√•The Legend of Crane•√

2 0 0
                                    

Written on:July 05 2019
Done :July 05 2019

                 "PLAGIARISM IS A CRIME"

~••~

RAIVENDER, isang napaka isig,napaka amo at napakagwapong diyos ng mga hayop.Nakatira ito sa kaharian ng Laquien, ang kanyang tahanan at trono...Lahat nahuhumaling sakanya pati narin ang mga taong sumasamba sakanya. Maraming umiibig sakanya, mortal man o imortal. Ngunit sa kanyang taglay na kaanyuan, napapaloob ang napaka samang ugali nito... Bagamat syay isang diyos, walang ayaw kumalaban at pumuna sa napaka budhing ugali nito... Sya'y mapagmataas sa kanyang sarili na akala moy napaka layo at napaka taas na ng nilipad nito kesa sa iba pang diyos at diyosa....
          

      I sang araw,isang nagmamadaling kawal ang lumapit sa kanyang trono at sinabing kailangan nitong humayo sa bayan ng Nazaka, ang pinaka malayo at pinaka maliit na baryo ng kanyang kaharian...

      Bagama't malayo ito, humayo parin si Raivender upang lutasin ang problema roon... Nagsisiwalaan daw lahat ng hayop at natatagpuang itong patay at wala ng laman loob... Nauubos na ang populasyon ng mga hayop sa Nazaka at nahihirapan narin ang mga mortal na mamuhay doon dahil nawalan ang mga ito ng katulong sa panghahanap buhay nila...

Hindi hahayaan ni Raivender na masira at mawala ang bayang iyon kahit pa napaka liit at napaka layo nito. Kailangan nyang lutasin ang problema rito upang mapanatili ang kanyang ipinag mamalaking sya'y pinaka magaling na diyos sa lahat. Hindi nya hahayaang bumaba ang kanyang lipad at pagtawanan sya ng mga kapwa nitong diyos at diyosa...

Ng makarating ito sa bayan ng Nazaka,sumalubong sakanya ang mga mamamayan nitong sinasakupan... Sa isip nyay ayaw nitong makisalamuha sa mga mortal na nasa kanyang harapan dahil sa dungis ng mga ito na animo'y naligo sa putikan ngunit ito'y kanyang isinawalang bahala nalang at taas noong humarap sa mga mamamayan...

"Ito bay matagal nang nangyayari? "Nahinahon at ma autoridad nyang sambit.. Ayaw na nyang magpa ligoy ligoy pa... May lumapit sakanyang isang matandang lalake.

Lumuhod ito sakanya saka nagsalita. "Oho diyos ng mga hayop. Mag dadalawang linggo na itong nangyayari sa aming bayan, hindi namin mahuli-huli ang salarin kaya't odinulog na namin ito sainyo. "Magalang na anito sakanya.

"Kung gayoy aking lulutasin ito sa loob ng tatlong araw, "aniya saka ito tumungo sa isang maliit na bahay ngunit napaka garbo ng dating... Sa bawat nayon o bayan na kanyang sinasakupan ay may bahay parin itong matutuluyan pag sya'y naglalakbay at bumibisita sa bawat nayong kanyang nasasakupan...

Pagsapit ng dilim, lumabas ang isang napaka gandang nilalang sa kanyang bahay tahanan. Isa itong maliit na kubo sa gitna ng kakahuyang kanyang pinaninirahan...

"Cannanry"kanyang himig na narinig habang sya'y naglalakad mag isa sa kakahuyan.. Sa isip isip nya'y tinatawag nanaman sya ng kanyang inang diwatang naninirahan sa dulo ng kakahuyan. Napaka ganda roon.. Nakakabihani ang talon na naroon na pinapalibutan ng mga ibat ibang klase ng bulaklak. Kumikinang ang tubig, umaawit ang mga ibon at naglalaro ang mga paruparu.. Mayroong maliliit na bahay sa talon na pawa'y mga tirahan ng iba't ibang mga diwata.

"Napaka ganda"naisatinig nito ng nasa talon na sya.. Umupo sya sa gilid ng isang puno at pinagmasdan ang tanawing kanya nakikita. Mahal na mahal nya ang inang kalikasan at ayaw nyang masaktan o mawala ang kagandahang taglay nito dahil dito sya nabubuhay...

"Huwag mo itong gawin parang awa mo na! "Sabi ng isang nilalang sa lalaking nang anyong halimaw mismo sa kanyang harapan. May pakpak itong kulay itim, mahajaba ang kuko sa kamay at panga.. Nag anyo ito parang halimaw na msy itim na pakpak. Hindi ito nakinig sa halip kanya itong sinaksak ng kanyang matutulis na kuko at kinain ang lamang loob nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

√•The Legend of Crane•√(G10 Fil.Project)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon