Natsuko's PoV
It's been a month since nangyari yung isa sa pinaka-importanteng araw sa buhay ko. Na, nagkaroon ako ng bagong kapatid.
December na ngayon. Ang bilis ng panahon. Si Jiro..hindi na siya ganung kalamig sakin. Si Kuya, nanliligaw na siya ng bulgaran kay Rei, ganun din si Kei. Sa pagkaka-alam ko, Tie na ang score nila. Yup. May scoring. Torn between two lovers kasi ang peg ni bff. Though, friends na rin kami ni Kei, mas gusto ko pa rin yung kapatid ko para kay bff.
Ang daya ko ba? Hindi naman. Syempre, mas close at kilala ko naman kasi si Kuya. Kaya alam ko kung gaano niya kamahal si bff. Si Jiro..hindi ko alam kung bakit ang hina niya manligaw. Binusted na kaya siya ni bff? Pero, parang hindi naman. December na.. two months na lang birthday ko na. Malayo pa naman. Trip ko lang talaga magCount down.
Namamasyal ako mag-isa ngayon. May date kasi si kuya at si bff. Sinasama nga ako. Ayoko nga. Gagawin lang nila akong maid sa date nila. Ang hirap talaga kapag may love life yung best friend mo tapos ikaw wala. Lagi ka na lang mag-isa. Pero, ayoko rin naman magka-love life. Masakit sa ulo. Si bff nga, nalilito na kung sinong pipiliin niya. Buti pa ako, walang problema. Haha.
Si Mark..maayos na naman kami. Lumabas kami last time at dun ko nakumpirma na wala na talaga akong feelings sa kanya. As in, Zero Negativity. Pero nagpaparamdam pa rin siya ngayon. Gusto niya manligaw. Ayoko. Gusto ko sanang lumabas kasama siya ngayon. Bilang bestfriend. Nami-miss ko na yung isang bestfriend ko. Kaso, busy siya ngayon. Busy si Mark ngayon. TineTrain na siya ng daddy niya dahil katulad ni Kuya, sole heir din siya ng company nila. Ang boring
tuloy. Ano kayang gagawin ko? Shopping? Nakakasawa. *sigh* MagBoy-hunting kaya ako? Kaso, lang para naman akong tanga. Mag-isa lang ako? Uwi na lang kaya ako? Matulog? Better.
Kaya, tumalikod na ko at uuwi na sana ng may mabangga ako. Ouch ah? Ganun na ba ako kahina para matumba agad? Kainis.
"Natsuko? What are you doing here?" Nag-angat naman ako ng tingin. J-jiro? Lumapit siya sakin at tinulungan ako tumayo.
"Are you alright? May masakit ba sayo? Do you want me to bring you to the hospital?" I just rolled my eyes on him. Ang gulo niya kasi. Tignan mo ngayon, parang nakakapagtaka na sinasabi niya yan, di ba? Ganyan na siya, after that incident. I mean after that night. But still, ang lamig niya pa rin minsan. He's been going hot and cold. Minsan ang bait niya sakin na parang ang OA na. Katulad ngayon. Minsan, ang sama naman ng ugali niya sakin. Naguguluhan na rin ako sa tinatakbo ng pag-uutak nitong snowman na to' e.
"I'm fine." sagot ko sa kanya. Para kasi akong nasagasaan sa inaasta niya ngayon. Chine-check niya pa talaga ang mga braso at paa ko. Seriously? Ang OA naman kasi niya. Nabunggo lang ako, hospital agad? Bigla naman siyang tumigil at tinitigan ako.
Now what?
Tumalikod na naman siya at mukhang aalis na. Iiwan niya ko?! Grabe talaga tong' lalaking to!
"Wait!" Sigaw ko sa kanya. Aba! Hindi man lang tumigil? "Snowman! Wait!" Ulit ko at tumakbo papunta sa kanya. Ang bilis kasing maglakad. Ang laki ng hakbang! Siya na matangkad. "Ouch." Yung ilong ko. Bigla naman kasing tumigil. Anong problema nito? Malas magnet ata tong lalaking to e. Lagi akong minamalas kapag kasama ko siya.
"Are you going home already?" Huh? Sinong kausap niya. Sumilip naman ako sa harap niya. Nasa likod niya kasi ako. Wala namang tao.
"Stupid. I was talking to you." Sabi niya at humarap sakin. A-ang lapit niya. Teka--ang ganda pala talaga ng mata nitong snowman na to'. Kaya ang daming fangirls e.
BINABASA MO ANG
CURSED
ChickLit"One thing I learned from my experiences;You should learn to sew, before learning how to love. So you can mend your heart back together whenever someone tears it apart."- Natsuko Jung