Chapter 11 : FRIENDS?

5.6K 193 16
                                    

                                                                              Chapter 11 : Friends?

                                                                                          Lirie Elie

"At saan ka pupunta?"    hila sakin ni Nalu ng makita nya akong sasakay ng sasakyan ko.

"Going out with my friends,"       

"Friends ? Meron ka ba nun?" inalis ko ang kamay nya at sumakay na ng kotse nakaka-inis talaga sya.

"Wait,"  pigil nya sa pinto.

"What ?"  Bakit ba kasi kasama ko sya sa bahay, nakaka-irita lang.

"Pasabay ako,"   he winked, and it really irritates me.

I rolled my eyes to him at sumakay na sya ng kotse ko. It's saturday night  and every weekend is required kami na umuwi sa bahay, oh yeah, it's a free night kaya naman mag eenjoy ako magdamag.

"Wag mong isipin si Bullet , hindi ka nya magugustuhan"  epal na Nalu, mula ng nalaman nya na crush ko si Bullet ganyan na sya.

"Shut your f*cking mouth Nalu or I will drag you down there."

"I told you, hindi ka 'non magugustuhan," talagang ipinamumukha niya sa akin yan, tsk.

Sobrang saya ko ng makita ko ulit si Bullet, and from what I see mukang close sila ni Cham maybe matutulungan nya ako?

"Don't ever think about na matutulungan ka ni Cham. she's an evil,"  nababasa nya ba iniisip ko? Hindi ko nalang sya pinansin at tuluyan ng nagdrive. Binaba ko sya sa isang casino, I knew it magsusugal na naman sya, wala na syang pag asa.

"Umuwi ka agad ah,"  salita nya bago sya bumaba.

"Hindi ba dapat sayo ko sinasabi yan?"    sinarado ko na ang pinto at pinaalis ang kotse ko, matalo sana sya.


                                                                           Nalu Elie

"Player 2 wins,"  talo na naman ako? Nakaka inis ah, sino na namang demonyo ang nanalangin na matalo ako ?

"Can you please change the dealer ?"   tanong ko sa assistant ng may ari ng casino, may balat 'ata sa pwet ang dealer namin ngayon kaya nagkakanda-malas malas ako.

"Okay wait , can you please call Gun? He'll be the dealer for tonight ,"   baling nya sa dealer ngayon. Saglit na natigil ang laro dahil doon.

"He's losing against his luck,"  baling ng katabi ng kalaban ko.

Ngumiti lang ang kalaban ko, naiirita ako sa pag ngiti nya, akala nya siguro pinaka magaling na sya sa palagay nya. Lumabas na ang sinasabi nilang Gun at sinimulan na ang laban at natatalo talaga ako kahit anong mangyari, ugh. Sino ba tong kalaban ko na 'to at siya yata ang may balat sa pwet kaya natatalo ako.

"Nothing to lose?"  baling sakin ng kalaban ko.

Nakakapikon siya, kaya naman tumayo ako, pero pagkatayo ko ay nagulat ako sa isang putok ng baril at kasunod non ay nagsisigawan ang mga tao.

"Raid!"

Oh shit, kung minamalas ka nga naman talaga.   Agad akong tumago sa ilalim ng lamesa na pinaglalabanan namin. Oh yeah, you see it guys this is an underground casino, ilegal  ang lugar na ito kaya ganto.  Hinanap ko ang pinaka mabilis na exit doon at agad naman akong nakalabas, pero-

"Freeze,"  a police officer aiming a gun at me,  come on, not again.

Dahan dahan kong tinaas ang kamay ko pero nagulat nalang ako ng bumulagta ang pulis dahil sa paghampas sa kanya ng bangko. He's the dealer, the one with the name Gun.

"Mali ka ng dinaanang exit,"   sabi nya sabay takbo kaya naman sumunod ako sa kanya and from then nakalabas kami ng matiwasay.

"Thank you for saving me," baling ko pagka labas namin.

"Wala 'yon."   

"By the way, I'm Nalu , Nalu Elie."   

"Gun, Gun Keast,"

We both held hands na akala mo ay umattend kami ng isang business meeting at tila nagkasundo sa business proposal.

"Pwedeng magtanong? Sino yung nakalaban ko kanina? Ngayon ko lang kasi siya nakita."

"He's Gael, Gael Aiden, kahit sino wala pang nakakatalo sa kanya." kaya pala ang yabang nya.

"Bitiwan nyo nga ako, ano ba, hindi ako kasama, ano ba  let me go." sang pamilyar na boses ang naringgan ko ng ganyan kaya napalingon ako.

"Lirie,"  nakita ko na sinasakay sya ng police sa isang police van na madaming babae na halos na ka bra at panty lang. Bakit sya napasama doon?

"Lirie,"  Tatakbo sana ako pero pinigilan ako ng kasama ko.

"Madadamay ka lang 'don pag pumunta ka"

"Oh f*ck, that's my cousin  and I'm getting her out."

Tumakbo ako para habulin ang sasakyan naramdaman ko naman na sinundan ako ni Gun kaya dalawa na kaming tumatakbo ngayon. Sobrang bilis ng sasakyan kaya naman hindi namin naabutan sa kabilang banda isang humaharurot na sasakyan ang paparating, I smirked. I know she'll always come, bago pa sya maka-alis ay hinarangan ko na ang daan kaya naman napahinto sya.

"What the hell?" katulad ng una naming pagkikita, iritable niya akong binulyawan.

"Help me, chase that van," hindi na ako nagdalawang isip, binuksan ko nalang ang likuran at sumakay na ako ng kotse nya.

"Fuck, ikaw na naman?" simangot ang mukha niyang lumingon sa akin.

"Please, Lirie is in danger,  I need your help."

"Aish," hindi na niya gumawang sumagot, muli na siyang bumaling sa harapan at hinawakan na muli ang manibela.

"Ikaw? Hindi ka ba sasama?"  baling ko kay Gun kaya sumakay na din sya sa likuran.

And at my signal pinaharurot ni Cham ang sasakyan nya, she's wearing leather jacket again, at halos marindi ako sa sigaw ni Gun sa likod, yung totoo? Lalaki ba talaga 'to?  Nang marating namin ang police station ay mabilis kong pinuntahan si Lirie, nakahilera siya sa mga babaeng hubo at siya lang ang may ayos na pananamit. Ilang paliwanag ang ginawa ko pero hindi nakikinig ang pulis, kaya naman tinulungan na ako ni Cham at siya na ang nag-paliwanag sa mga ito. Pwede ko na siyang kuning abogado sa mga susunod na mahuli ako, na bail-out si Lirie sa tulong ni Cham. Napag alaman ko na nasa loob pla sya ng bar na yon kaya napasama sya.

Umuwi na kami ni Lirie at pinahatid ko na si Gun kay Cham, ihahanda ko na ang sikmura ko bukas dahil malamang bugbog na ulit ako.

Morthon University : "League of Assassin" (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon