Just Like a Splendid Love Song (One Shot story)

115 8 8
                                    

Just like a splendid love song

OneShot Story Written by: YanAngDyosa

*****

Nakatayo pa rin siya sa harapan at naghihintay sa sasabihin ko. Isa lang ang masasabi ko Ang lakas ng loob niyang magsabi ng ganoon sa isang tulad ko. Nagsasayang na naman ako ng oras. Inilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko. Tumalikod na ako ng magsalita na naman siya.

"k-kunin mo na ito" sa huling pagkakataon ay humarap ako sa kanya. Nakayuko siya habang inaabot sa akin ang hawak niya. Hindi ko siya inimikan at patuloy ko lang siyang tinitignan.

"Binake ko ito p-para sayo kahit sana ito lang ang tanggapin mo" kanina niya pa ako ginagambala sa totoo lang naiinis na ako at naiirita kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagpakita ng emosyon sa harapan niya. Ilang minuto pa at mukhang nangangalay na siya kaya napagdesisyunan kong kunin na lang ang ibinibigay niya. Tumingala siya at kita ko sa mukha niya na natuwa siya sa ginawa ko. Tss napilitan lang ako. Tumalikod na talaga ako at naglakad ng palayo ng magsalita siya ulit.

"salamat joseph" Iyon ang huling sinabi niya. Iyon ang bukod tanging babae na nakilala ko. Kaklase ko ang babaeng yon hindi ko siya kilala sa pangalan pake ko ba at kahit kelan ayaw kong alamin patuloy ang pagsuyo sa akin ewan ko ba at mukhang may sapak ang isang yun hindi lang halata sa itsura pero para sa akin may sapak siya. Kakaiba para siyang nanliligaw sa ginagawa niya diba dapat lalake ang gumawa nun pero kabaliktaran ang kanya. Tss bakit ko ba iniisip yung baliw na yun.

Bitbit ko pa rin ang binigay nung babaeng yun. Tinignan ko ang hawak hawak ko. 'Cookies para sayo sana tanggapin mo' ang nakasulat sa isang papel na nakadikit sa kahon. Ibang klase tss. Ano bang gagawin ko dito, itatapon ko na sana sa malapit na basurahan nang may makita akong isang gusgusing bata sa gilid umiiyak at ang dami ng uhog na lumalabas sa ilong niya. May naalala ako bigla parang ganoon din ako noon. Nakaramdam ako ng unting awa sa bata. Lumapit ako sa kanya, kanina pa siguro siya umiiyak. Tumigil naman siya sa pag-iyak at pinunasan niya ang uhulog at luha niya. Tumingala siya sa akin takang taka kung bakit ko siya nilapitan. Tinignan ko rin ang bata nasaan ang pamilya nito? Walang kwenta dahil pinabayaan lang ito na palaboy sa kalsada. Tinignan ko ulit ang hawak ko na cookies, may pakinabang rin siguro ito hindi sakin kundi dito sa bata.

"sayo na lang" kita ko ang ngiti sa labi ng bata

"salamat po" umalis na ako at naglakad. May pakinabang rin pala yubg cookies kaysa dun sa gumawa.

Nang makauwi na ako sa tinutuluyan kong apartment ay hinagis ko ang gamit ko sa kung saan. Tinapon ko ang sapatos at medyas ko sa sulok at ibinagsak ko ang sarili ko sa lumang sofa. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon ko at sinindihan ko gamit ang lighter sa tabing mesa. Ibinuga ko ang usok ng sigarilyo sa ere, huminga ng malalim at pumikit.

'Mahal kita'

Ang salitang pinakaayaw kong marinig sa lahat. Ang salitang pinakaiinisan ko. Ang salita kung bakit naging miserable ang buhay ko pero sinabi niya iyon sa harapan ko. Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon sa isang katulad ko. Ang salitang gusto marinig ng karamihan. KALOKOHAN. Kung may salita talagang ganyan bakit may mga taong nasasaktan at nagdurusa ngayon. How ironic na ang salitang mahal ay ang dahilan ng pagdurusa ng iba. Ano ba talaga ang kahulugan ng salitang iyon kung ang resulta ay masasaktan ka at magkasira-sira ang buhay ng isang tao. Naikuyom ko ang aking kamao. Sino ba ang nag imbento ng salitang iyon ng maisaksak ko sa baga niya ang inimbento niya. Nang dahil sa salitang iyon marami ang nagdurusa isa na ako sa mga yon.

I was an abandoned child. Lumaki ako sa puder ng mga madre sa ampunan. Nung bata pa ako ay lagi akong naiyak at nagmumukmok sa isang tabi. Naiingit ako sa mga batang may pamilya at masaya. Sumagi sa musmos kong pag-iisip kung may pamilya rin ba ako? Nasaan ang tunay kong pamilya? Kung may kapatid ba ako? Ngunit lahat ng tanong na iyon ay patuloy pa rin na tanong sa isip ko. Tumakas ako sa ampunan ng sumapit ang ika-labing dalawan kong kaarawan. Hinanap ako ng mga madre pero buo na ang desisyon kong hanapin ang tunay kong mga magulang. Nagpapasalamat din ako dahil sa maikling panahon ay hindi sila nagkulang sa pag-alaga sa akin.

Just Like a Splendid Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon