sa senefa. Purong itim ito. Ngayon ko lang napangtanto na maganda pala ang kombinasyon ng black at pink. Ang gate naman ay itim ang malalaking railings habang ang mga bulaklak sa gitna nito ay pink rin. Pakiramdam ko tuloy. Parang nasa iba akong bahay kung tititigan ko ito.

"Let's go.." Yaya sakin nI Ryu sa loob. Tumango ako at naglakad na papasok. Hinila nya ang sarado para bumukas Nasa likod nya ako. Palinga linga. Pinagmamasdan lahat ng mga halaman na iba't iba ang kulay. Wala to noon eh. Marami na nga ang nagbago. "Ate.." tawag pansin pa nya sakin. Kaya, mabilis ko syang nilingon. Kunot noo nyang hinawakan ang braso ko bago tuluyang hinila sa loob ng bahay.

Dilim ang sumalubong ng pumasok na kami sa bahay kahit mataas na ang sikat ng araw sa labas.
"Ryu, turn on the lights.." utos ko pa sa kanya. Hindi kasi makakita ang aking mata kapag ganitong galing sa liwanag tapos biglang sa dilim. Minuto muna bago ako makapag-adjust.

Pero, bago pa ako makakita sa dilim.
"Surprise!!.."

May pumutok at nahulog na mga confetti. Umilaw din ang buong bahay at nagsitawanan na ang mga taong di ko aakalaing makikita ko sa aking pagbabalik.

"Mom?. Dad?.. Niko?!.." naiiyak kong sambit. Hindi ako mapakaniwala. Nasa harapan ko sila ngayon. Been. Ugh!. Years. Namis ko sila. Nangingilid din ang luha ni Mommy na nilapitan ako at niyakap ng mahigpit. Wala syang sinabi. Pinaramdam nya lang sakin kung gaano sya kasaya na nakita muli ako sa pamamagitan ng mahigpit na yakap. Pinunasan nya ang luha bago kumalas sakin. Nginitian ako ni Daddy bago yumakap rin. Gaya ng kanyang asawa. Speechless din ito. Di ko alam kung ayaw nilang magsalita o sadyang wala silang masabi. Who knows.

Sunod sunod na ang ibang Sabedra na yumakap at bumati sakin. Malaki ang kanilang mga ngiti. Hindi sila ganito dati. Sanay ako sa malamig na pakikitungo nila. Hindi gaya ngayon na nakakatunaw ang init ng kanilang mga haplos. Nakakapanghina.

"Maliyah Jane Sarmen.." binigkas ng isang tao ang aking buong pangalan. Sa lahat. Sya yung hinanap ko ng ilang taon. Wala kasi akong kontak sa kanya. At higit pa. Sya lang din ang taong, nakakausap ko bukod sa magkapatid na Sabedra.

"Niko?.." mariin kong bigkas. Tinanguan nya ako. Nag-iwas ako ng tingin para hindi nya makita ang luhang nagbabadyang bumuhos. Suminghot ako at ibinalik muli sa kanya ang mata.

"Long time no see.." tango nito sakin. Nakita kong nag-iwas din sya ng tingin ng bumuhos bigla ang kanyang mga luha. I don't know why?. Bakit ganun nalang ang reaksyon nya?.

Nagkagulo na ang lahat sa pagkain. Pinalibutan nila si Ryu Jin. Hindi ko alam na close na sila ng mga Sabedra.
"Kamusta?.. hahaha.. no!. Hindi yun. Anong pakiramdam mo ngayong nakauwi ka na?. Finally.." pilit nyang pinatatag ang sarili na hindi humagulgol saking harapan.

Hindi ko sya agad sinagot nang kausapin sya ni Grey. Iginiya naman ako ni Green palabas ng bahay. Sa may dirty kitchen na ngayon ay swimming pool na. Pinaupo nila ako sa puti at bilog na mesa. May apat itong upuan. Kabilaan. Puti rin ang pintura.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot samin bago nagkaroon ng lakas ng loob si Niko na magtanong.
"How have you been?.. Ang tagal na nung huli nating pagkikita.." masigla ang pagkakabigkas nya sa mga ito. Nilakbay ng mata ko ang magkapatid. Prente lang ang mga itong nakaupo. Nakasandal at nakadekwatro.

"I'm okay.." sa dami ng gustong itanong at sabihin ng isip ko. Ito lang muna ang kinaya ng bibig ko. Marami akong tanong tungkol sa nakaraan. Sa bansang pinanggalingan nya. Tungkol sa mga pinsan nya. Madami. Ngunit sadyang, wala pa akong lakas ng loob. Lalo na't nakikinig ang magkapatid.

"How's the place?.." mariin akong tinignan ni Niko. Binabalewala ang presensya ng mga pinsan.

Huminga ako ng malalim. Ngumiti bago nagsalita. "It was an amazing place. Ngayon ko lang ito sasabihin. Masarap palang tumira dun. Walang pressure. Walang hassle. Walang stress.. no fake feelings. Totoo.. Hindi ko aakalain na may mas maganda pa pala sa isang syudad na tulad dito.."

Humalakhak silang tatlo. Naiwan akong nakanganga.
"How about the people?.." muli ay tanong ni Niko matapos tumawa.

"They're are all kind, sweet and caring.." tumango tango ang mga ito na para bang alam nila na ganun ang mga tao doon.

"Namimis mo na ba sila?."

"Niko!. Stop that!.." binantaan ni Green ang pinsan na nagtaas lamang ng kamay.

"Oo naman. Pero mas namis ko ang aking pamilya dito. Kaya dito muna ako.."

"Bakit?. May balak kang bumalik doon?.." Ang daldal pa rin ni Niko. Di tulad ng magkapatid na nasobrahan sa katahimikan.

Nagtinginan ang magkapatid saka ginapos ang magkabila nitong braso sabay hagis sa kumikinang na tubig. Agad lumipad ang dirty finger nito sa ere na pinagtawanan lang ng dalawa.

"That's what you got. Loud boy!.." tinapunan rin sya ni Grey ng mura. Tuloy, di maiwasan ni Green na humagalpak.

"Did you open the box?." Tanong ito ni Green matapos paliguan ng mura ang pinsan na panay ang mura sa ilalim ng tubig. Naligo nalang ito. Tinanggal ang pang-itaas na damit. At lumangoy.

"Not yet.." iling ko.

"You should.. open it now.." suhestyon naman ni Grey. Sabay abot nung pulang box. May kasama na itong susi. Saan kaya nila nakuha iyon?.

Kinuha ko iyon at dahan dahang binuksan. At hindi ako nagkamali. Sulat iyon na may kasamang kwintas..

Stupid Mistake (SGSeries 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon