Rei's POV
"Nyems! Asan na ba yung babaeng yun?! Bakit wala pa rin? MaleLate na kami e."
I'm here in my room currently thinking sa babaeng yun. Well partly. Paano ba naman kasi.. first time in the history na nauna pa akong magising sa kanya. Tsk.
*Knock! Knock!*
"Come in! " sigaw ko. Baka andyan na si babae. So, I hurriedly prepare my things, ang kaso..
"Oh, anak! Gising ka na pala? Hihi. Akala ko, kailangan pa kitang gisingin e. Kailangan ata natin magpaParty, para sa celebration ng pagbabago mo. Pffft."
Sometimes, naiisip ko na lang na pareho ng wavelength ng utak tong nanay ko at si Natsuko. Katulad na lang ngayon, may hawak siyang dalawang kawali. Feeling ko, yan yung ipang-gigising niya sakin e.
"Wala pa si Nats. Puntahan mo na kaya siya nak. 7:21 na oh. Malelate kayo. Tsaka, dalhin mo na rin sa kanya tong cookies. May strawberry jan. Baka, tinamad yun pumasok. I'm sure sisipagin yun. Haha."
Tinamad? Nah. I highly doubt that. Siya na ata ang epitome ng kasipagan e. Masipag yun sa lahat ng bagay. While me? I'm the total description of Laziness. We're different. That's why we click.
"That's a great idea mom." I told her at kinuha na yung gamit ko. Ako na lang ang pupunta sa kanila. Another first time. Kinuha ko na lang kay mommy yung cookies and kiss her goodbye.
Nakatingin lang naman siya sakin kaya dumiretso na ko palabas. Pero may narinig pa kong sinabi niya..
"Kailangan talaga natin tong iCelebrate! Ano kayang theme ng party? Halloween? Eh! Nakakatakot! Barbie themed na lang kaya? O Fairytale? Hihi. Matutuwa nanaman yun si Nats. Tapos may strawberry na balloon. Hihi. Ang galing mo talaga Hinata! Sige, gagawin ko yan."
Tsk. Nahahawa na ata ang nanay ko kay Natsuko. Pati poster pinapatulan. Hays.
Jung's Residence
"Oh iha! Kamusta? Ngayon kana lang napadalaw dito ah! Si Natsuko ba ang hinahanap mo? Nasa kwarto pa niya e. Hindi pa bumababa. Ewan ko ba sa batang yun. Kahapon pa yun uma-akto ng kakaiba. Ano bang nangyari sa inyo nung isang araw at ganyan yan?"
Napatitig naman ako kay manang Linda. Grabe. Parang isang taon lang kami hindi nagkita.
"Opo manang. NaMiss din po kita." Sagot ko na lang sa lahat ng tanong niya. Pffft.
"Ikaw talaga iha. Kung hahanapin mo si Nancy, nasa Laguna siya ngayon. May business meeting ata. Kumain ka na ba? Ikaw na lang yung pumunta kay Natsuko sa itaas ah? Kapag binato ka niya ng kung anu-ano, tawagin mo lang ako. Ako ang back-up mo. Wag kang mag-alala, may weapon na kong pang-salag sa mga binabato niya. Hihi."
NapaFace palm na lang ako ng tinalikuran ako ni manang. Pati yung guard nila Natsuko kanina ganyan din yung sinabi. Hays. Pareha-parehas talaga sila. Minsan tuloy nakaka-Op kapag magkakasama sila nila mommy. Si Tita Nancy yung mommy ni Natsuko na pinagmanahan niya talaga. 10x yung ugali nun kay mommy. Tuwing naiisip ko na magsasaSama-sama sila, sumasabog ang utak ko. Si manang naman, akala mo masungit, pero hindi naman talaga. Kung iraranking sila, 1st si Natsuko, 2nd yung mommy niya, 3rd si mommy, 4th si manang. Sama na rin natin si Kuya Roger na guard nila. Siya yung pang5th. Nakakaloko lang kapag nagsaSama-sama sila.
Habang pa-akyat ako sa kwarto ni Natsuko, nadaanan ko yung isang kwartong hindi nila pinabubuksan. Since nung bata pa ako, hindi ko pa yun nakikita. Lagi tuloy akong nateTemp na buksan yan. Actually, si Natsuko lang naman yung nagbabawal na buksan yan. Kasi si tita, okay lang naman. Pero, si Natsuko, parang nagiging Alien na creepy doll siya kapag nag-uusap kami tungkol sa pagbukas ng pintuan na yan kaya hindi na namin binubuksan.
BINABASA MO ANG
CURSED
ChickLit"One thing I learned from my experiences;You should learn to sew, before learning how to love. So you can mend your heart back together whenever someone tears it apart."- Natsuko Jung