Steffie's POV"You need to transfer to another school Ms. Villareal. You and the two of your best friends" She said.
"H-ho? Bakit naman po?" Takang tanong ko.
Ano bang ginawa namin? Okay naman yung grades naming tatlo. Wala namang problema mga teacher sa amin.
Tsaka saan kami ipapa-transfer?
"This is a favor that came from your brother. There is nothing I can do about it" aniya.
Galing kay kuya? Ano naman ba yung iniisip ng taong yun. Baka naman dun sa mga gang gang na yun ang dahilan kung bakit kami ta-transfer.
Sana hindi lang yun ang dahilan. Pepektusan ko talaga siya.
"Ano po bang sinabi niya, Mrs. Del Torre?" Curious kong sabi
"It's not long, pero sabi niya kailangan mo-- niyo na daw magtransfer ng school. Kahit ngayon nalang daw"
"Luh! E paano po ba yung mga--"
"Your papers were taken care of kani-kanina lang" kaya pala wala yung teacher namin "So the three of you are free to go whenever you want-- no, scratch that you need to go NOW"
Sabi niya at bigla nalang pumasok yung mga nakaitim na mala-butler suits at itim na sunglasses.
Luh! Sino 'tong mga 'to?!
Pumalibot sila sa akin at yung dalawa sa kanila hinawakan ang braso ko at inaakmang palabasin ako.
"Hoy, bitawan niyo ako!" sabi ko. Pero wala atang talab yun
"Sumbong ko kayo kay kuya!" Pagbabanta ko at sinipa ko pa sa paa yung isa sa kanila.
Wrong move Stef!
Imbes na siya masaktan yung paa ko pa nakaramdam ng sakit
Aray ko pooooo
"Gawa ba 'to sa metal paa mo?!" Reklamo ko. Pero dineadma lang ako ng sinipa ko
Kainis!
Ngayon ko lang rin napansin na nasa parking lot na kami ng school at huminto sila sa harap ng isang itim na SUV.
Luh! Kidnap to pipol!
"Tulong! May mga ra---" hindi ko natuloy yung sinabi ko nang tinakpan ng isa sa kanila yung bibig ko gamit kamay niya.
Infairness! Ang lambot ng kamay niya
Binuksan nila yung sa backseat at agad akong tinapon dun.
Oo! Tinapon nila ako. Mga walang hiya!
"Stef?" Sabi ng kung sinong multo-- ay hindi tao pala.
Hinarap ko ang nagsabi ng pangalan ko at napalaki mata ko.
"Anu ginagawa niyong dalawa dito?!" Gulat na tanong ko
"Ewan ko nga. Basta may isang lalaking nakaitim na shades na lumapit kay Kylle at sinabihan niya daw na may libreng cake pag sundin daw namin siya. Sasabihin ko na sana na ayaw namin, pero 'tong isang 'to, hinatak niya ako, sayang daw kasi, libre pa naman yung cake baka masarap daw. So here we are" mahabang paliwanag ni Shawn
Facepalm
Pagkatapos niyang sabihin yun, agad akong humarap kay Kylle at tiningnan ko siya ng masama.
"Immune ka talaga pagdating sa pagkain noh"
"Hehe" yun lang ang tanging tugon niya sakin
BINABASA MO ANG
She Who Slays the Boys
Teen FictionIsang babaeng parang may kung anong infection sa ulo at nadaan sa binaliw disease Isang lalaking halos galit sa buong mundo dahil sa kanyang napakalamig na ugali Mga kaklase nilang may topak sa utak at may kung anong kagaguhan na iniisip sa bawat mi...